Patricia
These two weeks, I've been spending most of my time studying. Maraming nag-apply for scholarship at naiintindihan ko naman kung bakit. Private ang pinasukan namin and the tuition fee per sem ay sobrang laki. This is my dream univ at laking pasasalamat ko lang talaga na apat-apat ang nagtatrabaho sa pamilya ko para lang makapasok ako rito.
Tumigil rin muna ako sa paglalaro ng kahit ano para lang makapag-focus ako sa pag-aaral. Hindi ko muna kailangan ng distraction sa ngayon. At nakapagpasya ako na kapag nakapasa ako sa scholarship, aamin na ako kay Kuya Gavin.
Medyo matagal-tagal ko na rin siyang gusto kaya siguro naman, dapat na ako umamin. Kung ano man ang kalalabasan, tatanggapin ko. Alam ko na malabong tanggapin niya ang nararamdaman ko dahil una, kaibigan niya ako at pangalawa, ni minsan, hindi siya nagpakita ng interes sa akin.
Siguro interes bilang kaibigan, oo pero sa ibang paraan ko gusto maging interesado siya sa akin.
Alam kong bata pa ako at naimpluwensiyahan lang ako ng mga napapanuod at nakikita ko sa kung ano-anong social media sites pero sa mga nakikita ko kasi, parang sobrang saya ma-in love, iyong hindi ba one-sided.
There were guys that confessed back in high school pero wala sa isip ko noon ang maghanap ng boyfriend dahil nagsunog lang ako nang nagsunog ng kilay para makapasok sa univ na ito. Hindi kasi biro ang required GPA para makapasok rito kaya kapag naririnig ng iba kung saan ka nag-aaral at sinabi mong dito, sobrang taas ng tingin sa iyo kasi alam na matatalino talaga ang mga tao rito. Siguro may ibang idinadaan sa pera pero common knowledge na kasi talaga na matatalino ang estudyante rito.
It's been quiet these past few days. Naging normal na routine ko na ang pagpasok ng maaga, diretso library, attend ng klase, punta sa club, pakainin si Lie Jun, attend ng klase tapos umuwi.
Maganda rin ang kinalabasan ng pag-alok ko kina Kuya Gavin at Lie Jun na mag-apply dahil naging study buddies ko sila. Sa tuwing free time kasi namin, nagkikita-kita kami sa library. Kapag may isang hindi free, itutuloy pa rin ng dalawa ang pag-re-review.
And Lie Jun surprised me to be honest. It's given na palaaral si Kuya Gavin pero si Lie Jun na masama ang reputasyon? Nagsusunog rin ng kilay? Hindi ko siya nakasama noong high school kaya hindi ko alam kung tulad rin siya ni Kuya Gavin pero sa reputasyon niya kasi, papasok talaga sa isip mo na hindi siya studious.
Sabagay. Hindi siya makakapasok rito kung mababa ang mga grado niya.
May dumagdag rin na isang bagay na kinatatakutan ko sa kaniya. Feeling ko kasi gusto niyang nakawin ang cell phone ko dahil nahuhuli ko siya madalas na patingin-tingin rito. Ayoko naman siyang tanungin at baka sabihin pinagbibintangan ko siya.
Hindi ko naman masasabing namamalikmata ako dahil kitang-kita ng dalawang mata ko kapag tinititigan niya ito sa tuwing nasa library kami.
"The designing dates as far back as 1826. Charles Frederick Worth is believed to be the first of the world, from 1826 to 1895. Charles, who was earlier a draper, set up a fashion house in Paris. It was he who started the tradition of fashion houses and telling his customers what kind of clothing would suit them."
I jotted down the name and dates na sinabi ni Ms. Rathana habang nakatingin sa mga picture ng damit na nakadikit sa white board. Palakad-lakad siya sa harap habang nagsasalita patungkol sa mga importanteng tao na konektado sa fashion.
Imbis na ma-drain dahil panibagong aral na naman, super saya ko pa. Siguro dahil mahal na mahal ko ang fashion designing? Siguro.
First time namin lumipat sa kwarto na ito at simula ngayon ay dito na raw kami magkaklase. Hindi ito ordinaryong classroom dahil kabila't-kanan ang mga tela sa bawat sulok ng kwarto, sa shelves at mayroon pa nga sa gilid ng elevated area kung saan nakatayo si Ms. Rathana. Puro rin manikin kaya sabi ng ibang ka-block ko ay medyo creepy daw. Siguro kapag gabi, creepy pero as a student of fashion designing, hindi ba dapat ay masanay sila sa itsura nito dahil ito ang tatayong model nila. Sobrang laki rin ng kabuuan ng kwarto kaya kahit ako, hindi makapaniwalang sa ganitong klase ako ng silid mag-aaral.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...