Patricia
It's been a week since the school started at ngayon lang ako nakatanggap ng message sa cooking club para sa processing ng application ko. And so far, I'm loving it here. Sobrang bait ng mga ka-block ko. Some of them are even generous since nagdala sila ng mga pagkain para maipamigay sa blockmates ko, including me of course.
Nag-inquire na rin ako for the scholarship. Next week, magpapasa ako ng application for an interview and hopefully, matanggap ako. May tiwala naman ako sa grades ko dahil matataas ang mga ito so on that part of the requirement, alam kong okay na ako. Ang kailangan ko na lang maipasa ay ang ibang hinahanap nila.
Tumigil ako sa paglalakad sa hallway at tinignan ang room name sa itaas ng pinto bago ko tinignan ang cell phone ko, just to make sure na tama ang kwartong itinuro sa akin ng mga napagtanungan ko. I smiled nang makumpirma kong tama ito bago ko itinago ulit ang cell phone sa bag ko. Kinatok ko ang pintuan at ilang saglit lang nang bumukas ito. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng lalakeng nakausap ko sa booth noong nag-register ako.
"Hi!" Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto saka ako hinawakan sa pulso at hinila papasok. "Nandito na siya!"
Umalis sa harap ng lamesa nila iyong apat na nasa booth dati saka ako nilapitan. Halata ang saya sa mukha nila dahil sa pagdating ko habang iyong iba na hindi ko kilala, probably mga new recruit nila ay pinanunuod lang ang ginawang pagdumog sa akin habang nakangiti.
"Akala namin talkshit ka!" nakangising sinabi ng babaeng naka-bob cut saka hinawakan ang magkabilang kamay ko. "Thank God, dumating ka."
"Hindi naman ako ganuon." Tinawanan ko sila saka ako kumalas sa pagkakahawak nito. "So paano pala iyong process ng application ko? May kailangan ba akong ibigay sa iniyo?"
"Nothing really." Napatingin kaming lahat sa lalakeng nagbukas ng pinto para sa akin kanina. "For formality lang iyong interview so it's not really necessary to do that. May fi-fill up-an ka lang na form para maipasa namin." Tumingin siya sa kasama nilang lalake. "Jackson, pakuha naman ng form sa drawer."
Tumango ito at pumunta sa likod ng room. May dalawang magkatabing drawer duon na nakasandal sa pader. May kinuha itong papel mula rito saka bumalik sa amin at ibinigay ang hawak sa nag-utos.
Matapos ko ito sulatan ay nagpakilala sila isa-isa at ipinakilala na rin nila ako sa iba pa. Matapos ang pagpapakilala, pinapunta muna nila ako sa isa sa mga lamesa kaya tinabihan ko si Kate. Nagkumpulan silang lima at hindi ko maiwasang magtaka kasi mukhang bothered sila base sa ekspresyon nila.
"May problema ba sila?" tanong ko sa katabi ko.
"Parang kanina pa nga sila problemado. Hindi naman kami makapagtanong kasi baka personal."
Nabalik ang tingin naming lahat sa lima nang pumalakpak ng isang beses si Tina. Naka-lineup sila sa harap at tulad kanina habang nag-uusap-usap sila, may lungkot sa mukha nila.
"Guys, we have a problem. Kasi bukas, kailangan na namin maipasa iyong final list ng members and as you can see, 9 pa lang tayo rito. To keep this club alive, we need to have 10 members. Ang deadline na ibinigay sa amin ay until tomorrow morning. Gusto namin i-fake na lang iyong credentials ng final member pero natatakot kami na baka mahuli kami. We're desperate right now because we want to be here until we graduate. We know that you guys are new but we badly need your help to get one member."
Inilibot ko ang paningin ko at iyong hinahanap ko, hindi ko pa rin nakikita. Itinaas ko ang isang kamay ko kaya napunta sa akin ang atensyon nila. Ibinaba ko ulit ito bago nagsalita. "May napansin lang kasi ako. Tanda niyo iyong araw na nag-apply ako? May lalakeng sumunod sa akin. I was just wondering kung bakit wala pa siya rito. Hindi ba siya tumuloy?"
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...