Patricia
Hindi siya umalis sa playground nang makipaghiwalay ako sa kaniya. Nauna akong umuwi't iniwan siyang umiiyak habang nakaupo sa lupa. Hindi ko gusto ang mga lumabas sa bibig ko pero wala akong magagawa kung hindi sabihin ang mga iyon. Kailangan niya magalit sa akin, na putangina lang kasi sobrang cliché pero ano bang magagawa ko? Iyon ang dapat ko gawin kasi para sa kaniya naman iyon.
Marami na akong romance book na nabasa at majority sa mga ito, isa sa mga bida ang nagsasakrepisyo. I find it stupid at first. Ang lagi ko kasi iniisip, they should fight together. Kahit ano pang ibigay na challenge sa kanila, hindi dapat sila maghiwalay at labanan ang mga ito ng magkasama.
Hindi ko naman alam na mangyayari pala sa akin ang bagay na ito.
I'm not sure if I can safely say I would regret it someday but at this moment, I don't have any regrets. His safety is my top priority. Even if he falls out of love because of this, that won't be good but it's fine.
Mamahalin ko na lang siya mula sa malayo hanggang sa mawalan na ako ng nararamdaman sa kaniya.
That same night, dumiretso ako kay Ate Nora. Alam ko na uuwi siya't hindi didiretso sa tita niya para magsumbong kaya ang lakas ng loob ko lumapit rito. Nagtaka siya kung bakit gabing-gabi na ay pinuntahan ko pa siya.
"Maupo ka muna. Kukuha lang ako ng tubig."
Tinanguan ko siya habang nakangiti ng bahagya. "Sorry po sa istorbo. Importante lang po talaga." Pumwesto ako sa pahabang sofa na nasa salas at hindi ko naiwasang mapahinga ng malalim dahil iniisip ko kung umuwi na ba si Lie Jun o ano. Baka kasi mapahamak siya ruon. Gabi pa man rin.
"Saglit lang." pagpapaalam niya saka pumunta sa kusina at pagbalik ay may dala na siyang tray na naglalaman ng dalawang baso at pitsel ng tubig. Naupo siya sa pang-isahang sofa sa tabi ng inuupuan ko saka iniayos sa center table ang mga dala. "Ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong niya saka umupo sa kaharap na upuan ko.
"Alam ko po iyong nangyayari ngayon Lie Jun."
"May kutob ako. Hindi ka naman kasi pupunta rito ng ganitong oras kung tungkol lang sa maliit na bagay. Isa pa, alam ko namang malalaman at malalaman mo rin." Nagsalin siya ng tubig sa isang baso at ibinigay ito sa akin. Tahimik akong nagpasalamat saka ako uminom rito.
"Nakipaghiwalay na po ako sa kaniya. Hindi dahil gusto ko. Iyon lang po kasi ang nakikita kong dahilan para maitulak siyang umalis kaagad rito. Gusto ko lang naman po na maging ligtas siya, na makaalis kaagad rito bago pa siya lapitan ng mga pulis."
"May naisip ka na bang plano kung paano natin siya mapipilit na umalis rito?"
"Nag-offer po ako sa kaniya kanina ng tulong. Ang sabi ko, pupunan ko ang kulang sa pera niya pero tumanggi siya."
Bumuntong-hininga siya't humalukipkip bago sumandal sa inuupuan niya. "Sinubukan ko na rin iyan. Ako pa ang nakiusap sa kaniyang umalis na't ibibigay ang kulang sa pera niya pero matigas masyado ang ulo niya. Gusto niyang siya ang kumalap ng kulang dahil sobra-sobra na daw ang nagawa kong tulong sa kaniya. Ang sabi ko naman, anak na ang turing ko sa kaniya kahit kaibigan ko lang ang mga magulang niya pero ayaw niya pa rin.
"Alam mo naman siguro kung gaano ka niya kamahal, hindi ba? Isa ka rin sa dahilan kung bakit hindi niya kayang umalis. Ayaw na niyang malayo sa iyo. Plano niya pa ngang yayain ka sumama sa kaniya para maipakilala sa mga magulang niya pero alam niyang hindi ka papaya, lalo na ang mga magulang mo.
"Alam kong mali ang payo ko sa kaniya dati pero sinabi ko pa rin sa kaniya na kalimutan na lang ang mga magulang niya para lang tigilan niya na ang pagtutulak ng droga. Ako kasi ang natatakot para sa kaniya. Hindi ko alam na kaagad rin darating iyong ikinatatakot ko.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...