60

24 3 0
                                    

Patricia

Kinaumagahan, message niyang Already talked to them ang bumungad sa akin kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag at kaagad siyang dinalahan ng makakain. Umalis rin naman kaagad ako dahil may pasok pa ako. Hindi pa rin ako mapakali kahit pa sabihin na nakausap niya na ang mga kliyente niya. Siguro nga hindi na mawawala sa akin ang takot na baka mapahamak siya as long as nasa ganuon siyang klase ng business.

Hindi ko naisip ito noon. Iyon bang, kapag may nangyaring ganitong eksena na madadamay ako dahil girlfriend niya ako. Ang gusto ko lang kasi talaga noon ay maging boyfriend ko siya; dinisregard ko kaagad iyong business niya at iyong possible effects nito sa amin.

Napaisip rin ako. Base kasi sa nangyari kagabi, para bang handa siyang iwan na ako para sa pamilya niya. I mean, iwan in a sense na pupunta siyang ibang bansa at hindi makikipaghiwalay sa akin. Kasi kung hindi, bakit ganuon na lang siya kadesperado itago ang pera't handing magnakaw, hindi ba?

Naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya pero hindi ko maiwasang malungkot sa katotohanang aalis rin siya para puntahan ang pamilya niya. Hindi pa namin napag-uusapan kung gaano siya katagal ruon kung sakali dahil as much as possible, hindi namin tina-tackle ang topic na iyon since nagiging malungkot lang siya.

Hindi ko rin minsan maiwasan mainis sa mga magulang niya kahit pa sabihin na hindi ko alam ang rason ng mga ito kung bakit para bang inabandona na nila ang anak nila. May koneksyon naman siguro sila kay Ate Nora para alamin ang lagay ng anak nila, hindi ba? Kung tulad pa rin ng dati na pa-iba-iba raw ng contact number ang mga ito, hindi man lang ba nila inisip na itago ang number ng kaibigan nila para kumustahin ang anak nila?

Ilang taon nang nangungulila sa pamilya si Lie Jun at sa mga nagdaang taon na iyon, hanggang ngayon, ni minsan, hindi nila kinumusta ang anak nila. Hindi ba nila naisip ang nararamdaman nito o sadyang nawalan lang sila ng pakielam? Ewan ko.

Buong araw ko isinubsob ang sarili ko sa pag-re-review para mabawasan kahit papaano ang iniisip ko pero kahit anong gawin ko, nasa boyfriend ko ang pag-iisip ko. Nakaka-paranoid. Gusto ko kasi siyang i-check minu-minuto dahil sa takot na baka nga damputin na lang siya o ipapatay.

Tumambay ako sa corridor pagpatak ng lunch break. Hindi muna ako sumama sa barkada dahil ayokong mahalata nila na problemado ako. Baka kasi hindi ko kayanin ang emosyon kung sakaling batuhin nila ako ng mga tanong. Baka bigla ko na lang masabi ang problema ng boyfriend ko.

Ang ginawa ko, naupo ako sa hallway at sumandal sa pader ng main room ng block namin. Tutok ako sa cell phone ko dahil nag-re-research ako sa mga topic na related sa droga. From cases, laws, consequences, jail time and such. Wala nga ako masyado maintindihan pero may nabasa akong anytime puwede imbestigahan ang mga drug pusher o user sa oras na maibigay ng barangay officials ang drug watchlist sa kapulisan.

"Diyos ko. Bakit ba ganito?" pabulong na tanong ko sa sarili. Napatungo ako habang naka-indian sit saka ko inilapag ang cell phone sa hita ko. Hindi ko maiwasang mapasabunot dahil sa dami ng bagay na tumatakbo sa isip ko. Mula sa pagkakapikit, napadilat ako nang biglang tumunog ang cell phone ko. Tinignan ko ang screen nito para alamin kung sinong tumatawag bago ko ito sinagot.

"Sama ka?" bungad ni Tyron.

"Saan na naman?"

"Wow. BV siya. Wala sa mood?"

"Hindi naman. Saan ba?"

"Kasama ko kasi si Sharon. May bibisitahin kaming boutique. Maraming damit kasi duon kaya naisipan kong i-invite ka since fashion design ang major mo."

"May klase pa ako mamaya. 4PM pa labas ko rito. 12 pa lang."

"Mamaya pa raw 4PM labas niya." Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ko siyang magsalita. Mukhang may kasama siya ngayon. Mahina man, narinig ko ang boses ng isang babae na sinabing okay lang. "Hintayin ka na lang namin. Tapos after natin sa boutique, ihatid ka na namin sa studio."

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon