Lie Jun
"Jun, paki-serve ng order na ito kay 07."
Kinuha ko sa counter ang mga pagkain na nakalagay sa tray. Medyo maraming tao kahit na Pasko kaya napapahinga na lang ako ng malalim.
Gusto ko sana mag-celebrate pero hindi ko magawa dahil may trabaho pa ako. 12-hour shift ang kinuha ko ngayong araw na ito dahil double pay. Pumayag naman ang manager namin kahit pa may hesitation ito. Ang sabi nito ay mag-celebrate ako kasama ang pamilya ko pero tumanggi ako. Hindi ko rin sinabing wala akong kasama rito dahil ayoko naman na may ibang makaalam ng tungkol sa bagay na iyon.
May kaonting inggit akong nararamdaman sa tuwing nakikita ko ang masasayang pamilya na kumakain rito. I don't remember much since I got separated with my family when I was still young, 10 years old to be exact, but I do know that I was happy being with them.
I really miss them.
Lunch break nang tawagan ko si Axel. Nag-text kasi ito na tumawag once I'm free. Medyo natagalan bago ako naka-connect sa kaniya dahil busy ang cell phone niya. Nang i-accept niya naman ang tawag, tawanan ang una kong narinig.
"Hey."
"Junnie boy! Merry Christmas!"
"Merry Christmas. Nasa party ka?"
Tumingin ako sa likod dahil hindi magkandaugaga ang mga kasama ko sa loob. Nasa labas kasi ako para makahinga. Kanina pa ako nakatayo at palakad-lakad sa loob dahil sa rami ng order. Bakit ba kasi sobrang crowded kahit Pasko ngayon?
"Hindi naman party. Parang get together lang naming magpipinsan."
"I see. Bakit mo pala ako pinatatawag?"
"Nasabi kasi sa akin ni Gavin na magtatrabaho ka. Bakit hindi ka muna nag-off ngayon? Paskong-Pasko, magtatrabaho ka."
"I can't. Sayang araw. Double pay ngayon."
"Ipagpapalit mo pamilya mo sa double pay? Grabe." Tinawanan ko na lang siya ng mahina para umiwas sa pagsagot. Hindi rin kasi niya alam na hindi ko kasama ang pamilya ko. "Bigay mo sa akin address ng pinagtatrabahuhan mo. Isama kita dito sa gathering."
"No need, Axel. Just enjoy. Babalik na ako sa loob."
I heard him sigh and asked someone to be quiet at the background. "Sige. Merry Christmas ulit. Kita tayo bukas. Bigay ko iyong regalo ko sa iyo."
Nang magpaalam siya at tinignan ko iyong bagong text na na-receive ko. I heaved a sighed nang malaman ko kung sino ito. Hindi ko sinave ang number ng taong ito pero dahil sa texts na na-re-receive ko ay naging pamilyar na ang number nito sa akin.
"Tinatawagan kita pero busy line mo. Text back kapag puwede na ako tumawag."
I don't know what her deal is. Ang alam ko lang kasi ay sabihin sa kaniya kung sa lecture hall ang klase namin. Wala naman akong matandaang sinabi na i-text niya ako kung kailan niya gusto. She did tell me I'm interesting pero wala pa sa isip ko ang makipagrelasyon dahil may kailangan pa akong gawin, bata pa ako at isa pa, hindi ko naman siya gusto.
I'm not good with girls. Minsan, natatakot ako para sa kanila kapag lumalapit sila sa akin, especially those that I don't know. Madali para sa akin ang saktan sila kahit babae sila. Buti nga si Patricia, hindi pinaiinit ng husto ang ulo ko pero malabo rin na masaktan ko ito dahil malapit na kaibigan ko ito.
Alam ko na mangungulit lang siya kapag hindi ko siya ni-reply-an ngayon kaya wala akong choice kung hindi mag-send ng message sa kaniya. Ilang saglit lang nang mai-send ko ang message, bigla siyang tumawag.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...