24

28 3 0
                                    

Patricia

May tatlong nauna mag-perform bago ako. Nakakatuwa nga kasi habang may nag-pe-perform, nakabukas ang flashlight ng cell phone ng mga nanunuod habang iwinawagayway ng marahan. Hindi ko alam kung bakit ni-rumble nila iyong pagtawag sa mga kasali. Siguro dahil ayaw nilang tawagin kaagad si Keera.

Buti nga sa kaniya.

"Okay, Patricia, you're next!" anunsyo ng taga-photog na may hawak ng listahan.

Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis rito saka ako pumunta sa upuan na nakapuwesto sa gitna. "Sino may dalang gitara?"

"Ako! Ako! Wait lang!" Sinundan namin ng tingin si Clyde nang sumigaw ito. Umalis ito saglit at pagbalik ay may dala nang gitara. Inilahad niya ito sa akin at itinuro ako sa mukha. "Galingan mo, ha?"

"Nasa tono ba ito? Baka mamaya, matalo ako nang dahil rito, ha?"

"Ang alam ko oo pero check mo na lang. Wait. Marunong ka ba?" Tumango ako't sinimulang i-check kung tama ang tono ng gitara. "Nang magsabog si God ng magagandang qualities, siguro ikaw mismo iyong pinasabog."

Nang maitono ko na, sinabihan ko na siyang umalis at sumunod naman siya. Dapat talaga hindi ako maggigitara at gumaya na lang sa mga naunang nagpatugtog lang sa cell phone nila pero dahil gusto kong ungusan si Keera, magpapaka-extra muna ako.

Nakaka-miss rin pala humawak ng gitara. Parang last year pa yata ako huling tumugtog gamit iyong gitara ni Kuya Billy pero sa tingin ko naman, kaya ko pa rin. I'll play safe kaya iyong kabisado ko ang tutugtugin ko.

Nagsimula akong mag-strum at pumikit, pinakikiramdaman ang pagtama ng daliri ko sa bawat string ng gitara at pinakikinggan kung tama ba ang tono.

"The sun is setting and you're right here by my side. And the movie is playing but we won't be watching tonight. Every look, every touch, makes me wanna give you my heart."

May ilan akong naririnig na tahimik na sumasabay at ang iba naman ay nag-ha-hum. I'm kind of proud na ganito ang nakuha kong reaksyon sa kanila. This just means na nadadala sila sa pagkanta at pagtugtog ko.

Habang kumakanta ako, unti-unti akong nagmulat ng mata. Nahagip ng paningin ko sina Kuya Gavin at Axel na ngayo'y nasa tabi na ni Lie Jun at Keera. Dalawa silang nakangiting nakikinig sa akin habang iyong dalawa naman ay parang hindi masaya sa ginagawa ko dahil grabe kung makatitig.

Nanatili ng ilang segundo ang tingin ko kay Lie Jun at nang makita kong unti-unting bumukas ang bibig niya para tahimik na sumabay sa pagkanta, napangiti ako't pumikit ulit.

"He knows just what it does when he's holding me tight and he calls me moonlight, too."

Isinabay ko ang pagtigil sa pag-s-strum ng gitara sa pagtigil ko sa pagkanta. Nagmulat ulit ako ng mga mata para tignan ang mga manunuod. Lahat sila nakatingin lang sa akin. Ang iba rito ay nakangiti at ang iilan ay nakatulala lang.

Nakangiting tumayo ako saka tumungo ng isang beses. Nang gawin ko iyon, saka pa lang sila nagpalakpakan at sumigaw ng encore. Buti na lang at sumingit si kuyang taga-photog at sinabing bawal ang encore.

Nilapitan ko ang mga ka-club ko saka ko ibinalik ang gitara kay Clyde. Lahat sila at pinuri ako. Nagpaalam muna ako sa kanila at nilapitan sina Kuya Gavin dahil sinesenyasan nila akong lumapit sa kanila.

"Galing, ah." bungad ni Axel at nakipag-apir sa akin.

"Hindi kasi ako puro ganda lang." nakangising sinabi ko. Sa loob-loob ko, gusto kong ma-offend si Keera. Ramdam ko ang tingin nito pero hindi ko na lang inintindi.

"Siguro kung tinanggap ko confession mo noon, may talented na akong girlfriend ngayon." Tumawa siya kaya sabay namin siyang siniko ni Axel.

"Your loss. Magsisi ka." biro ko rito pabalik.

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon