18

47 3 0
                                    

Patricia

The morning after, medyo nabawasan na ang pananakit ng katawan ko. Just like yesterday, nagmadali na naman ako sa pagpunta sa univ habang bitbit ang portfolio ng designs ko. Sinubukan kong tawan si Lie Jun pero hindi siya sumagot kaya nag-iwan na lang ako ng message sa kaniya na nauna na akong umalis. Mamaya pa naman ang klase niya kaya hindi naman siguro siya magtatampo kung mauna man ako.

Pagkarating ko sa parking ng univ, ikinandado ko kaagad ang bike at kinuha ang mga gamit ko sa basket nito. Nakakainis kasi bakit nakalimutan kong may morning lecture kami ngayon? Kung naalala ko lang rin na mag-alarm, sana hindi ako nagmamadali ngayon.

Pagkatingin ko sa oras sa cell phone ko, napamura na lang ako dahil kahit bilisan ko, late na ako. Pagkarating ko sa classroom, naruon na silang lahat. Pagkaapak ko nga sa doorframe, nagtinginan silang lahat sa akin. Ang hindi ko kinaya ay ang tingin ni Ms. Nocom. Nakataas ang kilay nito habang nakahalukipkip kaya mas kinilabutan ako. Terror kasi ito.

"What time are you supposed to be here, Ms. Cortez?"

"7AM po, Miss."

"I know that you're an outstanding student but you know I don't tolerate tardiness."

"Sorry po, Miss." Napatungo ako't napahigpit ang hawak ko sa folder ko. Nakakahiya kasi.

Pinapasok niya na ako't dumiretso ako sa tabi ni Trista na pinipigilan ang pagtawa. Sinimangutan ko siya't pasimpleng kinurot sa tagiliran pero hindi siya nakasigaw dahil alam niyang siya naman ang masa-sample-an ni Ms. Nocom kapag gumawa siya ng ingay.

Wala naman talaga kami dapat na morning class pero sa kagustuhan ng prof namin na pumasa kami dahil ang block namin ang maraming mahina sa math, nag-take siya ng extra mile para lang matutukan kami. Hindi ako ganuon kagaling sa math kaya na-a-appreciate ko ang ginawa ng prof namin. Mabait naman ito, sadyang strict lang kaya nabansagang terror.

Pagkatapos ng dalawang oras na lecture, lumabas kami para i-take ang isang oras na vacant namin. Iniwan ko na muna ang mga dala kong pagkain sa room dahil hindi naman ako nagugutom. After this vacant ay saka pa lang magsisimula talaga ang legit na schedule namin. Hindi ko nga lang alam kung bakit hinila ako ni Trista papunta sa boy's dorm pero nagkaideya ako na tungkol na naman sa lalake ito.

Pinaupo niya ako sa bench habang nakatayo naman siya sa harap ko at ang mga mata niya, nakatutok sa entrance ng dorm. May iilan na tumitingin sa amin, sa akin habang nakangiti kaya nginingitian ko rin ang mga ito.

Mukhang totoo iyong sinabi nitong babae na ito tungkol sa mga lalakeng may gusto sa akin, ah?

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil nang tignan ko si Trista, nakita kong kumakaway siya sa kung sino na nasa entrance. Nang tignan ko ang direksyon nito, nakita ko si Lance na nakangiting nakatingin sa amin.

"Kailan pa kayo naging close?" tanong ko sa kaniya pagkatayo ko sa tabi niya.

"Huwag ka nga. Buti nga gumagawa ako ng paraan para magka-boyfriend ka na."

"Ah, ganuon?"

"Shh. Quiet."

"Kanina pa kayo?" tanong ni Lance pagkalapit sa amin.

Hindi ko siya masyadong tinignan kahapon pero ngayong kitang-kita ko ang kabuuan niya, I can say na sobrang good looking niya. Medyo moreno at naka-clean cut ang buhok niya. If I'm not mistaken, 6 footer siya. Mukha rin na alaga sa gym ang katawan niya. He has not that thick set of eyebrows and long lashes, just like Kuya Gavin and Lie Jun's. What surprised me is that he has dimples.

Ganuon ba ako ka-absorbed sa pag-iisip ng maraming bagay at hindi ko napansin ang cute na feature na ito ni Lance?

He's wearing the black and yellow na varsity jacket ng Eclaire and white jogging pants. Naka-sneakers rin siya kaya napaisip ako kung mag-jo-jogging ba siya o ano.

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon