Patricia
Naging matamlay ang mga nakalipas na araw ko dahil bukod sa napakaraming dapat asikasuhin sa school, gym at trabaho ay dumagdag rin sa iniisip ko ang boyfriend ko. Hindi ko alam kung anong problema niya at ilang beses ko paulit-ulit na tinatanong ang dalawa pang itlog pero wala ako makuhang sagot sa kanila.
Hindi ko naman mapapansin na may mali sa kaniya kung tulad siya ng dati na masigla. Pilit niya man itago, alam kong may pinagdaraanan siya. Tinatanong ko rin siya pero wala naman siyang paliwanag na binibitawan.
Mali. Mayroon pala. Sinasabi niyang hindi lang maganda ang pakiramdam niya't sinasabayan pa ng school works at ang tanga ko na lang kung maniniwala ako sa palusot niyang ito. Kilala ko siya at kahit naman siguro hindi siya kilala, isang tingin pa lang sa mga mata niya ay malalaman nang may problema siya.
"Hindi ko alam." inis na inilapag ko sa lamesa ang hawak kong paper cup na naglalaman ng kape. "Tatlong Linggo ko na siyang kinukulit na sabihin sa akin iyong problema niya pero hindi niya naman sinasabi kung ano. Kulang na lang malagas na buhok ko sa inis sa kaniya."
"Te, i-break mo na kaya?" suhestiyon ni Keera kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Kee, you're not helping."
"I mean, fake break. Kunyari ibe-break mo kapag hindi niya sinabi kung anong nangyayari. Panakot lang kumbaga."
"Tapos mapa-paranoid na naman iyong isa." Inikutan ng mata ni Patch si Keera. "Problemado na kaibigan natin yet you're giving more problematic solutions. Nakakaloka ka."
"At least ako nagta-try. Ikaw, inom ka lang nang inom ng frappe mo."
"Kasi naman. If they broke up, hindi na naman makakatagal iyang dalawang iyan. Mag-re-reconcile rin naman kaagad so what's the point? Besides, ayoko nang mabulabog sa gitna ng pagtulog para lang sagutin iyong mga question ni Jun kung may naikukwento ba sa atin itong isang ito kung bakit sila nag-break."
"Sige, lakasan niyo pa." sarkastikong sinabi ko saka isinandal ang likod ko sa upuan.
Wala na akong klase at hiniram ko lang ang oras nila dahil sa problema ko sa boyfriend ko. Nasa coffee shop kami at nakakaloka lang kasi kung magsalita sila, akala mo kami lang ang tao sa loob ng shop na ito. Mabubunyag pa ng hindi oras na problemado ako sa boyfriend ko, eh.
I sighed nang mag-ring ang cell phone ko. Kinuha ko ito sa ibabaw ng lamesa at ipinakita sa dalawa. "Speak of the devil." sabay na sinabi nila.
"Hello?" bungad ko pagkasagot ko sa tawag.
"Date?"
Kung hindi lang ako inis sa isang ito, matutuwa na ako sa pag-aaya niya pero dahil banas ako, binabaan ko siya ng tawag. Ang bastos ng move na ginawa ko pero hindi niya na ako madadaan sa mga paganiyan-ganiyan niya. Kung noong mga nakaraang araw nahuhuli niya pa kiliti ko sa pag-aaya ng kung ano-ano, ngayon hindi na. Bahala siya sa buhay niya.
Pinatay ko ang cell phone ko't ilang saglit lang nang may tumawag sa cell phone ni Keera. Napailing siya't itinapat sa akin ang cell phone kaya ang sabi ko, i-decline niya. At dahil nga gustong-gusto rin ng babaeng ito na pag-trip-an ang boyfriend ko, sumunod naman siya.
I was expecting na sunod na tatawagan naman ng magaling na lalake si Patch and I was right. Ilang saglit lang kasi matapos babaan ni Keera si Lie Jun ng tawag ay siya naman ang tinawagan nito.
"Don't you dare tell me na i-drop ang call kasi hindi lang ikaw ang kukulitin nito. Mag-usap kayo." Ibinigay niya sa akin ang cell phone at tinanggap ko ito matapos bumuntong-hininga.
"What?"
"Anong what? Bakit mo ako binabaan? Galit ka ba?"
"Bakit ako magagalit? May ginawa ka ba?"
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...