Patricia
Hinintay ko siyang dumating ng araw na iyon at inabot na lang ako ng madaling araw sa paghihintay, wala pa rin siya. Pagpatak ng alas dos, saka ko lang nakita ang pagtigil ng taxi sa harap ng bahay niya. Hinintay ko lumabas ang sakay nito para kumpirmahin kung siya nga ito at nang makita ko ang mukha niya ay dali-dali akong lumabas ng bahay.
Hindi ko siya tinawag habang nakabuntot ako sa kaniya at nang makarating siya sa pintuan, mabilis ko na siyang nilapitan. Nakapasok na siya't pagkapihit niya para isara ang pintuan, inilapat ko ang palad ko rito saka ako pumasok. Gulat na napatingin siya sa akin pero binalewala ko't dumiretso sa direksyon ng hagdan.
Narinig ko ang pagsara ng pintuan kaya alam kong susunod na siya. "Bao Bei?" pagkuha niya sa atensyon ko. Rinig ko ang yapak ng mga paa niya habang umaakyat ako sa hagdan pero hindi ko pa rin siya pinapansin.
Nang makarating ako sa pintuan ng kwarto niya, hinawakan ko ang seradura nito. Naka-lock ito kaya tumayo ako sa gilid nito para hintayin siyang buksan ito. Tinaasan ko siya ng kilay nang tumayo lang siya sa harap ko habang nakatingin sa akin na para bang tinubuan ako ng isa pang ulo.
"Buksan mo."
Kinuha niya ang susi sa bag niya saka ito binuksan. Pagkabukas na pagkabukas nito, inunahan ko siya sa pagpasok at binuksan ko ang ilaw saka ko nilapitan kaagad ang mga maskara niya. Kinuha ko isa-isa ang mga ito't inilagay sa kama niya.
"What are you doing?"
Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy lang ang ginagawa ko. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng kama habang nakatingin sa akin, obviously confused kasi bigla-bigla kong ginagawa ang mga ito. Hindi naman niya ako pinakielaman kaya malaya ko nakuha lahat ng maskara. May iba nga lang na kinailangan ko pa tumuntong sa upuan dahil ang taas ng mga ito.
Kahit ang iba sa mga ito ay may bahid ng alikabok, hindi ko na inintindi. Nang makuha ko na lahat, naupo ako sa kama at inisa-isa kong tignan ang likod ng mga maskara. Karamihan sa mga ito ay walang laman at sa halos 50 pieces na maskara, apat lang ang nakuha kong item.
"Do you know what these are?" galit na tanong ko sa kaniya pagkatayo ko sa harap niya habang nakalahad sa palad ko ang mga pakete ng droga.
"D-Drugs?"
"No. Hindi lang ito droga. Ito iyong magiging dahilan kung bakit may chance na masira ang buhay natin or worst, ikamatay natin." Naiyukom ko ang isang kamay ko't patuloy siyang tinitignan diretso sa mga mata niya. Gusto ko maramdaman niya ang galit at takot ko.
"Anong bang nangyayari? Bigla kang sumugod rito ng ganitong oras tapos hinalungkat mo lahat ng—"
"Ikaw ang tatanungin ko," pagputol ko sa pagsasalita niya. "Ano ba talagang nangyayari sa iyo?"
"Hindi kita maintindihan." Nag-iwas siya ng tingin kaya ibinato ko sa kaniya ang mga hawak kong pakete.
"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin sasabihin o gusto mo na ako ang magsabi sa iyo?" Nahagip ng paningin ko ang paggalaw ng Adam's apple niya kaya alam kong napalunok siya dala ng kaba dahil alam niyang may ideya na ako kung anong nangyayari. "Ilang araw na kitang kinukulit na sabihin mo sa akin ang problema mo pero ang tigas mo."
"Wala naman kasing—"
"Wala naman kasing ano, Lie Jun?! Wala kang problema?! Sabihin na natin na wala ka ngang problema sa nangyayari sa iyo pero paano naman ako?! Alam mo ba iyong nangyari sa akin kanina?!" Hindi siya nagsalita't nanatiling nakatungo. "Nilapitan ako ng dalawang lalake. They're probably your clients kasi alam nila ang tungkol sa pagtutulak mo ng droga. And you know what they said? Hindi ka raw sumasagot sa texts at tawag nila. Gusto na nilang kuhanin iyon in-order nila sa iyo. Nasa iyo na raw iyong pera. At alam mo iyong ikinatatakot ko? Nagbanta sila na kapag hindi pa rin sila nakarinig ng kung ano sa iyo, madadamay ako."
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...