7

45 3 0
                                    

Lie Jun

She isn't that bad.

Iyan ang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko matapos namin maghiwalay ni Patricia. Masaya rin ako kasi maayos na ang cell phone ko. Sa totoo lang, kung may pera naman ako, ako na lang ang nagpaayos nito pero hindi naman ako mayaman kaya kahit ayoko makasalamuha ang kaibigan ni Gavin, tinuloy ko pa rin.

But then again, she isn't that bad.

Kaya nga kahit medyo nag-aalangan, niyaya ko pa rin siya na makipaglaro sa akin. Kahit siguro hindi ko na burahin sa isip niya iyong takot sa akin, gusto ko lang isipin niya na I'm not that bad of a person.

Sa kagustuhan kong mag-umaga kaagad, hindi ako nakatulog ng maaga. Ang rami kasi ng pumapasok sa isip ko na kung ano-ano. Ang aga ko pa man rin nahiga para makatulog kaagad pero nauwi sa 2AM ang pagtulog ko.

Nang magising ako, cell phone ko kaagad ang tinignan ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil 6AM pa lang. Kahit antok pa lang ay bumangon na ako dahil baka makatulog ulit ako. Napahikab ako pagkaalis ko sa kama saka nag-stretch. Nagbanyo na rin muna ako para magmumog at maghilamos saka ako naghanda ng almusal.

Nang maihanda ko na ang mga kakainin ko, itinabi ko sa gilid ng plato ang cell phone ko. Naka-open na rito ang AOV ko at hinihintay ko na lang na mag-online si Patricia. Inubos ko na rin ang dalawang baso ng kape ko dahil baka antukin ako.

Nang mag-6:45AM na ay tinignan ko ang friend list ko at napangiti nang makita kong online na siya. Mag-me-message na sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko kasing mag-isip siya ng kung ano. Baka sabihin niya, hinihintay ko talaga siya kaya naglaro na lang muna ako ng isang beses para makita niyang in-game ang status ko.

After the match, pinindot ko kaagad iyong chat dahil may red dot ito, indicating a new message. I saw her IGN and immediately composed a reply.

PatPat: Hi. Kanina ka pa?

Chocnut: Not really. Kaka-online ko lang and I just played a match.

PatPat: Laro na tayo?

Chocnut: You better not feed.

We played all throughout the day at natapos lang kami ng maggagabihan na. Ang tanging pahinga lang namin ay lunch para masulit ng husto ang event. Medyo nagugulat lang ako sa kaniya dahil despite being a girl, she knows how every role work in AOV and it's amazing that she's good at every hero. Lumabas tuloy na binuhat niya lang ako para tumaas ang rank. Napaisip nga ako kung sinwerte lang ba ako noong nag-1 on 1 kami.

Maaga ako gumising kinabukasan para mag-bike. Naging routine ko na kasi ito sa tuwing papasok ako at madilim pa lang ay umaalis na ako.

I'm looking forward to seeing Patricia. I want to thank her for playing well yesterday since I wasn't able to. Pagkasabi niya kasi kagabi na kailangan niya na umalis, biglaan na lang siya nawala. Ang hirap kasi makahanap ng kakampi na marunong sa MOBA kaya gusto ko talaga magpasalamat.

Matapos ang 30 minutes na pag-ba-bike, pumunta ako sa IT department at ipinarada ang bike ko sa gilid nito. Sinigurado ko muna na nakakandado ito bago ako pumasok. Kakaonti pa lang ang estudyante dahil maaga pa at ipinagpapasalamat ko naman iyon dahil ayoko masira ang mood ko kapag binato nila ako ng mga tingin na hindi ko magugustuhan.

Naglaro at umiglip lang ako saglit sa rooftop dahil mamaya lang ay may klase na ako. Nang tumunog ang alarm ng cell phone ko, inayos ko na ang sarili ko saka ako bumaba. Kinuha ko ulit ang bike ko at sinakyan ito.

May isang oras pa ako kaya nagpalipas ulit ako ng oras sa pag-ba-bike. Ang akala ko nga, hindi ko makikita si Patricia pero nakita ko siyang naglalakad habang may yakap-yakap na mga libro. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nag-ba-bike at nagsalubong ang mga mga kilay ko dahil hindi niya man ako pinansin.

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon