55

40 3 0
                                        

Patricia

Nakaupo kami nina Axel at Lie Jun sa tapat ng bahay ng boyfriend ko, nakaupo lang sa pavement. Hapon na at kauuwi lang namin galing sa univ. Wala akong number for the afternoon show this coming Sunday kaya may free time ako. We, Lie Jun and I, both decided to cancel our gym schedule for the entire week para makapag-bonding man lang. Isa pa, ang hassle kung pupunta pa ako sa studio para lang mag-gym, knowing na medyo may kalayuan ang studio sa bahay.

"Setup mo naman ako ng date kay Sharon." ani Axel habang nakatingin ng diretso. Paunti-unti niya rin kinakain ang ice cream niya gamit ang small wooden spoon nito. "Pakiramdam ko talaga, meant to be kami, eh."

"Dumayo ka na nga lang rito, ganiyan pa maririnig namin." Pabirong sinipa ko siya sap aa niya pero hindi siya natinag at nanatiling nakatingin ng diretso. "Wala ka na namang pera, ano?"

Inilagay niya ang kamay niya sa dibdib niya habang hawak ng isang kamay ang cup ng ice cream saka umakto na para bang nasasaktan. "Grabe ka sa akin, Patricia. Kapag dumayo, wala kaagad pera? Hindi ba puwedeng na-mi-miss ko lang kayo?"

"Ulul, boy." In-extend ni Lie Jun ang braso niya't pabiro itong itinulak. Medyo napayuko tuloy ako kasi nasa gitna nila ako. "Huwag kami. Gago ka kasi, pati allowance mo, ibinili mo ng console."

"Console?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya umusog siya ng upo palayo. "Nakuha mo pang mag-console? Nag-me-maintain ka ng spot mo sa top 50 sa department niyo para sa regalo ng pamilya mo sa iyo, hindi ba?"

Sinimangutan niya kami saka tumayo't ibinigay ang hawak na cup sa akin. "Babalik na nga lang ako sa dorm. Kaya nga ako pumunta para makipag-bonding tapos pagagalitan niyo lang ako." reklamo niya na parang bata kaya napatingin sa amin ang kapitbahay ni Lie Jun na nagwawalis sa tapat ng bahay. "Makaalis na nga." Lumapit sa katabi ko at nakipag-fist bump rito tapos ginulo ang buhok ko.

Napailing na lang kami habang sinusundan ito ng tingin nang magsimula na itong maglakad palayo. Nang dumaan ito sa harap ng bahay ni Ate Nora, mukhang nagpaalam ito sa kalalabas lang na ginang base sa ginawang pagkaway bago naglakad paalis. Nakita rin namin ang chairman ng barangay na lumapit kay Ate Nora. Maya-maya pa'y tumalikod na't umalis ang chairman.

Tumingin sa direksyon namin si Ate Nora at sumenyas na lumapit kami kaya tumayo kami't lumapit rito. "Patricia," bungad nito pagkalapit namin.

"Bakit po?"

"Puwede ko bang makausap saglit si Jun? Importante lang."

"Sige po." Humarap ako sa boyfriend ko, na para bang malalim ang iniisip kaya kinalabit ko ito. "Uwi na muna ako. Hintayin na lang kita sa kwarto mo. Babawasan ko na iyong mga request para mabawasan ka ng trabaho."

Tumango siya't binigyan ako ng maliit na ngiti. "Kumuha ka na lang kaya ng kaonti tapos dalahin mo sa kwarto mo? Baka mag-isip kasi sina Tita ng kung ano kapag duon ka pa tumambay."

"No worries. May tiwala naman sila sa atin. Isa pa, titingin ako ng masks. Baka may makuha akong inspirasyon para sa next design ko."

Nagpaalam na ako sa kanila't bumalik sa tapat ng bahay para sabihin kay Mama na tutulungan ko sa trabaho ang boyfriend. Kahit busy sa pagluluto ng mga ititinda para mamaya, um-oo ito kaya dumiretso na ako sa pupuntahan ko.

Nang makarating sa kwarto ay iyong study table niya kaagad ang nilapitan ko. Maraming folders at flashdrive na may naka-tape na pangalan ang nakapatong rito. Magkakapatong naman ang mga folder at nasa isang kahon ang flashdrives kaya I'll give him an A for being organized.

Hindi ko muna ginalaw ang mga ito at nilapitan muna ang mga maskara. Mas marami na ito kumpara sa dati noong unang kita ko sa mga ito. Ang sabi niya, hindi naman siya ang gumastos; ang mga nadagdag kasi ay puro regalo ng barkada at ang iba ay ibinigay sa kaniya ng mga kaibigan niya.

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon