54

21 3 0
                                    

Patricia

"Kumusta pala iyong ibinigay ko sa iyong onesie noon? Ayos pa ba iyon?" tanong ko sa kaniya saka ko isinubo ang hawak kong kutsara na may lamang lugaw matapos ko ito ihipan.

Lumipat kami sa kusina para mag-almusal dahil nakakalat ang mga requests sa study table niya sa kwarto. Sabi ko nga, linisin na lang namin dahil gusto ko makita ang bintana ng kwarto ko. Katabi lang kasi ng table niya ang bintana sa kwarto niya.

"Ayos pa. Now that I think about it, ang tagal ko nang hindi nasusuot iyon."

"Kung tama ako ng pagkakatanda, parang 3 months ago ko pa nakita na huling gamit mo duon." He shrugged saka isinubo ang hawak na kutsara. "Suot mo!"

"Not now."

"Dali na! Minsan lang naman!"

"May gagawin ako mamaya. Ang hirap hubarin nuon."

"Please?" Nag-puppy eyes ako kahit pa sobrang cringey.

"No."

Sumandal ako sa saka tumingala. "I wonder how Tyron looks in a onesie."

"Parang tanga ito."

"I bet he's cute."

"Weh. Pampam. Tumigil ka nga." Inirapan niya ako saka itinuloy ang pagkain niya.

"Malapit na birthday niya, hindi ba? I'll make one for him. Ano kaya puwedeg design?"

"Akala mo naman magseselos ako."

"I think T-Rex is a good design. What do you think?"

Sinamaan niya ako ng tingin saka itinulak ang sarili palayo sa lamesa at tumayo. Napangiti ako dahil kamukha niya iyong animated pug na nasa damit niya. Nakasimangot kasi ito. Tinalikuran niya ako't padabog na umakyat. He's really childish sometimes and I won't complain 'cause he's cute. Minsan masakit sa ulo pero minsan, tolerable dahil sa ka-cute-an.

Pagkababa niya, suot niya na iyong onesie na ibinigay ko sa kaniya noon. It's still in a good condition. Buti na lang talaga magandang tela ang ginamit ko para dito. Nagtataka nga ako sa kaniya dati kasi madalas ko siya makitang suot ito. For sure kasi na mainit ito kapag isinuot. Wala pa man rin aircon dito sa bahay niya.

Nakasimangot siya pagkaupo ulit sa harap ko't kumain muli. "Happy?" Isinubo niya iyong hawak niyang kutsara saka ako inirapan.

"You look cute as always." Kinuha ko ang cell phone ko sa gilid ng bowl ko't pinicture-an siya. Napatingin ako sa pintuan nang may biglang kumatok. Ibinalik ko sa kaniya ang tingin ko pero tumayo lang siya't lumapit rito saka ito binuksan.

"Kuya Billy," bungad niya rito kaya nanglaki ang mga mata ko. Napatayo ako't magtatago sana pero pinapasok niya na ito. Nagtagpo ang mga mata namin ng kapatid ko pero hindi ako nito kinumusta man kaya unti-unti akong napaupo.

"Hindi ka ba tutulong ulit?" tanong ni Kuya pagkabalik ng atensyon sa kaniya.

"Nag-aalmusal lang saglit, Kuya. Late ako nagising kasi galing kami sa despedida kagabi."

Tumango si Kuya saka hinead to foot ang kausap. "Bakit ka nakaganiyan? Anyway, labas ka na lang kaagad. Medyo dumadami na customer, eh. Hindi ako makakatulong kasi may pasok ako kaya si Mama lang talaga nasa eatery."

"Sige, Kuya. Labas kaagad ako."

"Salamat."

Nakipag-apir siya rito saka ito umalis. Pagkasara niya ng pintuan ay lumapit ulit siya sa lamesa at naupo sa harap nito saka sinimulang kainin ang lugaw niya. "Hoy. Kumain ka na."

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon