15

35 3 0
                                    

Patricia

After that I night, naging mas vocal na si Lie Jun sa akin. He's still the same stoic guy pero minsan, magugulat na lang ako na nag-ve-vent out na siya sa akin. Like yesterday. Nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ni Kuya Gavin. Ako ginawa nilang middle man kaya nabingi na lang ako sa kaka-defend nila sa sarili nila.

Naging mabilis ang pagtakbo ng panahon at ang pinakaaabangang okasyon ng lahat ay parating na. It's December 16 and that means Christmas break na. Not only that, simula na ng simbang gabi at caroling.

Medyo nag-i-improve na rin ang social life ni Lie Jun and I'm so happy for him. Ang lungkot kasi kung wala kang kaibigan sa college.

Simula kasi nang humupa ang mga balita patungkol sa kaniya ay may ilang tao na ang lumalapit sa kaniya. Not to boast or anything pero may contribution ako sa paghupa ng mga balitang iyon. He was being bullied kasi at kung hindi pa ako dumating ay baka nabugbog niya na pati iyong babaeng kasama ng nanggulo sa kaniya.

Siga raw kasi talaga sa univ iyong tatlong nakaaway niya. Nasaktuhan na napagtripan siyang paalisin sa table na pinupwestuhan niya sa library. Ang sabi ng kaibigan niyang si Axel, as soon as dumikit raw ang balat nuong dalawa kay Lie Jun, bigla raw itong tumayo at pinatumba iyong dalawa. That's the time na pumasok ako sa eksena. Napigilan ko siya nang akmang sasapakin niya iyong babae at dahil nanggigil ako sa mga nangyari, nag-declare ako sa library na kung sinong babangga sa kaibigan ko ay papatulan ko. Hindi ko naman intensyon makipagbasag-ulo. Spur of the moment lang ang tapang ko na iyon.

Ang ending, na-OSA kaming lima. Good thing naman na may mga nag-witness kaya hindi kami naparusahan.

Palalabas na rin siya ng bahay kaya normal na sa mga kapitbahay namin na makita siya sa labas habang nakamaskara. Unlike dati na lumalabas lang siya para pumasok at umuwi.

"Patricia!"

Umungot ako at ibinaon ang mukha ko sa yakap kong unan. Kahit nakapikit, hindi ako makabalik sa pagtulog dahil sa paulit-ulit na pagkatok ng kung ano sa bintana ko na sinabayan pa ng paulit-ulit na pagsigaw ni Lie Jun sa pangalan ko.

"Lord, ano po ba nagawa kong kasalanan sa dati kong buhay?" reklamo ko matapos ko alisin ang pagkakatakip ng unan sa mukha ko. Bumangon ako at galit na itinaas ang blinds ng bintana ko. Maskara niya ang unang nakita ko pati na ang mahabang stick na ipinangkakatok niya bago natuon ang paningin ko sa animated na isdang naka-print sa damit niya. Tumigil siya sa pagkatok nang buksan ko ang bintana ko. "Ano bang problema mo?!"

Dahan-dahan niyang hinila pabalik ang hawak na stick saka siya may kinuhang kung ano sa lapag. Pagkatayo ng maayos, itinaas niya ang hawak niyang papel. Well, flyer to be exact. "Tignan mo!"

"Ano ba iyan?" Napapikit ako't nagkusot ng mata. Ramdam ko rin ang paggewang ng katawan ko dahil inaantok pa rin ako.

Nang magmulat ako, nakita ko ang pagtusok niya ng stick sa papel saka ito ginamit para iabot sa akin iyong flyer. Nang alisin ko ito sa pagkakadikit sa stick ay binawi niya na ulit ang hawak niya.

"Sali tayo diyan!"

"Fitness?" It's a flyer for a gym membership. Tignan ko itong maigi dahil baka namamalikmata lang ako dala ng antok pero hindi, flyer talaga ng gym membership. Tinignan ko siya't tinaasan ng kilay. "I thought you hate working out?"

"College na tayo. I want to be in a better shape."

"Then cut the carbs! Ang aga-aga, nangbubulabog ka!"

"I'm not the one who's shouting. You are. Ikaw iyong bulabog. Basta. Sali tayo. I don't want to go alone. I want us to suffer together."

"Alam mo, karma talaga kita."

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon