Patricia
Nakabuntot lang ako ngayon kay Lie Jun habang nakatungo. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Ang alam ko lang, kusang nasunod ang paa ko sa kaniya. Kinakain ako ng takot dahil matapos ko masira ang cell phone niya, kinuha niya lang ito sa lapag at nag-walkout siya.
Nakalabas na lang kami sa department nila, nakabuntot pa rin ako sa kaniya. Nang tignan ko ang langit, makulimlim kaya kahit gusto ko nang umuwi dahil baka umulan, hindi ko pa rin magawa. Kailangan ko pa rin siya makausap.
Pinanghahawakan ko ang ideyang hindi niya ako sasaktan dahil kaibigan ako ng kaibigan niya kahit na sa loob-loob ko, takot na takot ako.
Kung hindi lang siya kailangan ng cooking club, hindi ako bubuntot na parang aso sa kaniya. Nag-message na rin ako ka-club ko pero wala pa sila nakukuha. Ngayon ko lang rin naisip na sana pala nagmaakaawa ako sa isa sa mga ka-block ko pero huli na ang lahat. Nakakainis kasi sana nag-isip muna ako at hindi pinairal ang desperasyon. Hindi naman na ako makapag-backout sa pangungulit sa lalakeng ito kasi nandito na ako, eh.
May ilang estudyante na napapatingin sa amin, probably mga estudyanteng may alam ng mga balita tungkol sa kaniya. Ang iba ay sa akin talaga tumitingin. Siguro iniisip nilang biktima ako nitong sinusundan ko. Ang hindi nila alam, ito ang biktima ng katangahan ko.
Nakarating kami sa cafeteria na kinainan ko kanina. Pumunta siya sa counter para um-order at nang makabili, binitbit niya ang tray na puno ng pagkain papunta sa isang pahabang lamesa habang ako, nanatiling nakatayo sa harap ng counter, nakasunod lang ang tingin sa kaniya. Seryoso ang mukha niya. Para bang malalim ang iniisip niya dahil ni isang ekspresyon ay walang nakapinta sa mukha niya.
"Miss, bibili ka ba? Miss? Hoy, Miss?"
Naputol ang tingin na ibinabaon ko kay Lie Jun nang may kumalabit sa akin. Nakangiti ng bahagya ang babaeng kumalabit sa akin saka itinuro ang tindera sa counter. Nang tignan ko ito, nakasimangot lang ito sa akin habang nakahalukipkip.
"S-Sorry. Ano po iyon?"
"Bibili ka ba?"
Dali-dali kong hinugot ang wallet sa shoulder bag ko saka ako bumili ng bottled water. Nakakahiya naman kasi kung nakaabala ako tapos hindi ako bibili. Nahihiyang nagpasalamat ako sa tindera saka ako lumapit sa lamesa ni Lie Jun.
Nakatitig lang siya sa pagkain niya habang nakahalukipkip at nang iniangat niya ang tingin niya, kinilabutan ako dahil sa ginawang pag-irap nito. Normally, hindi ako matatakot sa ganito dahil sanay ako sa mga kapatid kong palagi nang-iirap kapag iritable pero sa lalakeng ito, kinilabutan ako. Siguro dahil na rin alam ko ang mga bagay-bagay patungkol rito.
"Lie... Lie Jun..."
Itinuon niya ang atensyon sa pasta na binili niya saka ito kinain pagkakuha niya sa tinidor sa gilid ng plato niya. Parang mas lalo siya nawalang ng balak na kausapin ako kaya siguro, dapat na rin ako sumuko. Maaga na lang ako papasok para pumunta sa dorm ng mga ka-block ko kapag wala pa rin nakukuha ang mga ka-club ko. Naubos niya na lang ang pasta niya, hindi pa rin niya ako tinatapunan ng tingin. Sunod na kinain niya ay iyong salad.
"Patricia?" Napatingin ako sa kaliwa ko dahil sa pagtawag sa akin ng taong lumapit sa table namin. Tumayo ako dahil ito iyong lalake na ipinakilala sa amin ng prof namin kanina.
"Kuya." Tumango ako ng isang beses saka ko siya nginitian ng bahagya. "Hello po."
"Bakit narito ka pa rin? Ang sabi sa akin ni Ms. Rathana, hanggang 5PM lang kayo ngayon. Around the campus ba ang dorm mo?" Binalingan nito ng tingin si Lie Jun, na tumigil sa pagkain, saka nito inilahad ang kamay. "Hi. I'm Arthur. Senior sa fashion dep." Hindi ito pinansin ni Lie Jun kaya nahihiyang binawi nito ang kamay. "Right." Ibinalik nito ang tingin sa akin saka ngumiti. "May payong ba kayo? Mayroon akong isa rito. Mag-share na lang kayo kung wala kayong dala."
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...