Chapter 51

898 46 16
                                        

"Congratulations Pax!!!" masayang pagbati sakin nila Jerome at ng mga katrabaho ko.

Na-promote ako bilang purser. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala para akong lumilipad sa alapaap.

"S-Salamat." hindi ako makapagsalita ng maayos. Na-ooverwhelmed ako.

"Deserve mo yan, Pax! Magaling ka naman talaga kaya nga di na ako nagulat. Alam kong darating ang araw na ito!" masayang turan ni Jerome.

He always believes in my capabilities. Isa din siya sa dahilan bakit nagiging madali sakin ang trabaho dahil ginagabayan nya ako lagi. Sinasabi nya ang mga dapat at hindi dapat gawin.

Hanggang makauwi ako ay di pa rin ako makapaniwala. Parang dati pangarap ko lang maging FA pero ngayon, purser na ako!

Ang gaan ng pakiramdam ko. Ang saya saya ko. Ito yung fulfillment na hinihintay ko. Something that i can really be proud of.

Pagdating ko sa bahay dahil masaya ako at wala pa si Brienne ay naisipan kong magluto para sa amin.

Pero nitong nagsasama na ulit kami ni Brienne, salitan naman kami magluto. Kung sino available siya ang magluluto pero ngayon kasi, ibang iba ang pakiramdam ko.

Hindi ko maipaliwanag ang saya.

"I'm home!!" malakas na sigaw ni Brienne mula sa labas. Ganyan naman sya tuwing dadating sa bahay.

"Good evening, Love." bati nya sakin at yumakap mula sa likod ko.

"I love you.." bulong nya at hinalikan ako sa pisngi.

Araw araw nya pa rin ako sinasabihang iloveyou pero di ko tinutugon.

"Magshower ka na muna dun para makakain na tayo." utos ko sa kanya

"Sabay tayo?!" hindi makapaniwalang tanong niya. Kahit kasi nagsasama na ulit kami ay hindi naman kami kumakain ng sabay. Sobrang dalang lang.

"Oo. Maligo ka na." pagpapa-alis ko sa kanya pero sa halip ay humigpit lang ang yakap niya sakin.

"Ahh.. I miss you so much." mahinang bulong niya sakin.

Pakiramdam ko kinukurot ang puso ko sa boses niya. Para syang pagod.

"How's your day, Love?" mahinang tanong niya.

Napangiti naman ako ng maisip ko kung paano sinabi kanina ng manager namin na sa next flight ko ay isa na akong purser.

"Masaya. Purser na ako." mahinang ani ko sa huling pangungusap ngunit may pagmamalaki.

Gulat na gulat niyang nilayo ang muka nya sakin para matitigan ako pero di bumibitaw sa pagkakayapos sa bewang ko.

"Really? T-That's great my love! I'm so proud of you!" kitang kita ko yung pagsigla ng muka nya at ang saya dun.

This is what i dreamed of. Yung matupad ang mga pangarap ko na siya ang kasama.

"We should celebrate! What do you want? Where? Oh my gosh! I will call an event organizer now!" bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at kinuha ang cellphone sa bulsa niya, inagaw ko naman sa kanya yun.

"Wag na. Okay na ako sa ganito." nakangiti kong pahayag at binalik ang cellphone sa bulsa niya.

"But that's a milestone! We sh--"

"My terms." pagputol ko sa sasabihin niya kaya natahimik siya.

"You're always using that against me." nakalabing saad niya.

Totoo naman. Kapag nagiging makulit na naman siya lagi kong sinasabi yun para tumigil na sya sa pakikipagtalo.

"Wag ka ng madrama dyan. Maligo ka na." muling utos ko sa kanya.

Bondwoman 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon