Patricia
The day of the audition came. Kasama ko sina Mama at Papa sa backstage habang ang mga kapatid at barkada ko ay kasama ang mga audience na nakaupo sa likuran ng judges. Pinagpapawisan na ako dahil sa matinding kaba. Hindi na kasi basta-basta ang contest na ito. National audience na ang makakakita sa akin dahil sikat ang TV station na ito.
"Kaya mo iyan." pagpapalakas ni Mama ng loob ko habang hinahaplos ng paulit-ulit ni Papa ang likod ko.
"Patricia, you're next." anunsiyo ng staff na may hawak na list nang matapos ang kumakanta sa stage.
Tumango ako rito't humarap kina Mama. "I'll do my best po." Yumakap ako sa kanila't humalik sa pisngi bago sumama sa staff na tumawag sa akin. Hinawakan ko ang tali ng gitara na nakasabit sa balikat ko saka ako huminga ng malalim.
Pakiramdam ko, hinihila ko ang sarili kong mga paa para lang makapunta sa gitna ng stage. Ramdam ko ang mga matang nakasunod sa akin. Nang makita ko si Ate Daniella na sa isa mga judge, nginitian ko siya't ibinalik niya naman ito. Two spotlights were on me as I stood in the middle na para bang sinasabi na ituon nila ang atensyon nila sa akin.
"Hello." bati ni Ate Daniella. "It's nice to have you here."
"Hi po." bati ko rito pabalik matapos ko itapat ang hawak kong mic sa harap ng bibig ko.
"Kilala mo ba siya?" Tinignan ni Ate ang katabi niyang hurado. "Para kasing kilala mo."
"That's a secret." Ibinalik niya ang atensyon niya sa akin habang nakangiti bago ipinatong ang mga siko sa lamesa't ipinagdaop ang mga kamay. "What's your name?"
"Patricia po."
"And, Patricia, what will you sing for us?"
"Lover by Taylor Swift po." nakangiting sagot ko. Gusto kong maiba ang audition kaya ballad ang i-pe-perform ko. Majority kasi ng mga nag-audition ay puro belting ang ginawa. I want to show them that even songs like this can get four yeses from the judges.
"My favorite. Sing for us."
Tumango ako't tinignan ang gitara ko't ipinwesto ang mga daliri ko sa strings nito. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang kumanta at mag-strum sa gitara.
That night started my journey as an artist. The competition lasted a month and I was happy even though I only ended as a second placer. Masyado kasing magaling iyong nanalo kaya tanggap ko kahit talo ako. Besides, hindi ko naman lubos akalaing makakarating ako sa kung nasaan ako ngayon.
Kabila't kanan ang naging interview sa akin ng media tungkol sa naging competition. I also signed an exclusive two-year contract with the same station as my relatives – the Erus kaya kahit pa naging artist ako, kampante ang pamilya ko dahil makakasama ko sa iisang kumpanya ang mga kamag-anak naming artista at modelo.
Patuloy pa rin ang pag-aaral ko dahil iyon ang naging pakiusap ko sa management na mag-ha-handle sa akin. Gusto ko kasing makapagtapos pa rin sa kurso ko habang tinatahak ang landas bilang artist. May ilang bagay nga lang ako na kailangan bitawan tulad ng pagtulong sa boyfriend ko sa mga request na natatanggap niya sa ibang estudyante tapos umalis rin ako sa music club dahil iyong ilalaan ko na oras duon ay ibibigay ko na lang sa cooking club.
Si Kuya Dane ang naging manager ko. Dapat nga sana ay si Tita Aira pero hindi na pumayag si Tito dahil gusto nitong mabawasan ang trabaho ng asawa at naiintindihan ko naman dahil may edad na ito.
In the span of three months since the competition started, lumobo ang followers ko sa social media sites na mayroon ako at subscribers sa YouTube. Right now, I have 500k subs in YT and a few song covers. Marami nga nag-re-request na mag-vlog ako sa loob ng school as a content pero hindi ako pumayag dahil masyadong matrabaho iyon, with all the editing and such.

BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...