42

37 3 0
                                    

Patricia

"Ano ba iyon?" pabulong na reklamo ko habang nakapikit pa rin. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa unan at hindi na lang pinansin ang sumusundot sa braso ko. "Inaantok pa ako."

"Bao Bei."

Nang marinig ko ang boses ng boyfriend ko, nagmulat na ako't ininda ang antok ko. Kaagad ko siyang nilingon kahit pa alam kong sabog ang buhok. Wala naman sa kaniya ito. Isa pa, normal na sa kaniya na makita na hindi nakaayos ang buhok ko dahil ilang beses niya na akong ginising.

"Alam mo, sasabihin ko na talaga kina Mama na i-ban ka sa bahay namin."

Tinawanan niya ako ng mahina bago yumuko para taniman ako ng halik sa noo. "Bumangon ka na. May ibibigay ako sa iyo."

Sinimangutan ko siya't hinila ang kumot para maitalukbong sa sarili ko. "Ibibigay pangbawi kasi may kasalanan?"

"Not really. Gusto ko lang talaga bigyan ka."

"So you're not sorry sa ginawa mo kahapon?"

"Okay. I am. Sorry, okay?" Hindi ako sumagot at mukhang hinihintay niya rin ako magsalita dahil tahimik lang siya. Isang minuto yata kaming naghihintayan at nang hindi siya nakatiis, inialis niya ang kumot sa akin at hinila ako paupo kahit na yakap ko pa rin ang unan ko. "Forgive me?"

"Bakit ka kasi hindi nag-message man lang? Pinag-alala mo ako."

"That's why I'm sorry. Sorry for making you worry. I can explain." Tumango ako't sinuklay ang buhok ko para kahit papaano naman umayos ang itsura ko. Itinaas niya ang kamay sa gilid ng mata ko kaya napapikit ako. Napangiti na lang ako ng maliit dahil tinanggal niya ang morning glory ko. "Lowbat ako kahapon. Naiwan ko charger ko. Hihiram nga sana ako ng kahit powerbank para maka-charge pero puro iPhone lang ang chord ng mga nakausap ko. Wala akong napakiusapan sa barkada kasi nagmamadali kami ni Sharon makapunta sa Myoui dahil may project na ibibigay sa akin. I was too excited to even visit your class to inform you."

"I see." Ibinagsak ko ang sarili ko sa kaniya't niyakap siya kaya ang mukha ko, nakalapat sa dibdib niya. "I-ensure mo nga na lagi mo dala charger mo kapag umaalis ka ng bahay."

Ipinatong niya ang kamay sa ibabaw ng ulo ko saka ito hinaplos ng paulit-ulit. "I will. Promise. Pero umayos ka kasi baka biglang may pumasok. Hindi ko ini-lock ang pintuan ng kwarto mo dahil ayoko namang mag-isip sila ng kung ano kapag sinubukan nilang pumasok rito."

"I want to stay like this."

"Then let's tell them about us. At least in that way, hindi sila magugulat kapag nakita ka nilang nakayakap sa akin."

Napatigil ako sa planong paghigpit ng yakap sa kaniya dahil sa narinig ko. Unti-unti, kumalas ako't umayos ng upo. Wala akong maisip na isagot sa sinabi niya kaya naisipan ko na lang na ibahin na ang usapan. "By the way, ano pala iyong sinabi mo na ibibigay mo?"

Mahinang tumawa siya saka kinamot ang batok. I felt his disappointment pero wala naman akong magagawa. Kapag umamin ako kina Mama, baka paghiwalayin lang kami and I don't want to happen.

Tumayo siya't nilapitan ang study table ko. Napaikot na lang ako ng mata nang itinuro niya ang sangkatutak na folder rito. "Ta-da."

"Seriously? Pangbawi mo sa akin, mas maraming work load? Imbis na matuwa ako, nanggigil ako."

He laughed kaya sinamaan ko siya ng tingin. "I'm just joking. Ito kasi." Mula sa magkakapatong na folder, may kinuha siyang sobre dito saka muling umupo sa kama. Ibinigay niya ito sa akin na may ngiti sa mukha. "Open it."

Nawala na ang pagkaka-seal nito kaya mukhang nabuksan niya na ito. Sinilip ko ito at nanglaki ang mga mata ko bago saka ko ibinalik sa kaniya ang tingin ko. "Seryoso?" Kinuha ko ang laman nito at tinignan ang mga picture. Set ng photos ito na may tatak na Myoui sa ilalim. Hindi tulad ng mga naunang picture na ipinakita niya sa akin noon, mas magaganda ang kuha niya rito at mas maayos ang mga damit na suot. Mukha ring professional ang kumuha ng mga ito. At bukod sa mga picture, may pera din na nakapaloob sa sobre.

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon