Patricia
"Sasabihin mo ba sa kaniya?" tanong ni Patch habang naglalakad kami papunta sa auditorium para manuod ng program. Naruon na raw ang barkada, kami na lang ang wala dahil sinundo niya pa ako.
Ikinawit ko ang braso ko sa kaniya at isinandal ang ulo sa balikat niya. Para kaming mag-syota kung titignan kaya ang ilan sa mga nakakakita sa amin habang naglalakad kami, tinatapunan kami ng tingin na para bang nawiwirdohan sa amin.
"Tulad ng sabi ko, hindi ko pa alam kung sasabihin ko. Kahapon nga lang, pagkauwing-pagkauwi ko, kung pagsabihan ako, akala mo gusto na akong itapon sa dagat. Hahayaan ko muna siyang kumalma kasi nagtatampo pa rin sa akin dahil sa ginawa natin."
"Sana kasi sinabi mo na lang sa kaniya noong isang araw na sa club ang punta natin."
"Nako. Kung sinabi ko iyon, baka mapaaway lang siya. Nakita mo naman kung paano ako tignan sa bar, hindi ba? Kung wala nga siguro sina Kuya Gavin at Axel sa table natin, malamang sa malamang, marami nang lumapit sa atin."
"Sabagay. Knowing Jun? Nako." Napailing siya't hindi na nagsalita hanggang sa makarating kami sa auditorium.
Maraming tao at lahat ay nakikisabay sa kumakanta sa nasa stage. Napangiti ako dahil ka-club ko ang dalawang nasa stage. Isa sana ako sa mag-pe-perform pero sinabi ko sa head na kailangan ko tapusin ang mga projects ko at may mga inaasikaso rin ako sa cooking club kaya pumayag naman itong hindi na ako sumali. Hindi kasi iyong duration ng performance ang problema kung hindi iyong preparation.
Medyo nahirapan kaming hanapin ang mga hinahanap namin pero hindi rin nagtagal nang makalapit kami sa mga ito kaya lang may kulang dahil hindi namin nakita si Kuya Gavin, tanging si Keera, Trista, Lie Jun at Axel lang ang narito.
"Nasaan si Kuya Gavin?" tanong ko pagkalapit ko kay Lie Jun.
"Don't know." malamig na sagot nito habang tinitignan ang mga nag-pe-perform. Nakasimangot ako dahil tulad ng sinabi ko kanina, nagtatampo pa rin siya.
"Trista, si Kuya Gavin?"
"Hindi ko alam." Nagsimula itong tumalon habang sinasabayan ang pagkanta ng performer.
Bahala na. I-e-enjoy ko na lang itong performance dahil alagad ko ang mga nag-pe-perform.
Marami-raming nag-perform kaya inabot ng isang oras ang program. Nang magyaya na akong umalis, hinawakan ako ni Lie Jun sa kamay bago siya humarap sa mga kasama namin.
"Mauuna na kami." Humarap siya kay Axel saka itinaas ang kamay bago siya nakipag-apir dito.
"May klase ka, ha?" nagtatakang tanong ni Trista habang nakatingin kay Lie Jun.
"Cut ako ng isang subject. It won't really affect my grades. Nag-message naman na ako sa mga ka-block ko para sabihing masama pakiramdam ko at nasa clinic ako. Mauna na kami." Kumaway siya sa mga ito at hinila na ako paalis sa auditorium.
Hindi ako nagsalita habang hila-hila niya hanggang sa makarating kami sa club room. Walang tao rito. Hindi niya na isinara ang pinto at dinala lang ako sa lamesa na nasa gilid ng bintana at pinaupo ako sa upuan na nasa tabi nito.
"Anong ginagawa natin rito? Mamaya pa may club activity, ha?"
"Let's talk."
"About?"
"What you did the other night. Pinalagpas ko lang kahapon kasi mainit ang ulo ko sa ginawa mo pero ngayong kalmado na ako, gusto ko mag-usap tayo."
I sighed saka ko inipit sa likod ng tenga ko ang buhok ko. "Okay. About that, hindi ko sinabi sa iyo kasi marami akong iniisip. Gusto ko mag-unwind at curious rin ako kung anong feeling kapag nasa club kaya ako pumayag."
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
Roman d'amourCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...