Patricia
"Hoy." Napalingon ako sa kumalabit sa akin. Nagsalubong kaagad ang mga kilay ko dahil hindi ko inaasahan na itong tao ang unang lalapit sa akin.
"Anong kailangan mo, Keera?"
Humalukipkip siya't pumunta sa tabi ko saka naglakad kaya napabuntong-hininga ako't nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bulletin board. Duon kasi makikita iyong list ng students na nakakuha ng mataas na marka per department. Hindi pa namin tinitignan sa website iyong scores namin dahil gusto namin malaman kung kasama ba kami sa top students at duon alamin kung ano ang score namin bago namin tignan sa website.
"Anong plano mo kay Jun? Don't tell me, hindi mo pa rin siya sasagutin? Aba, mag-se-second year na kayo rito at matagal na siyang may gusto sa iyo, hindi mo pa rin sinasagot."
"Bakit ba parang atat na atat ka sagutin ko siya? May gusto ka sa kaniya, hindi ba?"
"Anong gusto mo? Baragin ang ego ko para lang sa lalake?" Ngumisi siya't umiling habang nakatingin pa rin ng diretso. "Hindi ako naghahabol. Isa pa, crush ko lang naman ang Chinese na iyon."
"Bakit mo ba kasi tinatanong?"
"Para alam ko kung manggugulo ulit ako. So ano? Sasagutin mo ba siya o ano?"
"Sasagutin." Mas binilisan ko ang lakad ko para iwanan siya pero hindi siya nagpatalo. Binilisan niya rin ang paglalakad para masabayan ako. "Ano bang ginagawa mo? Last time I checked, ayaw natin sa isa't-isa."
"Gusto ko malaman kung kailan."
"Pati ba naman iyon?"
"Of course. So kailan?"
"Mamaya."
Hindi na siya nagsalita kaya inilabas ko na lang ang cell phone ko para mag-scroll sa newsfeed ng Facebook ko. Ang awkward kasi na hindi kami nagsasalita pero katabi ko siya habang naglalakad. Napahinto ako sa pag-s-scroll nang may makita akong post. It's a screenshot of a message.
I could get used to have mornings like this.
Iyan ang caption tapos sa ilalim niya, naka-screenshot ang message ko na Good morning. Good luck sa results tapos sa tabi ng picture ay may meme na Kermit the frog na naka-spread ang mga kamay at puno ng puso sa paligid.
Ang hilig talaga ni Lie Jun sa memes. Kung may major nga na memes, hindi na ako magtataka kung iyong ang kuhanin niyang degree. Lahat na lang kasi ng posts at shares niya sa Facebook, puro memes.
Pagkarating namin sa bulletin board, nadatnan namin ang tatlong itlog na nakikipagsiksikan rin sa kumpol ng mga estudyante para makita ang bulletin board. Napangiti ako't tumakbo palapit sa kanila. Sumunod naman si Keera at nakisiksik rin.
"Hi," bati ko kay Kuya Gavin dahil siya ang nasa tabi ko. Iyong dalawa, busy pa rin sa pagsipat sa bulletin board.
"Pat-Pat, nakita mo na pangalan natin sa board?" Napangiwi siya nang masagi siya ng ilan sa mga estudyante na nagsisiksikan rin.
"Not yet." Hinila ko siya dahil hindi kami makapasok kahit anong siksik ang gawin namin. Isa pa, naghahalo ang amoy ng mga estudyante at pawis ng mga ito. "Hintayin natin mabawasan iyong mga natingin."
Umalis kami sa kumpol at hinila paalis sina Keera. Parang sumabak sa gera ang itsura ng mga ito kaya natawa ako ng bahagya. Sinabi namin ni Kuya Gavin na mamaya na tumingin kaya tumambay muna kami sa likuran ng kumpulan.
Halos kalahating oras na nang mangalahati ang bilang ng mga estudyante kaya duon na kami tumayo't hinanap ang pangalan namin sa board. Ilang minuto ko rin hinanap ang sa akin dahil top 50 per department ang narito. Si Keera pa nga ang nakakita ng pangalan ko kaya hinila ako nito para lang ipakita.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...