Pero sa tuwing humahakbang ako palayo sa kanya, yun naman paglapit niya at paulit ulit lang ako nahuhulog sa kanya.
"Kinain mo ba yung niluto ko?" tanong niya. Sa totoo lang nagulat ako na nagluto siya. Okay naman ang lasa niya, tolerable naman.
"Oo." tipid na sagot ko para di humaba ang usapan
"How was it?" muling tanong niya.
"Ahm. Okay naman."
"Okay naman? Hindi ba masarap?" pangungulit nya.
"Mas masarap ka.." sinadya kong ibulong lang yun para di nya marinig.
"What?"
"Wala. Nandito na tayo." pag-iiba ko ng usapan at nang ihinto nya ang sasakyan ay nagmamadali akong bumaba kaso nilock niya ang kotse.
"Bababa na ako." asik 'ko sa kanya pero umiling lang sya.
"Not that quick, Love." saad niya at lumapit sakin.
Hinawakan niya ang baba ko at tinitigan ako. Para akong matutunaw sa paraan ng pagtitig nya.
Ibang iba ang mata niya dinadala ako nito kung saan.
"I love you." ani niya bago ilapat ang labi nya sakin.
Agad akong pumalag ng maramdaman ko ang labi nya pero mas lalo nya lang diniin sakin ang katawan niya. Kinagat niya ang ibabang bahagi ng labi ko dahilan para mapapasok ko siya.
Pinasok niya ang dila nya sa bibig ko kaya nalasahan ko ang manamis namis na laway niya.
Nanghihina na ako sa sarap niyang humalik. Hinila niya pa ako lalo sa kanya at hinapit ang batok ko para mas palalimin ang kanyang halik.
Hindi ko na kayang magpigil pa kaya tinugon ko ng buong puso ang halik niya. I miss her. I miss this much intimacy with her.
Sobrang pusok ng halikan namin na naliliyo na ako. Nawawala na ako sa sarili ko. Tumugon ako at nagpapadala sa kagustohan ko.
Hanggang sa maramdaman kong gumalaw ang pwesto namin.
Dun ako natauhan. Hiyang hiya ako sa napaka senswal na posisyon namin. Bahagya kaming nakahigang dalawa, nakapatong ako sa ibabaw nya at nakabukaka sa pagitan niya.
"Hey, why did you stop?" malambing na tanong nya na nilalagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga.
"Tang-ina!" hindi ko nakontrol ang sarili ko. Ano bang nangyari sakin?
Kumilos na ako agad at bumaba ng kotse. Hinampas ko ang compartment nya para buksan niya at para dun ibuhos ang frustration ko.
Fuck! Sa susunod hindi ko alam kung kakayanin ko pang pigilan ang nararamdaman ko.
Sa mga sumunod na araw ay kinukulit niya pa rin ako. Lahat ng panghaharot nya ay binabalewala ko. Tinitimpi ko.
Pero hindi ako manhid para hindi magustohan yun kaya hindi ko magawang ipagtulakan siya ng husto. Hinahayaan ko lang siya gawin ang mga gusto niyang gawin.
Sinasama niya pa rin ako sa desisyon niya kahit sa pagpunta nya kasama mga kaibigan nya gusto niya sumama ako. Gusto ko naman talaga sumama lalo na't ng mabanggit ni Karina ang tungkol sa ugali ng mga kaibigan niya.
Kilala talaga sila sa pagiging maloko pero malaki naman tiwala ko kay Brienne kaya hiyaan ko siya.
Isa pa, Wala na akong karapatan.
Sinubukan kong sumama sa mga kaibigan at katrabaho ko para malibang at iwasan na rin si Brienne. Alam na alam niya kasi kung kailan wala akong pasok. Hindi na ako magtataka dahil malamang kinuha niya kay Angela.
BINABASA MO ANG
Bondwoman 2
FanfictionDoes love is enough to keep you warm? -- Kaori Brienne and Jillian Pax is a couple that promise to hold each other for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part. Pero hanggan...