29

40 3 0
                                        

Lie Jun

"Patricia?" I sighed nang hindi pa rin niya ako pinansin. Naupo ako't niyakap ang mga hita ko para magkasya sa loob. Ang hindi ko lang inaasahan, umupo rin siya't tumabi sa akin. Naramdaman ko ang paggalaw niya at sunod ko na lang nagawa ay napapikit dahil sa pagbukas niya ng flashlight sa cell phone niya. Inilapag niya ito sa pagitan namin at tulad ko, nakayakap rin siya sa hita niya. "Can you talk to me? Baka ikulong ulit tayo rito kapag nalaman nila na hindi tayo nagkaayos."

Ipinatong niya ang baba niya sa mga tuhod niya saka tumitig sa pintuan. "Galit ka pa rin ba sa akin?"

Napakurap ako ng ilang beses nang magtanong siya. I was expecting for us to remain silent for another few minutes. "I'm pissed off, of course."

"You must hate me now, huh."

"I'm pissed off and upset but I can't bring myself to hate you."

Pumikit siya't bumuntong-hininga. "Okay lang kahit magalit ka sa akin. Maiintindihan ko naman."

"Bakit? Alin ba sa mga ginawa mo ang dapat maging rason kung bakit dapat ako magalit sa iyo?"

"Iniwan kita right after you confessed. I felt like shit nang malaman ko na first kiss mo ako. That time kasi, parang hindi ko matanggap na nawala na nga first kiss ko, sa kaibigan ko pa na nag-confess sa akin. Napaisip ako, naging manhid ba ako? Bakit hindi ko nahalata na may gusto ka sa akin? Paano ko maiaalis iyong lungkot na mararamdaman mo kasi alam ko kung gaano kasakit iyon dahil pinagdaanan ko na iyan kay Kuya Gavin. Ang dami ng bagay na umiikot sa isip ko na hindi ko alam kung anong dapat unahin."

Isinandal ko ang ulo ko habang nakatingin pa rin sa kaniya bago ako nagsalita. "Akala ko galit ka sa akin kaya iniiwasan mo ako. Kaka-confess ko lang kasi tapos hinalikan pa kita. I know na out of the line na iyong ginawa ko kasi hindi naman tayo pero hinalikan kita and I'm sorry for that."

"Lie Jun... do you know how hard it is for me na iwasan ka? Ang lungkot ko kapag ginagawa ko iyon. Araw-araw, iniisip ko, sana makapag-move on ka na para bumalik tayo sa dati. Sana, kapag naka-move on ka, tulad ng nangyari sa amin ni Kuya Gavin, maging magkaibigan pa rin tayo. And I know na hindi ka masaya sa ginawa ko kanina. Tingin mo pa lang, parang gusto mo na akong patayin." We both chuckled as I remember what happened earlier.

"Yeah. Gusto kita bangasan kanina. Alam mo iyon? Binubugaw mo ako sa iba kahit alam mo na ikaw iyong gusto ko."

"Alam ko kasi na hindi mo siya papatusin. I'm sorry about that. And to be honest, maling info ang mga ibinigay ko kay Kate kasi nga alam ko na hindi ka kakagat sa request niya. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit sa loob-loob ko, ayaw kong may ibang makakakilala sa iyo tulad ng pagkakakilala ko sa iyo."

Wait. If that's the case, wouldn't that mean she likes me? Hindi ko kasi makita iyong point kung bakit siya magdadamot sa iba pagdating sa akin kung wala naman siyang gusto sa akin. Pero ayoko mag-expect hangga't hindi nanggagaling sa bibig niya ang mga gusto ko marinig.

Bakit pala ako maghahangad na sabihin niyang gusto niya rin ako kung hindi ko nga siya i-pu-pursue? I already told myself that I won't get in a relationship until I'm old enough and once I gathered enough money to fix my family issues first.

But I'm curious. I wonder why she's being selfish to others when it comes to me?

"Bakit mo naman ako ipagdadamot? Ayaw mo ba ako magka-girlfriend?"

"Bakit ba ito pinag-uusapan natin?" matawa-tawang tanong niya. "Pero okay ka na—"

"Don't even try changing the topic. Gusto ko malaman kung bakit, Patricia."

Sumandal siya't tumingala. "Hindi ko rin alam."

"That's not what you would normally feel for a friend. May I ask you this? May gusto ka ba sa akin?"

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon