Patricia
Balik sa pagiging strangers ang pagtuturingan namin ni Lie Jun and the cold war went on for another 2 weeks. Akala ko nga unti-unti ay nag-wa-warm up na siya sa akin pero mali ako. At bukas na ang examination kaya itong last day namin ay mas nagbabad kami sa pagbabasa ng libro.
Gusto ko nga sana magsama ng iba pa pero walang nagpasa ng application sa mga ka-block ko. Ayoko kasing naiiwan kasama sina Kuya Gavin at Lie Jun simula nang magtalo kami sa club room. Una, imbis na nakakapag-review ako, iniisip ko kung binanggit ba ng anak ni Hudas iyong tinanong ko patungkol sa kaibigan nito. Pangalawa, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapag-focus dahil kinikilig ako kapag tumatabi sa akin si Kuya Gavin sa tuwing mag-re-review kami.
And yes. Alam kong masama pero sa isip ko, tinatawag ko nang anak ni Hudas si Lie Jun dahil ang sama-sama niya. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi sana malalaman ng mga ka-club namin na may crush ako. Maliit na bagay dahil lahat naman nagkakaroon ng taong gusto nila pero ako kasi, ayoko na nalalaman ng iba na may crush ako. It doesn't really make any sense pero ganuon ang nararamdaman ko.
"Pat-Pat, can you teach me how to do this?" Inilapit sa akin ni Kuya Gavin iyong notebook niya na may equation kaya ibinaba ko muna ang hawak kong libro at kinuha ang lapis sa gilid ko. Nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko ang pagtawa ng mahina ng anak ni Hudas kaya tinignan ko ito. Nakatingin rin ito sa notebook ni Kuya Gavin.
"Anong nakakatawa?"
"Hindi sa mayabang pero ang dali niyan."
"Ang yabang mo." Inirapan ko siya't itinuon ang atensyon sa notebook. "Huwag kang iiyak kapag hindi ka nakapasa bukas."
"Tell that to yourself, Cortez."
Hindi ko na lang siya pinansin at tinulungan ang katabi ko. Kung papatulan ko kasi siya, masisira lang ang araw ko. Hindi ko alam sa kaniya kung bakit minsan, ang tindi niya mang-inis kapag nag-re-review kami pero mas madalas naman, para siyang walang bibig kasi ni isang salita, walang nalabas rito.
Naging normal na rin kay Kuya Gavin na dedmahin kami kapag nagtatalo kami. Nagtaka nga ito kasi parang ang close raw namin simula nang mag-college kami kaya minsan, tinatawanan ko na lang siya kasi paano niya nasabing close ako sa kaibigan niya kung lagi ko itong kaaway?
Kinabukasan, parang binugbog ang utak ko dahil ang ilan sa mga item sa questionnaires ay hindi kasama sa mga nai-review namin. Most of it ay alam ko kaya medyo confident ako na makakapasa ako. Hiwa-hiwalay kaming tatlo ng room na pinag-exam-an at nang pumalo sa 3PM ang kamay ng orasan, pinapasa na sa amin ang mga papel at pinalabas.
Hinintay ko sila sa hallway at ang una kong nakita ay si Kuya Gavin. Kinawayan ko ito't sinamahan ako nito sa paghihintay sa kaibigan niya. Nang lumabas ang hinihintay namin ay nakita kong salubong ang mga kilay nito at parang may iniisip kaya umandar ang pagiging masamang tao ko.
I want to take revenge.
Humalukipkip ako habang nakangisi at nang makalapit ito sa amin, binigyan ako into ng tingin na may pagtataka. "How's the exam?"
"Okay?"
"Why don't we play a game, Lie Jun?"
"Game? Sali ako!" pagsapaw ni Kuya Gavin.
"Kuya, para lang po ito sa mga may doubt na papasa sila."
"Ako? May doubt?" Bumuga ng hangin si Lie Jun saka humalukipkip. "What game?"
"Kung sinong bagsak, bibigyan ng wish ang mananalo."
"What if parehas tayong pasado?"
"Then pataasan ng score."
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...