Patricia
"Ipinasok ko na sa bank account mo." Ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya matapos ko siya ngitian.
"Promise. I'll pay you back." He sighed then frowned. "Nahihiya na ako sa iyo. Iyong prize money na nakuha mo sa contest, binigyan mo ako tapos itong sa pag-mo-model, binigyan mo ulit ako."
"Huwag mo nga isipin iyon. Ano bang sabi ko? Hindi ba't tutulungan kita tuparin pangarap mo na makasama pamilya mo? Mas importante sa akin na magkita-kita na ulit kayo ng pamilya mo kaya iyong binibitawan kong pera para sa iyo? Huwag mo isipin."
"I still feel guilty. Nakukuha mo magsinungaling para sa akin. Sinasabi mo, sa charity mo ibinibigay pero sa akin naman napupunta. You already gave me half a million."
"Huwag mo muna isipin iyan. Ang mahalaga, malapit mo na mabuo iyong kailangan mo ipunin. Magkano na ba nasa bank account mo?"
"2.8M. Just a little bit more, makakabuo na ako ng 3.5M."
"Kaya mo iyan."
Nasa gilid kami ng field, nakatambay sa ilalim ng puno. Hinihintay naming dumating si Patch dahil gusto nito sumabay sa pagkain namin. Kanina pa rin siya binabagabag dahil sa pagpasok ko ng pera sa bank account niya kaya kung ano-ano nang sinabi ko para tigilan niya na ang pag-iisip ng kung ano-ano at pilit ipinaiintindi na mag-focus na lang sa dapat niyang intindihin.
Nagpasok kasi ako sa account niya ng 500k mula sa ibinayad sa akin ng company na pinagtrabuhan namin as models. Each of us earned 700k kaya 200k lang ang naipasok ko sa bank account nina Mama. May sarili naman akong pera na nakukuha ko sa YouTube. Kahit hindi gaano kalaki, nabibili ko naman ang mga gusto ko.
Another week passed na hindi ako umuuwi at walang contact kina Mama. Nabalitaan ko rin sa kaniya na umiyak raw si Papa at Mama kaya noong isang araw, kating-kati ako umuwi pero dahil sa pride at takot na i-push pa rin nila na mapaghiwalay kami ni Lie Jun, hindi ko ginawa. Ayoko kasing bungaran nila ako ng pakiusap na hiwalayan ko ang boyfriend ko.
I'll do anything but that.
Nagsalubong ang mga kilay ko nang nakita naming tumatakbo papunta sa kinaruruonan namin si Patch. Hingal na hingal ito at nang makarating sa harap namin, napahawak ito sa tuhod at naghabol ng hininga.
"Anong nangyari sa iyo?"
"S-Si Keera, napunta sa OSA. Nakipagbugbugan."
Nagkatinginan kami ni Lie Jun at dali-daling binitbit ang mga gamit namin. Kahit na pagod, pinilit pa rin ni Patch na sabayan ang pagtakbo namin hanggang sa makarating kami sa OSA.
Maraming tao ang nadatnan namin na nakatambay sa harap OSA. Gustuhin man namin pumasok, naghintay kami sa labas ng nakasarang pintuan, hoping na okay lang ang kaibigan namin. May iilang estudyante na lumalapit sa amin ni Lie Jun para bumati at dahil nga public figure kami, binabati namin ang mga ito pabalik.
Hindi ko sila maintindihan. Nakuha pa nilang bumati kahit na alam nilang narito kami para sa kaibigan namin na nasa OSA. Hindi naman kami pupunta rito para lang tumambay at makipagkumustahan sa kanila.
Nang bumukas ang pintuan, nagsialisan ang mga estudyante sa harap nito at umakto na parang hindi sila naparito para makiusisa. Lumabas mula sa kwarto ang kaibigan namin na may pasa sa pisngi at kasunod ay ang isa pang estudyanteng babae na sobrang gulo ng buhok at puro dumi ang suot na damit.
Amazona talaga itong kaibigan namin.
Nilapitan namin ito at hinila paalis sa kumpulan ng mga tao para dalahin sa rooftop. Hindi sumabay sa amin ang boyfriend ko dahil inutusan ko itong bumili ng pagkain namin pati na pain killer at ointment para sa pasa ni Keera.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
Storie d'amoreCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...