Patricia
Right after cursing, kaagad niya akong hinalikan. Madilim ang buong paligid kaya wala akong makita. Gusto ko makita ang mukha niya kahit na sa ganitong paraan kung bakit may mangyayari sa amin. Kahit sa huling pagkakataon man lang, kahit galit siya, makita ko ang mukha niya.
Nakalapat lang ang mga labi niya sa akin at hinihintay ko siyang kumilos pero hindi niya ginawa. Naramdaman ko na may pumatak papunta sa mga pisngi koat kasunod nito ay ang marahang manginginig ng mga labi niya.
"I... I can't." Unti-unting gumaan ang pagkaka-pin niya sa mga kamay ko sa higaan at sa isang iglap, wala na siya sa ibabaw ko. "I can't do it..."
Kaagad akong napaupo nang makarinig ako ng tunog na para bang may mga nalaglag at kasunod nito ay ang pagmumura niya. "Lie Jun, okay ka lang?"
"Get out."
Kinapa ko ang sahig para hanapin siya at nang mahawakan ko ang hita niya't kaagad niyang inialis ang pagkakahawak ko. "Ayos ka lang?"
"Just get out."
"Titignan ko kung nasugatan—"
"Get the fuck out!"
Napakagat ako sa ibabang labi ko't bumuntong hininga bago ako tumayo't maingat na tinungo ang pintuan. Nang makalapit ako rito, nang hawakan ko ang seradura, hindi ko kaagad ito binuksan. Iniisip ko kung bubuksan ko ba ang ilaw para masigurado kung ayos lang ba siya bago ko siya iwanan pero sa sitwasyon ngayon, siguro mas magandang hayaan ko na lang.
Alam ko kasi na hindi niya gustong makita ko siya sa weakest state niya. No one ever does.
Mabigat ang loob ko na pinihit ang seradura at lumabas sa kwarto. Nang maisara ko ang pintuan nito, tumakbo ako pauwi. Nasa salas pa sina Mama nang makapasok ako. Mukhang nag-aalala sila kaya hinintay pa nila ako pero hindi ko na muna sila pinansin kahit pa tinawag nila ako't dumiretso na lang paakyat. Nang makapasok ako sa kwarto, duon ko inilabas ang lahat ng gusto ko ilabas.
At the back of my head, alam kong hindi niya itutuloy ang sinabi niya kanina. Kilala ko siya at kung madali lang para sa kaniya na kuhanin ang katawan, nagawa niya na pero hindi dahil nangako siya na maglalakad ako papunta sa altar na intact pa rin ang virginity ko.
Alam kong nagawa niya lang akong papiliin dala ng desperation at naiintindihan ko naman dahil alam ko kung gaano niya ako kamahal; alam ko kung gaano niya ako gusto makasama at hindi mabitawan.
Hindi ko alam kung paanong paliwanag ang gagawin ko sa mga kaibigan namin dahil alam kong malalaman ng mga ito ang pinaggagagawa ko sa kaniya. Malamang lalabas na ako ang masama sa mga mata nila pero babaguhin ko iyon sa oras na makaalis na siya. Sa ngayon kasi, hindi ko pa muna puwedeng ibunyag ang dahilan kung bakit ko pinaggagagawa ang mga kalokohang ito.
Sana maintindihan nila ako.
The day after what happened, hindi pumasok si Lie Jun. Kay Ate Nora ako nakibalita kung alam ba nito kung nasaan ang pamangkin at nakahinga ako ng maluwag nang sabihin nitong nag-abiso ito na mag-aasikaso ng papeles. Nakalimutan kong itanong kung anong klaseng papeles dahil nang marinig ko ang salitang iyon, natuwa kaagad ako. Ang pumasok kasi sa isip ko ay para sa pag-alis ni Lie Jun. Saka ko lang naalalang itanong nang maibaba ko na ang tawag.
Pakiramdam ko, sobrang bagal ng oras habang nakikinig ako sa prof na nasa harapan. Kada banggit ng salita nito ay para akong hinihele. Nagtataka rin ako dahil hindi pa ako mine-message ng mga kaibigan namin. Mukhang hindi niya pa sinasabi ang mga nangyari kaninang madaling araw.
Dumaan ang mga araw na kinatatamaran ko na ang pagpasok. Hindi ko rin maintindihan kung bakit paulit-ulit akong tinatawagan ni Tyron pero dala ng kunsensiya sa pag-drag sa pangalan niya, hindi ko siya sinasagot.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...
