Lie Jun
Another week passed at kahit late na, nag-submit pa rin ako ng application para sumali sa math club. Iyon na lang naisip ko dahil hindi ako sporty para sumali sa sports club, crafty para sumali sa arts club and I'm not musically inclined or magaling um-acting para sumali sa music at theater club. There are other clubs pero ayoko nang tignan lahat dahil math club na lang ang nakikita ko na pinaka-less hassle.
Matapos ko magpasa, naglakad na ako pabalik sa department ko. Maaga pa pero kailangan ko mag-review dahil malapit na ang finals. Pagkarating ko sa room namin, halos kalahati pa lang ng block ko ang nadatnan ko. Bumati naman ang mga ito saka bumalik sa kani-kanilang ginagawa. Most of them are reviewing and some of them are just goofing around.
Okay na rin kahit papaano iyong hita ko kaya hindi ko na kailangan magsaklay. Iyong mukha ko, may mga pasa pa rin pati na ang katawan ko. Ang mata ko na napuruhan noon, medyo bumukas na pero para pa rin akong kirat dahil halos nakapikit pa rin ito.
Inilabas ko muna sa bag ko ang mga libro na kailangan ko aralin pati na ang mga notebook na kakailanganin ko saka ko sinimulang magbasa. Hindi pa man rin ako nakakatagal nang may natanggap akong text. Kinuha ko sa gilid ng desk ko ang cell phone ko saka ko tinignan kung sino nag-message at nakita ko ang pangalan ni Kate.
"Hi, Jun. Good morning. Puwede ba kita makausap? May kailangan lang ako sabihin."
I sighed then lazily replied my whereabouts. I can already tell that she's going to confess. Kahit naman hindi nito sabihin, alam ko na may gusto ito sa akin. Bumalik na lang ako sa pag-aaral at hinintay ito dumating. She's a good person pero hindi ko siya gusto as a partner kaya ayoko man, I'll have to break her heart.
Ever since umingay ang pangalan ko in a good way, may mga babae na nagpaparamdam na gusto nila ako. Not to sound too conceited pero alam ko naman na may itsura ako tapos gumanda pa katawan ko. Matangkad rin ako kaya kapag sumali pa ako sa basketball club, baka pagkaguluhan na ako.
I want to be as lowkey as possible. I hate drawing attention pero sa mga pinaggagagawa ko, talagang makakakuha ako ng atensyon.
"Nandiyan po ba si Wang Lie Jun?" napaangat ako ng tingin at tinignan ang pintuan. Nakatayo ruon si Kate kaya tumayo ako.
Itinuro ako ng mga ka-block ko kaya nilingon ako nito. Isinara ko muna ang libro at notebook ko saka ko ito nilapitan. "What is it?"
"Puwede ba na sa ibang lugar tayo?" I shrugged as a response. Tumingin siya sa kaliwa saka may hinawakan ruon. Nagsalubong ang mga kilay ko nang may kamay na siyang hawak at nang hilahin niya ito para masimulang makapaglakad, natigilan ako kasi si Patricia ito.
What is she doing here?
Sumunod lang ako sa kanila sa paglalakad. Iniisip ko kung tama ba ako ng hinala, na mag-co-confess si Kate pero ang ipinagtataka ko, kung mag-co-confess ito, bakit kasama pa si Patricia?
Nakarating kami sa dulo ng corridor. Wala namang tao rito at walang nagkaklase sa room na nasa tapat namin. Sumandal si Patricia sa pader ng classroom at si Kate, nanatiling nakatayo sa harap ko. Halos isang minuto na kaming nakatayo kaya naisipan ko na magsalita.
"So...?"
"Uhhh... ano..." Tumawa siya ng mahina saka nilaro ang dulo ng buhok niyang nakalugay. "Jun... kasi gusto ko lang sabihin na noong una, totoo na natatakot ako sa iyo dahil bukod sa mga balitang kumalat, nakakatakot pa ang aura mo. Gusto kitang lapitan para kaibiganin pero pinangungunahan ako ng kaba. Iyong paghanga ko sa iyo kasi gwapo ka, hindi ko napansin na lumalalim na pala." Humugot siya ng malalim na paghinga saka pumikit. "Gusto ko lang sabihin... gustong-gusto kita. Alam ko na hindi mo pa ako gusto pero, puwede ba kita maging boyfriend?"
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...