Patricia
Marahan kong isinara ang pintuan ng sasakyan ni Kuya Dane. Bagsak ang mga balikat ko dahil bukod sa pagod sa press con na katatapos lang, pakiramdam ko ay galit sa akin si Kuya Dane. Kanina pa kasi siya walang imik habang sinasagot ko lahat ng katanungan ng mga tao kanina. Sinabi na ng management na aminin ko na at para makaiwas sa kontrobersiya, bilang utos rin nila, sinabi ko na never ko naman sinabing single ako.
"Kuya..."
"Hmm?" tugon niya habang iniaayos ang seatbelt niya.
"I'm sorry."
"That's okay." Humarap siya sa akin at nginitian ako saka kinuha ang seatbelt ko para ikabit ito.
"Hindi ko naman po intensiyon magsinungaling. Natakot lang kasi talaga kami na umamin."
"Huwag mo na isipin iyon. Ang mahalaga, hindi nagalit iyong management." Umayos siya ng upo pero nakatingin pa rin sa akin. "Iuuwi na ba kita kina Tita?"
"Ayoko pa umuwi." mahinang sagot ko. "Sa iniyo na lang muna ako, please."
Tanging tungo lang ang isinagot niya saka niya binuhay ang makina. Hindi malayo ang bahay niya sa univ kaya siya ang pinakiusapan kong tuluyan. Medyo nakakahiya pero naiintindihan naman nila ako. Bukas naman raw ang pintuan nila para sa akin pero siyempre, ayoko naman umabuso.
Isang linggo na akong hindi umuuwi sa bahay. Ni isang text o tawag, hindi namin ginagawa. Sina Kuya, nangangamusta pero hindi ko magawang reply-an. Alam ko na sobrang kaartehan na ito at hindi maganda ang sobrang pride pero hindi ko lang kasi maatim na makasama sila sa ngayon.
Hindi ako galit sa kanila. Sadyang malaki lang talaga ang tampo na nararamdaman ko. Hindi ko naman kasi kayang magalit sa mga magulang ko dahil kahit na may alitan kami, mahal na mahal ko pa rin naman sila. Kailangan lang talaga namin ng distansiya ngayon para makapag-isip-isip at makapagpalamig.
Na-mi-miss ko na nga makasama ng matagal-tagal ang boyfriend ko. Nagkikita na lang kami sa univ tapos isang oras lang. Gustuhin man naming magkita after class, may kani-kaniyang bagay kami na kailangan asikasuhin tulad ng gym, trabaho at school works.
Wala siyang nababanggit about sa nangyayari sa bahay kaya wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari duon. Ang tanging sinasabi niya lang, maayos lang ang pamilya ko, though hindi niya nakakausap ang mga ito bukod kina Kuya dahil nga sa nangyari.
"Hi, Eve." bati ko sa anak ni Kuya na nagbukas ng pintuan.
"Dito ka ulit?"
"Ayaw ko pa umuwi."
Gumilid siya para makadaan kami ni Kuya Dane. "Hindi ba nag-aalala sina Tita?"
"Let them."
"Patricia." banta ni Kuya kaya ngumiti ako rito para magpa-cute.
"Sorry."
Hinawakan ni Kuya ang anak sa ulo saka ito tinaniman ng halik sa tuktok nito. "Where's your kuya Clay?"
"Nag-su-swimming po sa likod."
Bumaling sa akin si Kuya Dane pagkasara ni Eve sa pintuan. "Magpahinga ka na. Huwag ka na muna mag-gym ngayon. Alam kong pagod ka."
Tumango ako't pumunta sa kwartong tinutuluyan ko sa 2nd floor. Pagkasara ko sa pintuan, itinabi ko lang bag ko sa gilid ng kama at ibinagsak ang sarili ko rito. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko pero narinig ko pag-aasaran nina Clay at Eve kaya tumayo ako'y sumilip sa bintana, kung saan makikita ang swimming pool na kinaruruonan ng magkapatid. Patuloy sila sa pag-aasaran kaya napapangiti ako. Close kasi ang magkapatid kahit pa para silang aso't pusa. Normal naman iyon lalo na kung dalawa lang sila sa bahay dahil ang panganay na si Julian, nasa ibang bansa.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...