1

168 5 0
                                    

Patricia

"Saan mo pala balak mag-enroll?" nakangiting tanong ni Ms. Gema habang inaayos ang pagkaka-compile ng mga papel sa lamesa niya.

"Ang plano ko po sa Eclaire." Tumungo ako saka ko nilaro ang strap ng bag na nakapatong sa kandungan ko.

"That's a great school. I'm sure you'll get there. Pero nakapag-apply ka na ba? Ang alam ko, hanggang bukas na lang ang application sa kanila."

"Opo. Maaga pa lang, inasikaso ko na ang application ko. Ang sabi, mag-se-send raw po ng email sa applicants para sa date ng entrance exam."

Sinigurado niyang pantay na ang pagkaka-compile ng mga papel na hawak bago niya ito inilapag sa lamesa't humarap sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko saka ako nginitian. "I wish you all the best. Sigurado akong makakapasok ka sa Eclaire."

Hindi mawala ang saya sa dibdib ko kahit pa nakalabas na ako sa English department. Lahat kasi ng mga guro dito ay kilala ko. Sila kasi parati ang nagsasabi sa akin sa tuwing may contest na gusto nilang salihan ko. At masaya naman ako dahil naipapanalo ko ang mga ito.

Dumaan rin ako sa iba pang department para kumustahin ang iba ko pang mga teacher. Isang linggo na lang kasi at graduation na. Gusto kong makasama ang mga teacher ko as much as possible bago pa ako umalis sa school na ito.

Nang mag-5PM na, hinugot ko ang cell phone sa bag ko habang naglalakad sa corridor. Kaonti na lang ang estudyante dahil ang karamihan ay nagsiuwian na. Kinakabahan man, itinipa ko pa rin ang message na kanina ko pa gustong sabihin sa tinatawag kong Kuya.

"Kuya Gavin, can we meet at the rooftop now?"

Nang mai-send ko na ito, dali-dali kong itinago ang cell phone sa bag ko. Naramdaman ko na nag-vibrate kaagad ito bago ko pa man maisara ang shoulder bag ko pero hindi ko muna tinignan dahil kinakabahan ako sa reply niya.

Tumakbo ako't nang makaakyat ay pabagsak kong naisara ang pintuan ng rooftop dala ng matinding kaba. Kahit ako nagulat kaya tinignan ko ang paligid kung may iba bang tao na nakarinig. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong walang tao maliban sa akin.

"Tangina."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makarinig ako ng boses. Napatigil rin ako sa paglalakad at mabilis na nilingon ang likuran ko pero wala namang tao. Nilunok ko ang sariling laway saka ko napagpasyahang lapitan ang hagdan para tignan ang bubong ng entrance ng rooftop.

Dahan-dahan akong sumilip at napatigil ako't nanglaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino iyong nagmura. Kaya pala hindi ko ito nakita kasi nakahiga ito. Nakasimangot ito bago umupo at kinusot ang mga mata.

Natauhan ako kaya dali-dali akong bumaba at isinandal ang likod ko sa pader. Para akong tumakbo dahil sa sobrang bilis ng paghinga ko. Alam ko na wala akong ginawang masama pero iyong fact na ang pabagsak na pagsara ko ng pintuan ang dahilan ng pagkagising niya ay isang malaking pagkakamali.

Everybody know who he is, not because he's a good student. Sobrang sama ng reputasyon niya sa buong campus at walang nagbabalak na lumapit o makipagkaibigan sa kaniya. As far as I know, isa lang ang kaibigan niya, which is iyong tinatawag kong Kuya.

I never bothered asking about him kay Kuya. As much as possible kasi, gusto ko na wala akong kaugnayan rito dahil sa matinding takot na baka masira ang buhay ko kapag lumapit ako rito. Gusto nga ako ipakilala ni Kuya rito pero hindi ako pumayag at naintindihan niya naman dahil normal lang na matakot ako sa kaibigan niya.

Dahan-dahan akong naglakad ng patago pero nabato sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pagtama ng sapatos sa bakal na hagdan na inakyat ko kanina. Dahan-dahan akong lumingon patalikod, only to see na bumababa na ang lalakeng kinatatakutan ko.

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon