Patricia
Nalula ako sa laki ng university pagkahinto ko sa harap nito ng bike na sinasakayan ko. Napakataas nito at harap pa lang ito ng papasukan ko. Base sa nabasa ko nang mag-research ako tungkol rito, hiwa-hiwalay ang bawat department na nakapalibot sa school grounds. Pagpalagay na rin natin na may dalawang department sa isang building tapos ilang department mayroon sila. Sobrang yaman siguro ng may ari nito. At ang pinakagusto ko rito ay walang uniform kaya malaya kong maisusuot lahat ng gusto ko. Tutal fashion student naman ako, magpapaka-fashionable ako rito.
Inagahan ko ang pagpunta rito para makapaglibot at nang maging pamilyar ako sa lugar. Wala kasi akong nai-print out na mapa para hindi ako maligaw. Dapat rin ay kasama ko si Kuya Gavin ngayon sa paglilibot pero nagkaroon siya ng biglaang lakad kaya sadly, wala siya sa tabi ko ngayon.
Bukas pa ang official start ng klase ko. Talagang bumalik lang ako rito para tignan ang paligid. Sa luwag ng kalsada, marami akong nakikita na mga estudyanteng naka-bike lang rin tulad ko. Siguro malapit lang ang bahay nila rito o puwede rin na naka-dorm sila. May iilan rin na sasakyang dumaraan pero lamang lang talaga ang mga naka-bike.
Napakaaliwalas rito dahil may mga puno sa gilid ng kalsada at puro damo pa kaya hindi nakakapagtakang maraming estudyante na tumatambay sa gilid-gilid.
Ipinarada ko muna ang bike na gamit ko sa parking lot dahil duon ikinakadena ang mga ito. At dahil nga maaga pa, naglakad-lakad muna ako sa grounds. Nang matapos ko maglakad-lakad, napagpasyahan kong puntahan ang magiging mga classroom ko. Nasa akin naman na ang schedule ko pati na ang mga kakailanganin kong detalye para sa pagpasok ko rito kaya hindi ako nahirapang puntahan ang mga ito. Well, nahirapan kasi nagtanong-tanong pa ako kung paano makakapunta sa ganito-ganiyan at ang ilan sa klase ko ay kakailanganin pang lakarin.
Nakakapanibago lang kasi nasa ganito kalaking lugar na ako, hindi tulad sa pinasukan ko noong high school. At nakakagulat rin kasi kahit na nag-alangan ako sa resulta ng exam, nakapasa pa rin ako. Siguro ganuon lang talaga. Kahit ano pang taas ng tiwala mo sa sarili mo, kapag sa exam, mawawala ito.
Nang mapadpad ako sa field, nakakita ako ng maraming booths. Nagkaideya ako kung anong nangyayari dahil sa nakita kong mga banner. Mukhang ngayon pa lang, naghahakot na ang mga club ng member.
"Miss, sali ka sa club namin!" salubong sa akin ng isang lalake na naka-civilian. Inabutan niya ako ng flyer at nakalagay rito ang details ng swimming club. May nakasunod rin sa kaniyang dalawang babae na may hawak na flyers habang nahahati ang atensyon sa akin at sa mga taong dumadaan para mabigyan nila ng mga dala nila.
"Sorry po." Binigyan ko sila ng magalang na ngiti para lang ipaalam na humihingi ako ng tawad dahil hindi ako interesado. "May gusto po kasi akong salihan."
"Ganuon ba?" Napasimangot siya saka tinanggap ang flyer na ibinalik ko sa kaniya. "Pero kung sakaling magbago isip mo, puwedeng-puwede ka mag-apply." Ibinalik niya sa akin iyong flyer kaya para makaalis, tumango ako't tinanggap ulit ito.
Nagpaalam na ako para makapaglibot-libot at hindi ko mapigilang maging masaya kasi iyong mga ganitong eksena ay napapanuod ko lang sa dramas at animes pero heto't dindumog na kaming mga bago rito para maisali sa club nila.
Nang makita ko ang hinahanap kong club, napangiti ako ng malawak. Napatayo ang tatlong babae at dalawang lalake nang lumapit ako sa table ng booth nila. Tinignan ko ang mga picture na nakadikit sa lamesa at karamihan rito ay picture ng mga taong nagluluto, which I guess are their club members at ang ilan naman ay mga picture ng pagkain.
"Gusto mo po sumali?" nakangiting tanong ng lalakeng naka-reading glasses. Siniko niya iyong katabi niyang babae na nakatitig sa akin habang nakangiti. Mukha naman itong natauhan saka napatingin sa kaniya. Inginuso niya ako kaya bumalik ang tingin sa akin ng babae.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...