Chapter 43

730 47 90
                                    

GILLIAN ROSE VICENCIO

Nagulat ako ng bigla kong maramdaman ang labi ni Brienne sakin.

Hindi agad ako naka-react. Nakatulala lang ako habang patuloy nyang inaangkin ang labi ko.

Itutulak ko na dapat sya pero naunahan niya ako.

Pagkatapos nya akong halikan ay tumingin siya sa likuran ko at ngumiti ng nakakaloko.

Napakunot ang noo ko sa reaksyon niya.

"She saw us." ngiting tagumpay na sabi nya.

Kahit hindi niya sabihin, alam ko na tinutukoy niya.

So, hinalikan nya lang ako para ipakita kay Pax yun?

Sumabog lahat nang sama ng loob na naipon ko.

Dumapo ang palad ko sa muka ni Brienne na kinabigla nya.

"What the-- why did you slapped me?!" galit na tanong niya pero sinampal ko lang ulit siya at nagtatakbo na papunta sa kwarto.

Bago ko pa masara ang pinto ay nahawakan ito ni Brienne kaya nakapasok siya sa loob at sinara yun.

"What's wrong with you?!" nagugulohang tanong niya pa rin.

"What's wrong with me? Brienne, ako yung tipo ng tao na babalewalain na lang ang isang bagay kahit nasasaktan ako hangga't kaya ko!!" tinitigan ko siya mata sa mata. "Hangga't kaya ko, Brienne pero sumobra ka na! Hindi ko na kaya pa."

Nanatili siyang tahimik at hinihintay ang sunod kong sasabihin.

"Deserve mo yung dalawang sampal ko. Kulang pa nga." pahayag ko. Kitang kita ko rin ang pamumula ng muka niya kaya tinalikuran ko na siya.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
Hindi ako ganito, hindi ako basta basta nagagalit at naglalabas ng saloobin.

Mas okay sakin ang umiyak mag-isa sa sulok.

Pero sobra ang ginawa ni Brienne.

"Is because of the kiss?" nag-aalangan na tanong niya pero hindi siya sinagot.

"I'm sorry. I didn't mean to kiss you. I just did that to show to Pax that i'm not the losser here." paliwanag niya.

Hindi ako makapaniwala na ganon kababaw sya mag-isip.

"Brienne, una sa lahat sino ba kalaban mo? Bakit may panalo at talo?" mahinahon na tanong ko sa kanya pero may diin.

Umiwas siya ng tingin pero nakita ko ang pangingilid ng luha nya. "You don't understand what i felt. Y'all don't know how deeply hurt i am."

"Yan! Ganyan ka!" huminga muna ako ng malalim bago siya titigan ulit.

"Puro nararamdaman mo lang iniisip mo. Puro sarili mo lang. Paano kami? Wala ba kaming nararamdaman? Brienne! Akala mo hindi ko napapansin?" napakagat labi muna ako bago muling nagsalita.

"Ginagamit mo 'ko. Okay lang sakin gamitin mo ko para makalimutan siya pero hindi e." hindi ko na mapigil ang bugso ng damdamin ko.

Tuloyan na akong napaluha kahit anong pigil pa ang gawin ko sumisikip lang ang paghinga ko.

"Ginagamit mo ko para pagselosin siya.." tuloy tuloy na pag-agos ng luha ko.

Nasasaktan ako kasi umasa ako.

Bondwoman 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon