Patricia
"Wow." Tumingala ako para tignan ang kabuuan ng building. Sobrang taas nito at puro salamin kaya hindi ko maiwasang humanga.
Nasa tapat na kami ng Myoui building. Sa taas ng entrance nito, nakalagay ang malalaking letra na Myoui kaya kapag mapapadaan ka talaga rito ay imposibleng hindi mo ito makita.
Hinawakan niya ako sa kamay saka tumingala. Hindi namin alintana ang rami ng tao na naglalakad. Hindi naman nakakapagtaka kasi nasa business district kami kaya normal na maraming tao rito. Napatingin ako sa kaniya nang hinila niya ako papunta sa entrance at pumila para mainspeksyon ng guwardiya ang mga bag namin. Naupo kami sa sofa na nasa gilid ng lobby bago niya inilabas ang cell phone niya. May tinawagan siyang Sharon kaya tinanong ko kung sino ito.
"Siya iyong model na tumutulong sa akin. I informed her na nandito na tayo."
"Sinabi mo na kasama mo ako?"
Tumango siya saka iniayos ang bangs ko. "Yep. Kailangan ko siyang bigyan ng heads up every time na pupunta ako rito since hindi pa naman ako official na model. May interview ako mamaya kaya kita isinama rito. Gusto ko na ikaw ang unang makaalam."
"Kaya mo iyan. I'm sure na makakapasa ka."
Hindi matagal ang inilagi namin sa lobby dahil wala pa yatang sampung minuto nang dumating iyong model. Sobrang ganda nito habang naglalakad at ang hita nito, parang ipinagsisigawan na tignan niyo kung gaano ako ka-flawless.
Naka-skirt kasi siya tapos hapit rin ang suot na crop top. Majority ng mga nakikita kong tao rito, mga naka-uniform at casual attire dahil office pa rin naman ito at itong babaeng ito lang ang nakikita ko so far na kakaonti ang tela sa katawan. Ganuon yata talaga kapag model ka ng kompanyang ito.
"Hi, Jun!" bati nito pagkalapit sa amin. Napatingin ito sa akin dahil katabi lang ako ng boyfriend ko. "Is this her?"
Tumango siya rito saka hinawakan ang kamay ko. "Si Patricia, girlfriend ko. And, Bao Bei, si Sharon. Siya iyong sinasabi ko." pagpapakilala niya sa amin matapos ako tignan pero ibinalik rin ang tingin sa kausap. "Nagkita na kayo sa bahay ng mga Eru, hindi ba?"
"Oo. Naalala ko na siya. By the way, dala mo ba iyong mga picture? I-e-evaluate ka na. Huwag ka kabahan. Nanduon naman ako pero kailangan mo pa rin galingan habang kinakausap ka. Sa ngayon, umakyat na tayo para duon na lang tayo maghintay. Kumuha na rin pala kayo ng visitor's pass sa front desk."
Nag-iwan kami ng valid IDs sa staff na nasa front desk bago kami umakyat. Pagbukas ng elevator, unang bumungad sa akin ay iyong signage na 19th floor at pagpihit pakaliwa, sa dulo ng hallway ay may floor-to-ceiling glass wall. Sa loob nito ay mga office personnel na palakad-lakad habang may hawak-hawak na mga papel.
Naglakad kami papunta ruon pero hindi kami pumasok sa loob nito. May ibang kwarto kaming pinasukan at sa loob nito, may mga taong naka-beach wear. Hindi lang babae, pati na mga lalake. Hindi naman sa conservative pero naiilang ako tumingin sa mga lalake kaya hindi ko halos alam kung saan titingin dahil kaliwa't kanan, makikita sila.
Sobrang gulo ng malaking kwarto na ito dahil sa iba't-ibang klase ng damit na nakahanger. Puro din wire sa lapag dahil sa mga kung ano-anong technical equipment na nasa unahan. Hindi na nga ako magtataka kung may madapa rito.
"Cassandra, you're up next!" sigaw ng kung sino na nasa unahan. Tumingkayad ako ng kaonti para tignan kung anong nangyayari.
May tropical set sa unahan at mula ruon, umalis iyong lalakeng naka-trunks. Pumalit naman sa pagkakaupo sa bato iyong babaeng naka-two piece saka ito nag-pose na parang nang-aakit.
Medyo nagulat ako dahil may bumunggo sa akin. Tinignan ko ito at napatingala na lang ako sa tangkad nito. Ang una ngang bumungad sa akin ay ang dibdib nito dahil topless ito. "Sorry." paghingi ko ng paumanhin saka hinawakan ang kamay ng katabi ko na busy sa pakikipag-usap kay Sharon.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...