36

19 3 0
                                    

Patricia

"Good morning." bati ko pagkapasok ko sa room namin. Bumati naman pabalik ang mga ka-block ko. Naupo ako sa tabi ni Trista na busy sa pag-da-drawing sa bond paper. Pagkasabit ko ng bag sa sandalan ng kaharap na upuan, tinignan ko ang idina-drawing niya. "Hindi ka pa rin tapos sa plates? Akala ko ba okay ka na?"

"Kung sinabi ko sa group chat natin na hindi pa ako tapos, aawayin na naman ako ni Patch. Alam mo naman iyon. At saka, dalawa na lang naman kulang kong designs at may idea naman ako na ako kung ano ida-drawing ko."

Nagkibit-balikat ako't tinignan si Kaycee na nakatayo sa harap ng white board, tinitignan ang mga nakapaskil na plates. "Kaycee," pagkuha ko sa atensyon nito. "Nasaan si Miss Rathana?"

"Hindi ko rin alam. Wala pa siyang advise sa group chat natin. Wala naman siyang sinabi na ma-le-late siya."

Sumagot na lang ako ng okay saka ko inilabas ang cell phone ko mula sa bag. Nag-message ako kay Papa na pakisara ang blinders ng bintana ko kasi hindi ko ito naisara. Baka uminit sa kwarto kapag tanghali na dahil sa liwanag na papasok rito. Imbis na ito ang mag-reply, tumawag si Kuya Kendrick sa akin kaya lumabas ako ng room para sagutin ang tawag nito.

"Umalis ka kaagad." inis na bungad nito.

"Wala man lang hello?"

"Arte nito. Pinatatanong ni Mama kung sasama ka raw ba sa birthday ni Travis."

Napasinghap ako, as in OA na sinaghap kasi ang tagal ko nang hindi nakikita ang pinsan naming iyon. "Sasama ako, syempre!"

"Incest ka."

"Excuse me. Naka-move on na ako kay Kuya Travis."

"If I know, hanggang ngayon, crush mo pa rin iyon."

"Tse! Basta sabihin mo kay Mama, sasama ako. Hindi na nga ako nakasama last year, eh. At saka na-mi-miss ko na sina Ate Izzy, Kuya Dane at Tristan! Byers!"

Sinabihan niya ulit ako ng incest kaya binabaan ko na lang siya't masayang sumandal sa railing. Nag-message na rin ako kay Miss Rathana, asking kung nasaan na siya. Pupunta muna kasi ako sa music club kung sakaling hindi siya papasok. Wala siyang reply kaya nakiusap ako kay Trista na tawagin ako kapag dumating na ang prof namin.

Habang naglalakad ako papunta sa katabing department kung saan naruruon ang club room namin, nakasalubong ko si Keera. Sumama ito sa akin dahil wala pa raw siyang klase kaya binitbit ko na rin siya papunta sa club ko.

Hindi ko nga lang inaasahan ang naabutan namin. Nakatayo kasi si Lie Jun at Axel sa harap ng club room habang nakatingin sa president ng music club. Kaagad kaming pumasok ni Keera at nakita namin ang ilan sa mga ka-club ko na nasa gilid ng room habang nakatingin sa kanila.

"Anong mayroon?" tanong ni Keera pagkalapit namin sa dalawa.

"Kaibigan mo ba ang dalawang ito, Patricia?" tanong ni Lisa, iyong club president. Hindi pa man ako sumasagot nang magsalita ulit siya. "Puwedeng pagsabihan mo? Bigla-bigla silang sumusugod rito."

"Ano bang nangyayari?" kunot-noong tanong ko rito saka ko tinignan si Lie Jun. "Huy."

"Baguhin mo pamamalakad mo rito. Abusado ka." mariing sinabi niya sa kausap. "Nandito ka para patakbuhin ng maayos ang club na ito, hindi iyong nagpapasarap ka lang."

"First of all, hindi kita ka-club kaya paano mo nasabing mali ang pamamalakad ko? Nandito ka ba kapag may club activities? Wala, hindi ba? Huwag ka magbato ng baseless accusations sa akin lalo pa't wala kang ebidensiya."

"Hindi mo ako ka-club pero alam ko ang mga nangyayari dito. I assume you know me. Huwag mo akong sinasagad dahil nananakit ako ng babae."

"Ganiyan ba talaga kayong mga Chinese? Masyadong matapang kahit wala sa lugar? No wonder pati Pilipinas, inaangkin niyo. At oo, kilala kita. Sino nga ba namang hindi makakakilala sa iyo? Kadikit na ng pangalan mo ang droga at violence, hindi ba? Hindi ko nga alam kung ginagawa mo lang front ang pagiging top student mo para pagtakpan ang mga ginagawa mo."

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon