49

26 3 0
                                    

Patricia

We're on the way to the location where we will shoot the ad and photos. Ginamit namin ang sasakyan ni Kuya Dane. Lima kaming narito nina Lie Jun, Tyron, Sharon at ako. Sumama sila dahil free naman sila at isa pa, gusto raw nila makita ang first project namin together.

Medyo nawala na ang bad blood ng boyfriend ko kay Tyron nang makausap niya ito kaya nakakasama na ito kapag may oras siyang gumala. Ang sabi nito, mali raw kami ng iniisip na may gusto ito sa akin at sinigurado niya ito kaya ang boyfriend ko, nakampante na kahit papaano kahit dumidikit ito sa akin. Ayoko man mag-assume pero may parte sa akin na hindi naniniwala pero as long as hindi ito gumagawa ng bagay na ikagagalit ko o magiging dahilan ng pagkasira namin ni Lie Jun, wala akong problema. Isa pa, mabait siyang tao at nariyan palagi para tumulong. Siguro isa iyon sa dahilan kung bakit kahit na dinepensahan niya ang sarili, hindi pa rin ako naniniwala.

Summer attires ang i-mo-model namin. Gusto pa nga sana ito dagdagan ng beach outfits pero humindi ang mga magulang ko. Even the Erus didn't like the idea na mag-mo-model ako ng mga ito. Masyado pa raw kasing maaga para magbalandra ako ng katawan. Isa pa, pagiging singer daw ang pinirmahan kong kontrata, hindi pagiging modelo talaga.

Habang nagkukwentuhan sila, inililibot ko ang paningin ko sa sasakyan dahil hanggang ngayon, namamangha pa rin ako dito. Malaki kasi ito at ito iyong mga nakikita kong kotse ng mga artista. Sa likuran kasi ay maraming nakasabit na mga susuotin; iba-ibang klase ng damit at pangbaba at sa sahig naman ay may mga kahon ng sapatos at accessories na para sa lalake't babae.

"Okay ka lang?" tanong ni Tyron kaya tinignan ko ito't tinanguan. "Kanina ka pa tahimik."

"Sino bang baguhan ang hindi matatahimik kung ganitong klase ng sasakyan ang nakikita?"

"Ganito kotse namin ni Sharon. Iba nga lang model."

"Edi kayo na."

"Boss Dane, magkano kuha niyo sa ganito?"

Napatingin ako kay Lie Jun dahil sa tanong nito. "May plano kang bumili?"

"Someday."

Nalula ako sa sinabing presyo ni Kuya Dane kaya literal na nasamid ako sa sarili kong laway. Sabay na hinagod nina Lie Jun at Tyron ang likod ko habang tumatawa naman sa harap sina Sharon at Kuya Dane. Nakakagulat naman kasi iyong presyo. No wonder ang ganda nito.

Nanuod na lang kami sa TV na nasa likuran ng mga upuan hanggang sa makarating kami sa location na pupuntahan namin. Nang makapag-park kami sa isang beach resort, wala halos katao-tao at iilang kotse lang ang nakaparada sa parking lot. Habang tinitignan ang mga kotse, nakita ko ang dalawang kotse na ginamit ng mga staff na tutulong sa amin sa shoot at napaisip ako kung kanina pa ang mga ito rito.

Pagkabukas ng pintuan ng kotse, lumabas na kami at napahinga ako ng malalim para lasapin ang sariwang hangin. Kahit parking lot kasi ay may mga puno tapos sa bandang kaliwa ng parking lot nakatayo ang napakagandang resort.

Binitbit na namin ang mga gamit namin at pumasok sa resort. Sinabi lang ni Kuya Dane ang pangalan niya sa staff ng resort na nasa reception at kaagad na kaming pinapasok. Tinanong ko nga kung sila ba may ari nito pero sinabi niya lang na reserved ito for the whole day para sa gaganaping shoot at tanging staff lang ng station namin ang puwedeng pumasok pati na ang mga modelo.

"Nandito na sila!" anunsiyo ng staff na may dalang mga equipment na nakasalubong namin sa hallway kaya ang mga staff na nag-aayos ng iba pang equipment at napatingin sa direksyon namin.

"Dadalahin ko muna sila sa kwarto nila para makapagpahinga saglit." ani Kuya Dane rito na sinagot nito ng tango. "Saan pala ang room ng models?"

"Sa second floor. Sa bandang dulo, iyong magkatabi. 201 at 202 iyong room number."

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon