27

24 3 0
                                    

Lie Jun

Tawag mula sa dean ang bumungad sa umaga ko. Nakarating pala rito ang ginawa kong kagaguhan kahapon kaya pinapupunta ako sa office nito. Tamad na bumangon ako sa kama at ginawa ang dapat gawin bago pumunta sa univ gamit ang bike ko.

Kaonti pa lang ang tao nang makarating ako at pagkarating ko sa office ng dean, pinaupo ako nito sa harap ng lamesa. Alam kong hindi maganda ang sasabihin nito at kahit papaano, nakaramdam ako ng kaba.

"What happened yesterday?" tanong niya kahit na alam naming pareho ang nangyari.

I need to think of the best excuse to lay out kasi kung hindi, alam kong hindi ko ikatutuwa ang kalalabasan ng pag-uusap na ito pero kung magsisinungaling naman ako, parang inilubog ko pa lalo ang sarili ko sa sitwasyon.

"To be honest, Mrs. Ocario, hindi maganda ang araw ko kahapon. Nagpatong-patong ang problema ko tapos nabangga pa ako't natapunan ng pagkain kaya sumabog ako. I know that not managing my anger isn't an excuse but I want to be completely honest. Those are the reasons why what happened happen."

"Kilala mo ba ang mga binugbog mo? The guy you hurt is a senator's son while the girl came from well-off family. When they learned that you are a scholar, they want to strip you off of the title."

"Mrs. Ocario, hindi ko naman..." Hindi ko itinuloy ang pagsasalita dahil wala naman akong palusot pa. Kahit na magmakaawa ako, na hindi ko gagawin, para lang mapanatili ako sa pagiging scholar, wala pa rin mangyayari.

Alam ko na dalawang buwan na lang, tapos na ang school year namin at na-cover naman ng scholarship ko ang previous sems pero paano iyong dalawang buwan? Ayoko naman iasa ulit ito kay Tita Nora dahil ang laki na ng utang na loob ko sa tao.

Kakailanganin ko ba gastusin ang pera ko para lang makapag-aral? Tanginang buhay naman. Gusto ko tuloy saktan ang sarili ko dahil sa mga ginawa ko. Kung hindi lang sana ako nagpadalos-dalos, hindi malalagay sa alanganin ang scholarship ko.

"Kapag sila ang kumilos, I'm sorry to say pero imposibleng hindi nila maialis ang scholarship mo."

"May magagawa po ba ako para ma-retain ang scholarship ko?"

"You can ask them directly but I can't promise you that the result will be in your favor." Bumuntong-hininga siya saka nagsimulang hawakan ang mga file sa ibabaw ng lamesa niya. "You are a great student, you proved that to us so I don't understand why you did such a thing."

Medyo napahaba ang pag-uusap namin at nang lumabas ako, bagsak ang mga balikat ko. Dahil maaga pa, tumambay muna ako sa field at nahiga sa damuhan. Hindi pa man rin ako nakakatagal sa paghiga nang mag-vibrate ang cell phone ko sa bulsa. Hinugot ko ito at tinignan ang dahilan ng pag-vibrate.

"12 packs." pabulong na basa ko rito saka ako nag-compose ng reply, asking kung kaya mamaya kasi may pasok pa ako. Pumayag naman ito at sinabing mag-message kung papunta na ako.

Medyo malaki-laki ang kikitain ko rito kaya nangati kaagad akong kumuha ng item sa supplier ko pero ayoko naman umalis at mag-cutting dahil may record na ako at kung madadagdagan ito, baka mawala ng tuluyan ang scholarship ko.

Napagpasyahan kong mag-ikot-ikot para hanapin iyong dalawang binugbog ko at nang makausap ang mga ito. Ang akala ko mahihirapan ako dahil isang oras na, hindi ko pa rin nadadatnan ang mga ito pero sila na ang kusang lumapit sa akin habang nagpapahinga ako sa bench na nasa harap ng IT department.

"Great. I was looking for the both of you." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinawakan ang strap ng bag ko. "Kailangan ko kayo makausap."

"We really need to talk." inis na sinabi ng babae habang masama ang tingin sa akin.

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon