Patricia
Kinuha ko ang baso ng smoothie sa lamesa at humigop sa straw nito. Hindi rin ako makatingin ng diretso kina Kuya dahil kinakabahan ako sa itatanong ko. Busy pa rin sila sa pag-uusap habang hinihintay namin sina Mama dumating. Nauna kasi kaming tatlo umalis dahil may inasikaso pa sina Papa at Mama.
Dito muna kami tumambay sa smoothie shop na katapat ng pupuntahan naming restaurant habang naghihintay at simula nang umalis kami sa bahay, plano ko nang itanong at tignan kung ano ang magiging reaksyon nila kapag tinanong ko kung puwede ako magka-boyfriend.
We never really talked about guys kaya wala akong ideya kung papayag ba sila o ano pero protective sila pagdating sa akin kaya hindi imposibleng magalit at isumbong nila ako kahit pa topic lang i-open ko at hindi ipaalam na may boyfriend na talaga ako.
Pagkalapag ko pabalik sa lamesa ng hawak kong baso, huminga ako ng malalim at unti-unting itinuon ang paningin ko sa kanila. Pareho silang tumatawa habang pinag-uusapan ang kung anong video na nakita nila. Lumunok muna ako't ipinagdaop ang mga palad ko.
"May tanong ako." Si Kuya Kendrick ang naunang tumingin sa akin at sinundan naman ito ni Kuya Billy. "Uhh... give me your honest opinion."
"Ano ba iyon?" tanong ni Kuya Kendrick matapos magsalubong ang mga kilay niya.
"I'm already 20, right? Next next month, birthday ko na tapos 3rd year college na ako."
"Tapos?"
"Let's say... may lalakeng interesado ako?"
"May crush ka?!" gulat na tanong ni Kuya Billy. "Anong pangalan niyan?!"
"Wala! Let's say nga lang, hindi ba?!"
"Patricia, huwag mo akong pinagtataasan ng boses, sinasabi ko sa iyo! Hindi ka magtatanong ng ganiyan kung wala kang crush!"
Tinignan ni Kuya Kendrick ng masama ang katabi saka ito tinapik sa braso para patigilin. "Hinaan mo nga boses mo. Hindi lang tayo nandito sa shop."
"Kendrick, iyong kapatid mo, may crush tapos parang wala lang sa iyo?"
"Normal lang sa tao magka-crush. Kahit bata, nagkakaroon ng crush. At anong kapatid ko? Kapatid natin." Bumuntong-hininga siya saka ako tinignan. "May crush ka?"
"Kuya Kendrick, sabi ko, let's say."
"Pero tama si Billy; hindi ka magtatanong kung wala. Sino ba iyan?"
I sighed in defeat dahil ang illogical nga naman na magtatanong ako ng ganuon kahit wala pa akong crush. "Hindi naman sa crush... interesado lang."
"Parehas lang iyon." He clicked his tongue saka sumandal at humalukipkip.
"Naisip ko lang kasi... 20 na ako pero wala pa rin akong boyfriend. Should I get one?"
"Kutos gusto mo? Ang bata-bata mo pa." pagsabat ni Kuya Billy kaya sinimangutan ko ito.
"Bakit gusto mo magka-boyfriend?"
Ibinalik ko ang tingin kay Kuya Kendrick dahil sa tanong niya. "Kasi gusto ko."
"Pero hindi mo naman kailangan."
"Pero gusto ko."
"Hindi mo kailangan." mariing sinabi niya. "You have me, Billy tapos nandiyan pa si Papa kaya para saan pa na mag-bo-boyfriend ka?"
"But I want to kiss a boy."
"Okay. Una, nakakadiri. Pangalawa, nakakasuka."
"I... I've kissed boys before." Parehong nanglaki ang mga mata nila sa kasinungalingan sinabi ko. I don't know what came into me when I said that. Sa kagustuhan kong ma-convince silang hayaan ako sa gusto ko, nagsinungaling pa ako.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomansaCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...