5

52 3 0
                                    

Lie Jun

"I know." I sighed and placed my foot on the table then I reclined my swivel chair while looking at the window. Medyo nakakairita lang kasi ayoko talaga nakikipag-usap through landline. Ang hassle kasi nito. Pero wala naman akong choice kasi hindi sa akin ito at isa pa, kailangan ko ito dahil pang-contact ko ito kay Tita.

"Jun, alam mo na takot sa iyo iyong kaibigan ko."

I can't help but be annoyed with Gavin. Napaikot tuloy ako ng mata. "It's not my fault that she's clumsy."

"Puwede ko ba sabihin sa kaniya na hindi naman totoong—"

"Bakit, Gav? Hindi ba totoo iyong dahilan kung bakit sila takot sa akin? You of all people should know that."

"I'm just worried that she might do something stupid while you're with her. Sobrang clumsy niya. Baka kahit kaibigan ko siya pagbuhatan mo ng kamay. Baka sa takot niya, makagawa siya ng magpainit ng ulo mo."

"Then tell her to be careful."

"Bakit hindi na lang ako ang sumama sa kaniya para magpaayos niyan? Gusto mo lang naman i-ensure na hindi ma-fo-format iyan, hindi ba?"

"Gav, put this in mind: there are two reason why you shouldn't trust people. First is because you don't know them and second is because you know them. And that is why I don't trust you with my phone... because I know you."

"Fine. You got me. Just... just please don't be mean to her."

Hindi na ako sumagot at binabaan siya. Hindi ako makakapayag na mapunta sa kamay niya ang cell phone ko. Nalaman niya kasi ang password nito at alam kong papakielaman niya ito kung siya ang sasama sa kaibigan niya sa pagpapagawa sa cell phone ko. I can't let him see the stuff here.

If only I changed my password as soon as he knew what it is, I would've told him to go with his friend instead.

Ibinaba ko na ang paa ko saka ko tinignan ang kabuuan ng kwarto ko. Nang mailibot ko na ang paningin ko, ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at hinayaang bumagsak ang mga mata ko. Kinaumagahan, madilim pa lang ay umalis na ako't tumambay muna sa harap ng building ng department ko.

Medyo nagsisi lang ako nang maalala ko iyong pag-uusap namin ng kaibigan ni Gavin kahapon. Dapat pala mas pinaagahan ko ang pag-se-set niya ng oras pero magsisimba raw ito. No choice. Talagang maghihintay ako. Napahinga ako ng malalim dahil 6AM pa lang kaya ang ginawa ko, pumunta muna ako sa club room.

Walang tao rito kaya binuksan ko ang mga bintana para pumasok ang sariwang hangin. Nang mabuksan ko na ang mga ito, tinignan ko ang kabuuan nito dahil kahapon ay hindi ko masyado natignan ng maigi.

May apat na lamesa na nakapuwesto sa gitnang bahagi ng kwarto. Ang bawat lamesa ay may tig-aapat na upuan. Sa likod ng room, may dalawang drawer at sa gilid nito ay may dalawang locker. Puro poster rin ng pagkain ang nakapaskil sa ibabaw ng mga drawer. Ang iba sa mga ito ay mga picture ng club members sa ginagawa nilang pagluluto, na siguro ay activity. Sa harap naman ng kwarto ay may malaking white board na nakadikit sa pader at sa harap nito ay may lamesa't upuan.

I still can't believe that I'm officially a part of this club.

Inilabas ko muna ang mga notebook at libro ko dahil may kailangan ako aralin. Ito na lang kasi ang naisip kong paraan para magpalipas ng oras.

"Hi, Lie Jun. Good morning."

Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko na may nagsalita mula rito. Bilang respeto, tinanguan ko ng isang beses si Marian saka ko ibinalik ang atensyon ko sa isinusulat ko.

I'm contemplating whether I should fuck off or stay. It looks like she still doesn't know anything about me and I think that's good. As much as possible, ayokong makarating sa club na ito ang tungkol sa akin pero alam kong imposible dahil may isang tao na may alam ng mga tungkol sa akin at may posibilidad na ipagkalat nito ang balita sa mga ka-club namin.

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon