43

24 3 0
                                    

Lie Jun

Sinamaan ko ng tingin ang dalawang lalake sa harap ko. Ang isa ay ngumisi at ang isa naman ay sinamaan rin ako ng tingin. "Para kayong mga tanga. Pinapunta ko kayo rito hindi para mag-iwasan, ha?"

Nasa tapat kami nina Axel at Gavin ng tech department habang nakaupo sa damuhan. Para nga kaming nag-pi-picnic dahil sa mga pagkain na pinalilibutan namin. Hindi naman mataas ang sikat ng araw dahil makulimlim ngayon. Maulap pero mukhang hindi naman uulan.

"Ano ba kasing mayroon at nagpatawag ka ng meeting?" tanong ni Gavin saka kumuha ng isang pack ng chips. Binuksan niya ito at kumuha ng isa rito bago ipinasak sa bibig niya.

"I-set aside niyo muna kung ano man iyang pinag-aawayan niyo." Dinuro ko sila habang pinanglalakihan ng mata para malaman nilang seryoso ako. "Ayaw pa kasi ipaalam kahit sa akin kung ano ba pinag-awayan niyo."

"Oo na. Oo na. Ano ba kasing kailangan mo?" Tulad ni Gavin, kumuha rin si Axel ng chips sa gitna at binuksan ito.

I took a deep breath bago ko itinukod ang dalawang palad ko sa damuhan. "Gusto ko na maging legal kami ni Patricia."

"Not sure kung makakatulong kami sa bagay na iyan." Napatingin ako kay Gavin dahil sa sinabi nito. "Alam mo naman na natatakot si Pat-Pat na sabihin sa parents niya ang tungkol sa iniyo, hindi ba? Kaonting tiis na lang naman, kapag naka-graduate na kayo, masasabi niya na iyon."

"I don't have any problem if she wants me to wait. Ang sa akin lang, dalawang taon na kami yet she can't fight for me? Kapag pinaghiwalay kami, pipilitin ko matanggap kami ng mga magulang niya. I know she loves me pero hindi ko maialis sa akin iyong tampo kasi bakit parang hindi niya ako kayang ipaglaban sa parents niya? Ayoko minsan isipin pero minsan, bigla ko na lang maiisip kung mahal niya ba talaga ako."

"Ito na naman tayo sa love problem mo." Sinamaan ko ng tingin si Axel bago ko hinablot ang isang piraso ng jelly ace at ibinato ito sa kaniya. "Boy naman kasi. Kalalake mong tao, ganiyan pinoproblema mo."

"Bakit? Kapag lalake ba, wala nang karapatang mamroblema sa love life? Ginagaya mo pa mindset ng ibang mga tao. Itakwil kaya kita bilang kaibigan?"

"Okay. Sorry. Chill. Hindi lang kasi talaga ako sanay sa mga ganito." Kumuha siya ng ilang piraso ng chips sa hawak na lalagyan bago ito kinain at nilunok. "May naisip ako."

"Ano iyon?"

"Bakit hindi ikaw mismo magtanong sa mga kapatid niya? Kunyari, crush mo siya tapos plano mo ligawan. I'm sure naman na papayag ang mga iyon kasi hindi ba, medyo close ka naman sa mga iyon? Tapos kapag nakuha mo na ng husto loob nila, isunod mo naman mga magulang niya."

I've been thinking about that pero kinakabahan akong i-execute. I thought of doing that since our first anniv. I want to respect my girlfriend's decision and consider her feelings. Ano bang malay ko. Baka kapag ginawa ko iyon at hindi ako payagan ng pamilya niya na mangligaw, magalit siya sa akin at duon niya pa ako hiwalayan dahil sa hindi ko pagrespeto sa decision niya.

Pero nakakaloko lang kasi. I've been her boyfriend since we ended our first year college so I have every right para mag-demand na maipakilala niya ako bilang boyfriend sa pamilya niya. Kung tutuusin, she should be thankful that I'm asking her to formally introduce me to her family.

Pakiramdam ko kasi, parang unti-unti ko siyang kinukuha sa pamilya niya. At least kapag naipakilala ako, may consent. Kaya nga kapag nag-me-make out kami sa kwarto niya habang nasa katabing kwarto lang ang pamilya niya, nakukunsensiya ako. Totoo na hindi ko na halos siya bitawan kapag nagdidikit kami pero napipigilan ko naman sarili ko.

And yeah. That's right. Kung gusto ko may mangyari, dapat akong kumilos.

Inubos lang namin ang mga pagkain sa harap namin at dumiretso na sa gym. Naruon na sina Keera, Patricia, Sharon at Tyron at hindi ko lang nagustuhan ang pakikipagtawanan ng girlfriend ko sa katabi nito. Kaya ang ginawa ko, pagkakitang-pagkakita ko sa dalawa ay pumagitna ako't inakbayan siya habang nakatingin sa kausap niya.

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon