56

27 3 0
                                    

Patricia

"Ano ba kasing iniisip niyo't nag-inuman kayo?" sermon ko sa tatlong itlog na nagka-kaniya-kaniya ng ungot dala ng sakit ng ulo.

Kalat ang bote sa kwarto ng boyfriend ko at ang mga pinagkainan pati na mga wrapper ay makikita rin sa bawat sulok ng kwarto. Napabuntong-hininga na lang ako't napatingala habang nakatayo pa rin sa frame ng pintuan.

"Ang aga, Patring. Huwag ka maingay." reklamo ni Axel na nakasalampak sa sahig. Ibinaon nito ang mukha sa pahabang unan ni Lie Jun saka umungot na masakit ang ulo.

"Alam niyong may pasok, nag-inuman kayo!" Nilapitan ko si Kuya Gavin na nakatingala sa kisame habang nakaupo sa swivel chair na nasa tabi ng bintana. Binuksan ko muna ang bintana bago ko ito inalalayan papunta sa kama. "Oh, anong plano niyo? Makakapasok ba kayo sa lagay niyong iyan?"

"Alagaan mo na lang kami, Pat-Pat."

Dinampot ko rin si Axel at inalalayan papunta sa kama. Bahala sila magsiksikan diyan. "Maghintay kayo diyan." Tinalikuran ko sila't lumabas ng bahay para bilihan sila ng makakain.

Buti kamo't maaga pa kaya may oras pa ako para iwanan ng pagkain ang tatlong iyon. Kung hindi pa nag-message sa akin si Axel para manghingi ng tulong, hindi ko pa malalaman na nag-inuman pala ang mga hayup.

Dumiretso ako sa kanto para bumili ng lugaw at gamot para sa hangover nila. Binilihan ko na rin sila ng gatas kasi, kung tama pagkakatanda ko, nakakatulong ito makabawas ng hangover. Nang mabili ko na lahat ng kailangan, nagmadali ako bumalik para mapakain ang mga hayup.

"Thank you." mahinang pasasalamat ni Lie Jun nang mailagay ko na sa bowl ang bowl niya ng lugaw.

"Ano ba kasing trip niyo at nag-inuman kayo? Tapos hindi niyo man lang sinabi." Iniayos ko ang pagkakalayo-layo ng mga pagkain sa lamesang sinet up ko sa paanan ng kama. Nakapalibot naman na sila rito at ready nang kumain.

"Wala lang." mahina niyang sagot.

Napailing na lang ako't hindi na nagtanong ulit dahil baka mas sumakit lang ang ulo nila sa katatanong ko. "Hangover lang naman iyan. Kung kakayanin niyo pumasok, pumasok kayo. Iyong lunch niyo, bumaba na lang kayo't sasabihan ko na lang si Mama."

"Thank you, Mommy."

"Bwisit ka." Kinotongan ko muna si Axel bago ako nagpaalam at bumalik sa kwarto ko para mag-ayos dahil papasok ako. Gusto ko man sila bantayan, hindi ako puwedeng um-absent.

Hindi nakapasok si Lie Jun dahil tinamaan ng trangkaso kaya the following days, nakakulong lang siya sa kwarto niya. Nag-suggest nga ako na magpa-hospital na pero mariin siyang tumanggi dahil trangkaso lang naman raw ang mayroon siya; hindi raw ito fatal.

Pagod man, dinadaanan ko pa siya bago ako matulog dahil gusto ko namang umayos na ang pakiramdam niya. Mahirap kasi iyong lagay niya na wala siyang kasama sa bahay tapos may trangkaso siya. Sinabi ko nga na ipaalam man lang kay Ate Nora pero hindi siya pumayag dahil ayaw niya naman raw maabala pa ito.

On the 4th day ng trangkaso niya, nakabantay ako sa bintana habang gumagawa ng designs. Nagsalubong ang mga kilay ko nang biglang bumukas ang ilaw ng kwarto niya. Mas nagtaka ako kasi hindi man lang siya dumungaw gayong alam niya naman na nakatambay ako ngayon sa bintana.

Ilang sandal lang nang mamatay ang mga ilaw at pagkasilip ko sa kaliwa, may nakaparadang kotse sa tapat ng bahay niya. Hindi ko alam kung kaninong itim na kotse ito at hindi ko alam kung bakit may bisita ang boyfriend ko sa oras na ito. Alas dos na kasi ng madaling araw at wala naman siya nababanggit na may bisita siya. At weird lang kung bisita niya nga ito tapos ganitong oras siya kikitain.

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon