Patricia
Bagsak ang balikat ni Lie Jun habang naglalakad kami pabalik sa bahay niya. Galing kasi kami kay Ate Nora para alamin kung anong kailangan nito sabihin tungkol sa mga magulang niya. Ang buong akala nga namin, makakusap na niya ito dahil biglaan ang pagpapatawag sa kaniya pero hindi magandang balita lang ang narinig namin.
Lumipat na naman raw kasi ito ng bahay. Naiintindihan naman namin na hindi ito imposibleng mangyari dahil may mga pinagtataguan ang mga ito pero hindi niya lang matanggap na hindi naniwala ang mga ito na gusto niya makausap ang mga ito noong araw na nagpunta ang kaibigan ni Ate Nora sa bahay na tinitirahan ng mga ito para makahingi ng contact info.
"That's okay. I'm sure na makakausap mo rin sila someday. Hindi lang kausap, makikita mo pa sila." Iniangat ko ang kamay ko papunta sa likod niya saka ito hinagod para kahit papaano ay mawala ang bigat ng nararamdaman niya.
"You think so?"
"I know so kaya cheer up."
"By Twice?"
"Alam mo, proud ako na na-convert kita sa pagiging Once pero utang na loob, 24/7 na yatang tumutugtog iyong mga kanta nila sa kwarto mo."
Nagkibit-balikat siya't nag-hum at kung hindi ako nagkakamali, More & More ang hina-hum niya. Napabuntong-hininga ako't sumunod sa kaniya.
One week from now, first anniversary na namin as a couple. I'm excited pero nitong mga nakaraang araw, naging mahirap para sa boyfriend ko. Marami kasing requirements na kailangang habulin tapos sumabay pa iyong pag-aabang niya ng balita tungkol sa mga magulang niya.
I've been extremely happy ever since naging kami. Walang araw na pinagsisihan ko na sinagot ko siya. Lahat ng puwedeng makapagpasaya sa akin, ginagawa niya at sobrang laki ng pasasalamat ko dahil ako ang nagustuhan niya kaya ako ang nakakaranas ng mga kabutihan at pagmamahal niya.
Despite the happiness, alam kong may pagtatampo pa rin siya sa akin up until now. Hindi niya man sabihin, alam ko ang nararamdaman niya dahil tago ang relasyon namin. Limang tao lang ang nakakaalam nito at iyon ay sina Kuya Gavin, Axel, Keera, Trista at Patch.
Kahit sila, nagtataka kung bakit ayaw ko ipaalam sa mga tao ang namamagitan sa amin ni Lie Jun pero kahit anong paliwanag ko, hindi pa rin nila ma-gets ang point ko, which is understandable kaya hindi na ako nakikipagtalo sa kanila pagdating sa bagay na iyon.
They've been constantly telling me na hey, mag-iisang taon na kayo, baka naman. At ang sagot ko? Hindi ko pa kaya ipaalam.
Buong 2nd year, paulit-ulit bukang-bibig nina Mama ang tungkol sa pakikipag-boyfriend. Ayaw pa nilang pumasok ako sa relasyon dahil gusto nilang mag-focus ako sa pag-aaral ko at sa pag-me-maintain ng grades. Sayang raw kasi ang scholarship ko.
Napatunayan ko naman na sa sarili ko na kaya kong pagsabayin ang pakikipagrelasyon at pag-aaral dahil kung anong grado ko noong unang sem, hanggang sa pagtatapos ng school year, ganuon pa rin. Minsan nga ay may kaonting pagtaas pa.
Siguro, nakakahalata na rin sina Mama dahil madalas akong pumunta sa bahay ni Lie Jun para tumambay pero hangga't wala silang sinasabi, hindi ko pinoproblema. Ang masama nga, iyong pabirong tanong noon ni Papa kay Lie Jun kung kami ba, isang malakas na hindi ang isinapaw ko dahil sa takot na mapagalitan at paghiwalayin kami.
I can't afford to lose him.
Kinagabihan, kinatok ko ang bintana niya gamit ang stick na mahaba. Napangiti na lang ako dahil suot niya ang dino onesie habang hawak ang cell phone. "Samahan mo ako."
"Saan?"
"Sa night market. Nag-c-crave ako sa melon."
"Are you pregnant? Wala pang nangyayari sa atin, ha?"
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...