10

49 4 0
                                        

Patricia

Ganito pala ito kasakit kahit na may kutob na ako kung anong resulta ng pag-amin na ginawa ko. Masakit, oo, pero I need to move on. I can't make my world revolve around Kuya Gavin. Bata pa ako at katutuntong ko lang sa college. For sure, there will be someone na magiging partner ko at magpapasaya sa akin. Nagkataon lang talaga na hindi ito si Kuya Gavin.

Alam ko na matatagalan at mahihirapan ako pero kakayanin ko. I can't let this heartbreak affect my studies. Baka mamatay ako dahil sa pamilya ko, hindi sa heartbreak kapag bumagsak ako.

Ang ganda pa naman ng plano ko ngayong araw. Gagastusin ko sana ang ipon ko para mailibre ang pamilya ko. Hindi ko kasi ipinaalam sa mga ito na kumuha ako ng scholarship. Ang akala ko pa naman, masaya akong magbabalita sa kanila na natanggap ako sa scholarship program, hindi pala.

Gusto ko rin kausapin si Lie Jun tungkol sa pagiging magkapitbahay namin pero hindi ko na muna inungkat dahil puro masasakit na bagay ang nasa isip ko ngayon. Saka ko na siguro siya kakausapin kapag kumalma na ako.

"Tara na?" May kinuha siya sa bag niya at hinugot niya mula rito ang isang maskara. Isinuot niya muna ito saka ako tinignan.

Tahimik na tumango ako saka ko pinunasan ang mukha ko gamit ang panyo niya. Medyo basa na ito dahil sa mga luhang inilabas ko pero hindi ko kailangan pairalin ang hiya ko dahil nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. Isa pa, siya naman nag-alok nito sa akin.

15 minutes ng pag-ba-bike lang ang layo ng univ mula sa amin. At habang nag-ba-bike kami, may mga nakatingin kaya medyo maraming naka-witness na may kasama akong baliw na nakamaskara. Ganito kaya ang nararamdaman niya sa tuwing umuuwi at umaalis siya mag-isa? Siguro nasanay na lang siya dahil araw-araw niya ginagawa. Gusto ko tanungin kung bakit siya nag-ma-maskara pero hindi sa tingin ko, hindi ito iyong tamang panahon.

Nang makarating kami sa kanto, tumigil ako kaya napatigil rin siya. Hinarap ko siya't binigyan ng maliit na ngiti. "Lalabahan ko na lang iyong panyo. Isasaoli ko rin kaagad kapag okay na." Tango lang ang isinagot niya bago kami naglakad habang hawak ang manibela ng mga bike namin.

Nakita kong busy si Mama habang nag-se-serve sa mga customer na nakapuwesto sa bakuran namin at nang nasa tapat na kami ng bahay niya, napatingin ito sa amin. Nagpunas pa nga ito ng kamay bago binalingan ang customer na tumawag rito.

"Sige na. Umuwi ka na."

"Thank you." Iniabot niya sa akin iyong paper bag na naglalaman ng onesie ni Kuya Gavin saka ako tinalikuran at naglakad papasok sa bahay niya. Ako naman, naglakad na papunta sa tabi ni Mama.

"Akala ko ba takot ka sa taong iyon?" tanong nito habang naglalagay ng kanin sa plato ng isang customer.

"Schoolmate ko po pala siya."

Tinignan niya ako at ininspeksyon ang mga mata ko. "Umiyak ka ba?"

Umiling ako't nginitian siya. "Hindi po. Oo nga po pala, Ma, may sasabihin ako sa iniyo."

"Alam ko na iyang mga ganiyan mo, Patricia, ha? Sinasabi ko sa iyo. Tumigil ka sa pagbili ng kung ano-ano sa nilalaro mo."

Hindi ko maiwasang matawa ng mahina dahil sa sinabi niya. "Hindi iyon, Ma. Para ka namang baliw."

"Huwag mo ako mabaliw-baliw. Magbihis ka na ruon at tulungan mo ako rito."

Sinunod ko ang utos niya't nagbihis sa kwarto ko. At dahil nga alam ko na kung sino ang nakatira sa katabing bahay, binuksan ko na ang bintana ko. Nakita ko si Lie Jun na kumikilos sa loob ng kwarto niya. Inihagis niya lang sa kung saan ang bag niya at hinakawan ang laylayan ng t-shirt niya. Hinubad niya ito at sa ilalim nito ay may suot siyang sando.

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon