61

23 3 0
                                    

Patricia

Medyo kinakabahan ako habang naglalakad papunta sa bahay ni Ate Nora. Gusto ko kasi malaman kung may specific day ba na gaganapin ang operation para hulihin o imbistigahan ang mga nasa watchlist. Gusto ko kasi makasiguradong prepared kami. Ayoko namang makita ang boyfriend ko na isang araw, nakabulagta na lang sa loob ng bahay niya o sa kalsada.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay nito, napatigil ako't napaisip. Malamang kasi ay magalit sa akin si Lie Jun kung sakaling tanungin ko ang tiyahin niya tungkol sa watchlist. Ibig sabihin kasi nuon ay sinabi niya sa akin ang sikreto nila.

Frustrated na tumalikod ako't naglakad pabalik sa bahay ko. Bumalik na lang ako sa pagtulong kay Mama sa pag-aasikaso sa mga customer niya sa eatery para ma-distract ako't mawala sa isip ko ang mga pinoproblema ko kahit papaano. Nakakabaliw na kasi.

Kahit ayoko siyang umalis, kailangan niya nang lumipad papuntang China kasi baka maunahan pa siya ng mga pulis. Wala pa man rin kami ideya kung kailan siya pupuntahan ng mga ito para kwestyunin.

Pagkaakyat ko sa kwarto ay ibinagsak ko ang katawan ko sa kama saka ko tinignan ang bank application sa cell phone ko. Kagabi ko pa iniisip na i-transfer kay Lie Jun ang kulang sa pera niya pero alam kong pagtatalunan lang namin. Hiyang-hiya na rin kasi talaga ang isang iyon sa akin dahil sa dami ng naitutulong ko. Pero dapat ko pa ba intindihin kung magalit siya sa akin? Ang dapat namin pagtuunan ng pansin ay iyong kaligtasan niya.

I still have half a million on my account na nanggaling sa kung ano-anong TV guestings at endorsements ko. Sobra pa ito kung tutuusin para matapos na ang problema niya pero hindi naman kasi birong halaga ang hawak ko. Kung sa akin lang, ayos lang na ibigay na ito sa kaniya kasi kikitain ko naman ito sa profession na mayroon ako. Ang iniisip ko lang, baka magtaka sina Mama kapag nalaman na wala nang laman ang bank account ko.

Let's say na tinanggap ni Lie Jun ang tulong ko tapos umalis siya, baka mai-link nila ang scenarios kasi saktong nawalan ako ng pera tapos umalis ang boyfriend ko. Malalaman at malalaman nilang napunta rito ang pera ko.

Pero sabagay. Sariling pera ko naman ito. Bahala na. Gagawa na lang ako ng paraan para hindi nila mabungkal ang tungkol sa pera ko. Huwag lang sana magkaroon ng kung anong emergency na kakailanganin naming gumastos ng malaking pera.

Malalim ang iniisip ko habang nakatingin sa cell phone ko nang biglang may tumawag kaya nabitawan ko't nalaglag sa mukha ko ang cell phone. Bumangon ako kaagad at hinimas ang mukha ko, checking kung dumugo ba ang ilong ko pero hindi naman. Ibinalik ko ang tingin sa cell phone ko para i-check ulit kung sino tumawag, only to find out na si Tyron ito.

"Ano na naman iyon?!" singhal ko rito pagkasagot ko sa tawag.

"Bakit galit ka na naman sa akin?" matawa-tawang tanong nito. "Wala pa nga akong ginagawa."

"Bakit ka ba kasi napatawag?"

"Bago ka magbunganga, pumunta ka sa simbahan sa Bayan. Nandito kami ngayon ni Jun."

"Himala't magkasama kayo. Pero bakit ako pupunta?"

"Pumunta ka na lang para malaman mo."

"Whatever. Wait lang." Binabaan ko na siya ng tawag saka ako tumayo't nagbihis ng maayos dahil naka-sando at cotton shorts lang ako.

Nang makarating ako sa simbahan, hinanap ko pa sila at nakita ko sila sa labas nito kung saan naroon ang mga pinagtitirikan ng mga kandila. May shed duon at nakaupo sila sa isang bench. Hindi ko gusto ang nakikita kong itsura ng boyfriend ko kaya nilapitan ko kaagad sila para siguraduhing hindi ako namamalik-mata.

"Sabi ko naman sa iyong huwag mo na papuntahin." reklamo ni Lie Jun habang nakatungo.

"Ilang beses mo na ba sinabi iyan? At saka, gago, girlfriend mo iyan. Dapat niya malaman nangyari sa iyo. Besides, kahit hindi naman natin sabihin, malalaman at malalaman niya rin kasi tignan mo nga itsura mo."

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon