50

26 3 0
                                    

Patricia

Hindi pa man kami nakakapagbihis, pinasunod na kaagad kami nina Mama sa bahay ni Ate Nora. Nakayukong sumunod kami hanggang sa bahay nito at ang bumungad sa amin ay ang bothered na expression nito.

"Pasok kayo." anito saka gumilid para makapasok kami.

Kinuha ni Lie Jun sa akin ang dala kong bag at folder saka ito inilapag sa gilid ng pintuan kasama na ang mga gamit niya. Pinaupo kami sa pahabang upuan habang sina Papa, Mama at Ate Nora ay nakaupo sa mga isahang upuan na nasa magkabilang gilid ng inuupuan namin.

Nagsusunod-sunod na ang paghinga ko ng malalim dahil sa matinding kaba. Hindi ko alam ang kalalabasan ng pag-uusap na ito pero sana maganda ang resulta. Tinawag ni Ate Nora ang anak saka ito pinaghanda ng tubig. Sumunod ito at inilapag ang tray na may lamang mga baso at pitsel ng malamig na tubig. Nang makita ko ang paglabas ni Papa sa cell phone niya, napapikit na ako't hinintay ang sasabihin niya.

"Ano ito, Patricia?" malamig na tanong niya. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata para tignan ang tinutukoy niya at sa screen ng cell phone niya, nakadisplay ang picture namin ni Lie Jun na naghahalikan.

"Pa..." Mas pinili ko na lang na huwag magsalita dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko para malusutan ito. Nabablangko ako na hindi ko alam kung may tama bang salita na lalabas sa bibig ko. Ang ginawa ko, kinurot-kurot ko na lang ng patago ang daliri ko sa pagbabakasakaling magising ako't panaginip lang ito.

"Bakit kayo magkahalikan?" tanong ni Mama at hindi ko alam kung ano ba ang tinatanong niya o ang katabi ko. "Sumagot nga kayo."

"Kayo ba?" Walang sumagot sa amin kaya ikinagulat ko ang sunod na ginawa ni Papa. "Sumagot kayo!" sigaw niya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko saka ako tumango. Mas dumoble ang kaba na kumakain sa dibdib ko dahil ngayon lang ako pinagtaasan ng boses ni Papa ng ganito. Parang may apoy sa upuan ko kaya gusto ko nang tumayo rito at tumakbo para bumalik sa kwarto ko at magkulong.

Narinig ko ang pagtikhim ni Lie Jun at ang paghawak niya sa kamay ko kaya napatigil ako sa pagkurot sa daliri ko. "K-Kami po."

"Jun, bakit hindi ko alam?" tanong ni Ate Nora.

"Sorry po..."

"Kailan pa naging kayo?"

Pinisil ni Lie Jun ang kamay ko matapos magtanong ni Mama, siguro tinatanong kung sasabihin ba o ano. Hindi ko alam. Sa lagay namin ngayon, kailangan na namin ito aminin kasi kapag nagsinungaling pa kami't nalaman nila ang totoo sa ibang tao, mas magagalit sila.

Huminga ako ng malalim at sinalubong ang tingin ni Mama. "Pag... Pagkatapos po ng first year namin."

"Bago pa kayo mag-second year, may relasyon na kayo?!" gulat na tanong ni Papa na siyang tinanguan ko. "Jun, kailan lang, nag-usap tayo tungkol sa anak ko! Ikaw pa nakiusap na huwag sabihin na may gusto ka sa anak ko tapos malaman-laman ko, matagal nang kayo?!"

Napatingin ako kay Lie Jun dahil sa sinabi ni Papa. Anong ibig nito sabihin? Nag-usap sila? Kailan pa? "Nag-usap kayo?"

Tinanguan ako nito bago ibinalik ang tingin kay Papa. "I'm sorry po. That time po kasi, gustong-gusto ko na maging legal kami sa iniyo dahil ang tagal na naming tinatago ang relasyon namin. Hindi ko naman po gusto magsinungaling. Sadyang kinakapa ko lang po kung anong magiging reaksyon niyo sa mga sinabi ko noon."

"Pero nagsinungaling kayo! Bakit hindi niyo kaagad sinabi?! Pinagmukha niyo kaming tanga na wala kaming kaalam-alam na kayo pala habang nagpupunta kayo sa kani-kaniyang kwarto! Ano bang malay namin sa mga pinaggagagawa niyo kapag naiiwan kayong dalawa na walang kasama?!

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon