58

32 3 0
                                    

Patricia

"Wala naman." sagot ko sa tanong ni Tyron.

Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya kanina bago niya tinanong kung may problema raw ba kami ng boyfriend ko. Ilang beses na raw kasi itong napagalitan dahil para daw itong lutang tuwing may pictorial sila.

Three days na kasi ang nakalipas after ng nangyari sa main room ng block ko. Ilang beses niya na ako sinubukan kausapin pero sa tuwing sinasabi ko na sabihin niya na kung anong problema niya, nauuwi lang kami sa pagtatalo. Pilit niya pa rin kasi idine-deny at paulit-ulit niyang sinasabi na ayos lang siya, na wala siyang problema pero alam ko, kitang-kita ko sa mga kilos niya na may itinatago talaga siya.

Huwag lang babae dahil hindi ako magdadalawang-isip na bigwasan siya.

Sinukuan ko na rin ang pagtatanong sa barkada dahil wala naman akong nakukuha na sagot sa mga ito. Minsan nga pakiramdam ko, napaka-worthless kong girlfriend dahil hindi makuhang mag-open sa akin ng boyfriend ko. Wala naman ako matandaang ginawa para magtago siya ng kung ano.

"Ganuon? Ang weird kasi niya these past few days. Anyway, gala naman tayo."

"Gala? Hindi mo alam kung gaano kalala ang schedule ko? Hindi ko na nga maisingit ang paglalaro kasi every minute akong occupied."

"Third year ka na nga pala, ano. Pero minsan lang naman. Nakakatampo ka; wala kang time para sa akin."

"Aba. Boyfriend ko nga, hindi ko mabigyan ng oras, ikaw pa?"

"Grabe ka. Parang hindi kita kaibigan. Porque sumisikat ka na, hinu-who you mo na ako. Pagkatapos kitang samahan noon sa audition—"

"Alam mo, ang dami mong sinasabi. Kinukunsensiya mo pa ako."

"Minsan lang naman kasi ako humiling."

"Fine." I sighed bago ko inilipat sa susunod na page ang librong hawak ko. "Tutal gusto ko rin naman mamili, sumama ka na lang sa akin this coming Monday morning. Wala akong klase that day."

"Gusto ko sanang i-invite iyong barkada mo kaya lang, alam mo naman na hindi ako ganuon ka-close sa kanila. Ayoko kasing isipin ng boyfriend mo na date ito since tayong dalawa lang lalabas."

"Okay lang."

Tutal ginagalit niya talaga ako, bahala siyang kapag nalaman niyang may ibang lalake akong kasama.

Matapos ko magpaalam sa kaniya, isinandal ko ang likuran ko sa baytang ng bleacher na kinauupuan ko. Dito ko kasi naisipan mag-review dahil punuan ang library since malapit na ang finals. Kung tutuusin, masarap nga ang pagkakapuwesto ko rito dahil hapon na; hindi na mataas ang sikat ng araw. Sobrang mahangin pa kaya nakaka-relax kahit sumasabog na ang utak ko sa dami ng dapat i-review.

I badly want to finish college and just focus on my career. Sobrang nakaka-burn out na iyong responsibilities ko. May trabaho ako, gym at ang pag-aaral ko, na bwisit lang kasi sandamakmak ang ibinabagsak sa aming gawain. Nariyan ang bibigyan kami ng projects at thesis ng sabay-sabay tapos napapadalas na rin ang pag-utos sa club ko na mag-prepare ng kung ano-anong dish. Buti nga kamo, binitawan ko na totally ang pagtulong sa boyfriend ko sa paggawa ng mga request kasi kung hindi, nakalibing na ako.

Wala na nga rin akong choice kung hindi sundin ang payo ng mga kaibigan ko kahapon na bitawan muna ang pag-gy-gym at mag-exercise na lang sa bahay para hindi na dagdag sa mga kumakain sa oras ko. Itutuloy ko na lang ulit ito once matapos na ako sa pag-aaral.

Saglit pa akong nag-stay sa bleachers bago bumalik sa susunod na klase ko. The same old routine happened; aral, punta sa studio at uwi para gumawa ng school works and this time, hindi na kasama sa problema ko ang gym dahil nag-quit na ako.

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon