"Shaira!!" Patakbong lumapit sa akin si Ayi. Nagyakapan kami at sobrang sabik na sabik sa isa't isa. Sobrang tagal din naming hindi nagkita. Nakita ko si Vinz na lumapit naman kela Wax.
Hinatak ako ni Ayi papunta sa lamesa kung saan nakaupo na ang lahat. Nakita ko si Coreen na malaki na ang tyan. Lumapit siya sa akin at nakipagbeso beso. Kasunod din niyang lumapit si Ashton.
"Oy ninang ka daw sa anak ni Coreen." Bungad sa akin ni Ashton. Umupo si Coreen sa tabi ko habang nakaupo djn sa kabilabg gilid ko si Ayi at nakatayo naman sa likuran ko si Ashton.
"Ninong ka din Ashton kaya maghanda ka din ng ireregalo mo. May ilang buwan ka pa para magipon." Nagtawanan kaming lahat. Hindi nagkatuluyan si Ashton at si Coreen, akala pa nga namin magkakalamat ang barkada dahil doon. Pero hindi na naman dahil maganda naman ang paghihiwalay nila.
Close pa din sila gaya ng dati. Kung hindi nga namin to kakilala mapagkakamalang si Ashton ang atay nung dinadala ni Coreen. Yung husband naman ni Coreen ay nasa automotive industry.
"Kamusta na kayo ni Vinz?" Tanong sa akin ni Ashton. Nangiti na lang ako habang titignan si Vinz na kasalukuyang nakikipatawanan kay Wax at Paul. Siniko ako ni Ayi at inasar nila.
"Kayo hanggang ngayon mapangasar pa din." Sobrang swerte ko kay Vinz dahil hindi niya ako pinabayan sa panahong kailangan ko ng karamay. Tsaka kung wala siya, wala din si Andrei sa buhay ko.
"Shaira!" Sigaw ni Wax. Lumapit sila sa amin at nakipagbeso beso. Sobrang ingay pa din ng barkada dahil syempre kay Wax. Hindi pa din siya nagbabago, siya pa din ang pasimuno sa lahat ng kalokohan.
"Paul kamusta na yung baby mo?" Tanong ni Coreen kay Paul. Si Paul ang pinakaunang nagkaasawa sa amin, siya na din ang unang nakapagbuo ng pamilya. Si Coreen naman ang pangalang ikinasal habang si Wax naman ay may girlfriend.
"Ayun naglilikot na. Sobrang pasaway kaya ayokong iniiwan sa misis ko kasi ako nga hindi kinakaya e yung misis ko pa ba." Natawa naman ng malakas si Wax.
"Manang mana pala sayo yung anak mo e." Nagtawanan din kami ng katukan ni Paul si Wax.
"Anong nagmana sa akin? Sa tuwing naglilikot nga yun, ikaw ang naaalala ko." Tawanan lang kami ng tawanzn habang naghaharutan si Wax at Paul. Dati si Paul ang taga awat pero ngayon sila na lagi ang nagaasaran.
"Ang dami na nating napagkwentuhan wala pa din si..."
"Hi guys!"
"Charles!" Nagsitayuan ang mga boys at nilapitan si Charles, maliban lang kay Ashton at Vinz. Sabi sa akin ni Ayi, never pa daw sila nakikipagkita kay Charles. Sila Wax, Paul at Jack lang daw ang nakikipagkita kay Charles.
Hindi na din naman daw nila tinatanong kung kamusta na yun. Technically naman daw kasi, ako ang kaibigan nila. Kaya hindi daw sila natutuwa sa ginawa ni Charles sa akin. Na-touch ako pero at some point naaawa rin naman ako kay Charles kasi madaming nagbago sa barkada after ng nangyari sa amin.
Nawala na daw yung banda. After sumama sa akin si Vinz doon na daw nila napagusapan na mag-disband na. Ilang buwan or ilang years din atang hindi nagpansinan sila sila Wax at Charles. Sinabi ko naman sa kanila na hindi dapat sila madamay sa away namin noon. Sabi ko pa nga dapat maging neutral sila dahil pareho nila kaming kaibigan pero sabi kasi ni Paul hindi daw tama yung ginawa ni Charles.
Madami daw siyang pagkakataon para sabihin sa akin yung totoo pero mas pinili niya pang magsinungaling. Tapos hindi din daw tama na i-take for granted niya ang feelings ko. Dapat daw kung mahal ako ni Charles dapat ako lang, kung si Vika naman daw talaga dapat si Vika lang.
"Friend, papalapit na siya. Ready ka na?" Mula kay Ayi ay nilingon ko si Charles na kasalukuyang tinatahak na ang landas papunta sa lamesa namin. Nakikipagtawanan siya kela Wax. Tumabi sa akin si Vinz at hinawakan ang kamay ko.
"You know what, you don't have to do this. I'm getting furious just by looking at that asshole's face." Medyo gigil na sinabi ni Vinz. I understand kung bakit ganun siya, syempre siya yung kasama ko nung panahong nag-mo-move on ako.
"Okay lang ako Vinz, don't worry. Okay na ko. I've moved on." Nginitian ko siya to assure na okay na ako.
"Shaira?" Ganun pa din ang itsura niya. Mas nadefine pa ang mukha niya dahil sa bago niyang hair style. Hindi ko dapat pinagmamasdan ang mukha niya pero hindi ko mapigilang pansinin.
"Mig...I mean Charles. Nice to see you again." Yun lamang ang sinabi ko at inagaw na rin ni Coreen ang atensyon namin. Sinabi niya na na kapag nanganak siya ay kukunin niya kaming mga ninong at ninang.
"Sa wakas madadagdagan na rin ang inaanak ko." Masayang sabi ni Ayi. Mahilig din sa bata to e. Ewan ko ba kung bakit hindi pa magpamilya to.
Buong get together ay nagkwentuhan lang kami. Kapag nadidivert na ang usapan sa mga bagay na makakapagpaalala sa nakaraan namin ni Charles ay agad nila itong inililihis. Okay naman ang lahat. No confrontation, no world war 2, very smooth lang.