Patricia
"I... I don't think I'm ready to let someone else know—"
"Wala ka bang tiwala sa akin?" pabulong na tanong ko.
"Let's be honest, Patricia. Kailan lang tayo naging malapit sa isa't-isa. It's normal for me not to give you my full trust and I know you're like that, too."
He has a point. Kahit ako, may kakaonting doubt pa rin sa kaniya pero gusto ko siya maging kaibigan. Gusto kong ituloy iyong mga nagagawa namin hanggang magkaroon kami ng sari-sariling pamilya. It's rare to find true friends kaya kahit alam ko ang itinatago niyang sikreto, I won't let it slip out of my mouth.
"I want to know you better, Lie Jun. I'd love to be your friend. As a matter of fact, kaibigan na nga ang turing ko sa iyo. Hindi kita kukulitin na magkuwento sa akin but I hope, once I earn your full trust, you'll tell me. Ang gusto ko lang mangyari sa ngayon ay mag-ingat ka dahil baka mino-monitor ka na ng mga pulis. Hindi biro ang droga and I know you know that."
"I will. Alam ko ang ginagawa ko. I hope you won't change the way you see me."
Tumango ako't binigyan siya ng ngiti. "Baka na-drain kita emotionally." Nilapitan ko iyong mug niya saka ako bumalik sa harap niya. Ibinigay ko ito sa kaniya at tinanggap niya naman ito ng may ngiti sa mukha. "Ubusin mo na. Magpahinga na tayo."
Inubos niya ang laman ng mug niya saka ito ibinigay sa akin. "Thank your mom for me."
"Sure. Sige. Good night na." Pumihit na ako paharap sa pintuan pero hinawakan niya ako sa braso kaya napatigil ako sa paglakad. "Ano iyon?"
"I just want to thank you again and let you know that I don't use drugs."
"That's good to hear. Thank you for letting me know."
Kinabukasan, after ng lunch, hinanap ko si Ms. Rathana. May gusto kasi ako itanong nang maalala ko kanina ang napag-usapan namin ni Lie Jun. Wala pa kasi akong number nito kaya hindi ko ito matawagan o mai-text man lang.
Marami pa akong pinagtanungan dahil wala ito sa classroom na ginagamit namin kapag klase na namin sa kaniya. Good thing naman at may ka-block ako na kasama ito kaya dumiretso ko sa nasabi nitong lugar.
Kumatok ako sa faculty room bago ko ito binuksan. Bumati ako sa mga prof na nakita ko bago ko tinungo ang ka-block kong si Joy at si Ms. Rathana na nag-uusap habang nakaupo sa harap ng lamesa.
"Patricia," bungad nila sa akin na may ngiti sa mga mukha.
"What can I help you with?" tanong ni Ms. Rathana saka ako sinenyasan na umupo sa kaharap na upuan ni Joy.
"May request lang po sana ako." Inilapag ko sa kandungan ko ang bag na nakasabit sa balikat ko. "Gusto ko po sanang gumamit ng materials para sa gagawin kong onesie. Naubusan po kasi ako ng tela sa bahay."
"I see. But you are aware that we have a limited budget for our materials. As much as I want to allow you... I can't."
"Ganuon po ba? Sige po." Tatayo na sana ako't handang magpaalam nang hawakan ako ni Joy sa pulso habang nakatingin sa prof namin.
"What if siya na lang gawin mong representative, Miss?"
"Representative?" tanong ko rito pero hindi nila ako binalingan ng tingin at nanatiling nakatitig sa isa't-isa habang nakangiti. "Ano pong ibig niyo sabihin?" This time, napatingin na siya sa akin.
"I think I can give an exemption. I will allow you to use our materials, Patricia."
"Talaga po?! Nako, thank you po!"
"But I have to ask you something first. Hindi naman siguro patas kung ikaw lang makikinabang."
"Ano po ba iyon?"
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (Completed)
RomanceCompetitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush niyang si Gavin. Hindi niya lubos akalin na pati ang kaibigan nito ay sa kaparehong univ rin pumasok. Wala siyang problema kung pareho pa s...