Patricia
"May tanong ako." Nag-angat si Lie Jun ng tingin saka tinignan ang itinuturo ko sa notebook ko. "Nakalimutan ko formula nito. Paano nga ito?"
Kinuha niya iyong notebook sa akin saka ito in-analyze. Napasandal ako't napapikit dahil kanina pa nangangalay ang likod at leeg ko sa maghapong pagtungo namin. Wala kasi kaming pasok ngayon pero heto kami't nag-re-review dahil finals na bukas.
"Patricia?" pagkuha niya sa atensyon ko matapos ang ilang segundo. I heaved a sigh bago ko tinignan ulit ang notebook ko. "Inilagay ko na iyong formula diyan." Gamit iyong ballpen niya, tinuktok niya iyong part na isinuot niya sa notebook. Kinuha ko pabalik iyong notebook ko at tinignan ito bago sinimulan ulit ang pag-re-review.
Tatlong oras na yata kami rito sa library at sa buong oras na pag-s-stay namin ay para kaming magkagalit dahil hindi kami nagpapansinan. Hindi lang kami ang tao rito dahil ang ibang estudyante ay narito rin. Bawat table ay tahimik at lahat ng nasa loob ng library ay hindi nag-uusap-usap. Tanging paglipat lang ng pahina ng mga libro ang halos maririnig rito.
Nasa gilid namin sina kuya Gavin at Axel, na tahimik lang rin sa pag-aaral. Hindi mo nga aakalain na loloko-loko ang dalawang ito dahil seryoso sila sa pagbabasa. Usually kasi, napakaingay nila.
Sobrang draining nitong mga nakaraang araw dahil sa araw-araw na pag-re-review namin. Mas gugustuhin ko naman ang ganito kaysa bumagsak ako. Gusto ko pa makakuha ng scholarship next school year kaya dapat, lahat gawin ko para ma-maintain o mapataas pa ang grades ko.
Naging supportive rin sa amin si Mama dahil lagi ako nito pinababaunan ng pagkain na para sa aming apat. Alam kasi nito na malapit ako sa tatlong itlog na ito. And speaking of Mama, gustong-gusto ito makausap ni Lie Jun tungkol sa pangliligaw sa akin.
Ang sabi ko naman sa kaniya, ayos lang kahit hindi na sabihin kina Mama. Sasabihin naman balang-araw kung sakali pero habang nag-aaral, parang hindi magandang ideya na malaman ng pamilya ko na may boyfriend ako.
At oo, plano ko siya sagutin. Sa kagustuhan niya pa lang na ipaalam kina Mama na gusto ako ligawan, iyon pa lang, katibayan nang wala siyang masamang intensyon. Isa pa, kilala ko naman siya. Alam ko na kahit hot-headed siya, mabait siyang tao.
Hindi siya mahirap mahalin. Pinakikiramdaman ko rin ang sarili ko kung ano na ba ang nararadaman ko sa kaniya and I ended up with: I like him.
Napagtanto ko ito noong araw na nag-la-lunch kami noong isang linggo. Sobrang kati ng mga kamay ko na hawakan ang mukha niya kaya ganuon ang ginawa ko. Nagtaka siya noong una pero hinayaan niya ako nang sabihin ko na huwag siya gumalaw.
That day, gusto ko i-absorb lahat ng puwede ko i-memorize sa mukha niya; mga mata niyang singkit, ang hindi gaano kakapal niyang kilay, ang bangs niyang tumatakip sa hindi ganoon kalapad niyang noo, ang labi niya at ang ilong niya, na sobrang prominent, na kapag tinignan mo siya ay ito kaagad ang mapapansin mo.
Plano ko siyang sagutin kapag natapos na ang school year. Gusto ko kasi na mag-focus muna kami sa nalalapit na finals bago kami pumasok sa relasyon. Baka kasi mas mag-invest kami ng oras sa isa't-isa kaysa pag-aaral namin. Hindi sa sinasabi kong hindi mahalaga ang oras namin sa isa't-isa. Talagang gusto ko lang i-prioritize ang pag-aaral namin dahil may scholarship kaming dapat alagaan at grade na dapat i-maintain o pataasin.
"Saan tayo mag-la-lunch?" tanong ko sa kanila saka ko inisantabi ang lapis ko. Ayoko kasi gumamit ng ballpen. Baka marumihan lang ang notebook ko dahil sa pagbubura ko.
"Sa tapat na lang nitong lib. Sa may damuhan." sagot ni Axel habang nakatutok sa pagsusulat sa papel niya. "Kailangan natin bumalik ulit. Hindi pa ako tapos rito."
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...