Patricia
Tumatakbo ako sa hallway dahil kailangan ko habulin si Ms. Rathana. Sa kaniya kasi ipinapapasa ang designs namin. Sampung designs ng tops and bottoms ang ginawa namin at wala akong maayos na tulog noong isang araw at kagabi, hindi ako natulog para matapos ito. Kaya lang, kahit hindi ako natulog, inabot na lang ako ng umaga, hindi pa rin ako natapos. Ang hirap kasi mag-isip ng design. Walo lang ang nagawa ko kagabi at iyong dalawa, dito ko ginawa kahit nasa kalagitnaan ako ng klase.
Kahit ang pag-pa-practice, hindi ko pinuntahan kahapon. Nag-message naman ako kahapon at ang sabi ayos lang pero kailangan ko pumunta mamaya dahil may changes sa routine na gagawin sa number namin.
Ang problema, last day na rin ni Trista sa Pinas dahil lilipad na siya kinabukasan ng madaling araw papuntang US. 7PM ang simula ng practice ko at 8PM matatapos habang ang despedida naman ay sisimulan nila ng 8PM. Isang oras ang byahe ko papunta sa bahay ni Trista kaya late na late na kapag nakarating ako. Ang masama kung maipit pa sa traffic. Ayoko namang magpasundo pa kina Kuya Gavin kasi ayoko namang pati ito ay hindi masimulan ang despedida.
Gustong-gusto ko nga mag-skip ng practice pero baka mapagalitan ako. Pinagbigyan na kasi ako at kapag nag-skip ako, baka sabihing baguhan ako pero ang iresponsable ko.
"Sheeet." hinihingal na bulong ko habang tumatakbo pababa sa hagdan. Nasa first floor kasi siya ng department tapos iyong klase ko pa, ginanap sa fourth floor. Kung puwede nga lang tumalon mula fourth to first, ginawa ko na. Ma-le-late na ako sa next class ko at natatakot akong mapagalitan kapag na-late ako.
Tinignan ko ang oras sa cell phone ko habang tumatakbo at mas lalo akong napamura kasi 3 minutes na lang, simula na ng next subject tapos nasa kabilang department pa ito. Pinagtitinginan pa ako habang tumatakbo kasi para talaga akong baliw. Ni hindi ko nga naiayos ang buhok ko bago pumasok kasi bangag na talaga ako.
Tulad ng inaasahan, late ako ng 5 minutes dahil sa pagdaan ko ng designs kay Ms. Rathana. Napagsabihan ako ng prof namin at wala akong nagawa kung hindi humingi ng pasensiya.
Nasa akin ang mga mata ng mga ka-block ko habang papunta ako sa pwesto ko. Nang makaupo, gustuhin ko man iubob ang ulo ko sa lamesa, hindi ko ginawa at tumingin na lang sa prof namin na nagsimula nang mag-discuss.
Parang lullaby ang boses nito kaya pilit kong nilalabanan ang antok ko. Para na ngang bubble head ang ulo ko dahil may papitik-pitik akong pagpikit ng mga mata. Ang akala ko kakayanin ko pero iyong sinasabi ko sa sarili kong 1 minute na iglip sa lamesa, napatagal at nagising na lang ako nang tawagin ako ng prof namin.
"Ms. Cortez!"
Sa gulat ko, napatayo ako tapos iyong likod ng hita ko, naiurong ang upuan ko kaya gumawa ito ng ingay na masakit sa tenga. "M-Ma'am?"
"You know full well I don't tolerate tardiness but I still accepted you and now you have the audacity to sleep while I'm in the middle of a lecture?"
Napatungo ako't kinain ng hiya. "S-Sorry po."
"Go out and stand outside until dismissal."
"M-Ma'am—"
"Go!"
Napabuntong-hininga ako't kinuha ang bag at folder ko. Tulad ng utos sa akin, tumayo ako sa harap ng classroom hanggang sa matapos ang klase. Pagkalabas na pagkalabas ng prof ko ay kaagad ko itong nilapitan at humingi ng tawad. Ipinaliwanag ko kung anong nangyari, kung bakit ako nakatulog, na hindi ko naman gawain. Nang huminga siya ng malalim, nakahinga ako ng maluwag kasi alam kong naintindihan niya ako. Pinagsabihan niya lang ako't dinismiss na kaya dumiretso ako sa banyo para maghilamos.
Nakalapat ang dalawang kamay ko sa counter habang nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Halata ang pagod at puyat sa mukha ko kaya naisipan kong takpan ng concealer ang eyebags ko. Hindi ko pinansin ang pumasok pero tinawag ako nito. At dahil nga public figure ako, nginitian ko ito't binati pabalik.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...