Part One

3.5K 79 4
                                    

Simula na naman ng bakasyon! Sigurado akong ito na naman ang pinaka mahaba at nakakatamad na panahon sa buhay ko! Mabuti sana kung pinapayagan ako ni mama na gumala o kaya magbakasyon sa kung saan, outing for short, pero HINDI!

"Shai! Sasama ka ba? Pupunta kami sa bukid!" Ayan na naman si mama, nagaaya na namang pumunta sa bukid! Ang init kaya dun tapos lagi pang walang signal! Mas gugustuhin ko pang mabulok dito sa bahay kesa naman masunog dun kela lola.

"Mama, alam niyo naman pong ayoko dun." I plug my earphones and listen to music. Mas nakakarelax talaga kapag nakikinig ka ng music, mas nakakarelax siguro kung nasa gitna ako ng beach at umiinom ng shake. Mangitim man ako, masaya naman.

"Bumangon ka na dyan! You'll come with me whether you like it or not!" Hinatak ni mama yung earphones ko kaya rinig na rinig ko yung bawat salitang sinambit niya! Bakit ba kasi kailangan pa kong sumama?

"But mama!"

"No buts young lady! Gumayak ka na! Pagbalik ko aalis na tayo!" Agad ng lumabas si mama sa kwarto ko. Kahit ayaw kong bumangon wala akong magagawa! Siguro kung nandito si papa papayagan ako nun sa kahit anong gusto kong gawin. Well, certified daddy's girl ako. Napakaspoiled ko kay papa dahil one and only child nila ako, the same reason why mama was so strict.

"Are you ready?" Sigaw ni mama. I'm still preparing what to bring. Ipad, check. Headphones, check. Cellphone, check. Okay! I guess I'm ready. Isinukbit ko na ang shoulder bag ko at lumabas na sa kwarto.

"Hurry up Shai! Your lola is waiting for us. Alam mo namang miss na miss ka na nun!" Aligagang aligaga si mama sa kakacheck sa bahay. Bawat saksakan chinecheck nun, ganyan siya karesponsible.

"Pupunta din dun yung mga tita mo pati mga pinsan mo. You should bond with them para naman di puro gadgets ang hawak mo. Ewan ko ba dyan sa papa mo kung bakit panay ang bili sayo ng gadgets, wala namang magandang naitutulong. Nagiging introvert ka na!" Ayan na naman si mama at ang kanyang walang kamatayang sermon. Thank you talaga sa modern technology at nagagawa kong tumakas kahit papano. Hinalungkat ko yung bag ko at kinuha yung headphones ko tsaka isinaksak sa iPad ko then ta-da, my sweet escape!

Nakatingin lang ako sa bintana, masarap sa pakiramdam ang bumyahe. Gustong gusto ko talagang magjoy ride ang kaso wala talaga akong chance. Gusto ko lang yung feeling na parang I'm free.

Last vacation inaaya ako nila Kuya Neal-cousin ko sa father's side. Mas kaclose ko kasi yung cousins ko sa father side, medyo hindi kasi nagkakalayo ang age naming magpipinsan. I have 5 kuyas and 3 ates, I'm the youngest kaya ako lagi ang kailangan pa nilang ipagpaalam, tho 18 years old na ko bunso pa rin ang turing sa akin. Anyways, my cousins kasi sa mother side ay malalayo tsaka kung hindi may asawa mga nasa abroad nagwowork na, ganun din naman sa side ni papa ang kaso they still manage to get together.

Nakita kong tumigil na kami sa tapat ng isang lumang bahay. Ang bahay ni lola. Tinanggal ko na yung headphones ko at inayos na ang sarili. Well Shai, ito na naman ang biggest challenge mo ang magsurvive sa wilderness. Tumawa ako dahil sa kalokohang pinagiiisip ko.

Pumasok na kami sa loob. Agad kaming nilapitan nila tita at inaya kaming puntahan si lola sa may likod bahay. Mahilig tumambay si lola sa likod kasi naman nandun yung taniman niya.

"Shai, punta ka dun sa kubo nandun sila Tina." Agad naman akong pumunta sa kubo. Dito ako laging tumatambay kapag sinasama ako ni mama. Yung pinsan kong si Tina dito din madalas.

"Cous!" Binati ako ni Tina pagkakita niya agad sa akin. Nagulat ako ng makita si Ate Phoem na nakaupo din sa kubo. Bago to a.

"Buti naman dumating ka na. Mabuburo na ko dito lalo na't yan ang kasama ko. Panay ang text di mo makausap." Reklamo ni Tina.

"Nainggit ka na naman! Tara na kasi, bibigyan kita ng katext."

"Ayoko nga. Wala akong tyaga sa mga ganyan." Umupo si Tina at kinuha yung libro niya. Si Ate Phoem naman panay pa rin ang text, at tumatawa pa habang nakatutok sa phone niya.

Ang boring talaga. Hindi ko na talaga to kaya! Kahit nakapasak na yung headphones ko sa tenga ko hindi pa din ako mapakali. Napakainit pa!

"Uy. Anyayare sayo?" Tanong sa akin ni Ate Phoem. Umiling naman ako bilang tugon. Bumalik na naman si Ate sa ginagawa niya. Mukhang ligayang ligaya pa siya at mukhang hindi man lang nabobored sa sitwasyon namin ngayon.

"Kanina mo pa ko tinitignan ha." Napaayos ako ng upo.

"Nacu-curious lang ako. Ano ba yang pinapanuod mo at mukhang kanina ka pa nasisiyahan?" Tumawa siya ng malakas! Wala namang nakakatawa sa sinabi ko a?

"Cous, hindi ako nanunuod. Nakikipagtext ako. Ayokong mabored dito kaya heto na lang pinagkakaabalahan ko." Tumango naman ako. Binalik ko na ang atensyon ko sa iPad ko at naghanap ng magandang kanta. Chineck ko yung phone ko pero wala namang nagtext. Tinignan ko ulit si Ate Phoem at mukhang ang dami niyang katext.

"Hay nako. Walang mangyayari kung tititigan mo lang ako. Tignan mo yung phone mo may pinasa akong number sayo. Itext mo na dali!"

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon