Part Twenty-Two

847 37 0
                                    

Nasa field lahat ng estudyante subalit ako ay nagpaiwan na lang sa classroom. Every Monday ay may flag ceremony, ang mga nakakasama lang dito ay yung mga maaga ang pasok. Since hindi ganoon kaaga ang pasok ko ay hindi napapasama ang section namin sa mga nakikilahok sa flag ceremony. Masyado akong napaaga kaya naabutan ko pa ito. Hindi lang talaga ako makapampante sa bahay dahil sa sobrang tahimik ay naaalala ko lang lahat ng nangyari.

Nakausap ko pa si papa kagabi at nagkamustahan lang kami. He's asking me kung gusto ko ba pumunta dun for vacation. I said I will think about it. I was not in the mood to talk to anybody that time kaya nagiguilty tuloy ako kay papa. Noon ko na nga lang siya nakausap dahil most of the time ay tumatawag siya ng wala ako sa bahay.

"Ms. Espinosa, why are you still here? Hindi ba dapat nasa field ka?" Boses pa lang niya ang narinig ko at nagsitindigan na ang mga balahibo ko. Pakiramdam ko ay any minute sasabog na lang ako at masasabi ko na lang sa kanya lahat ng sama ng loob ko. Pinigilan ko ng sobra ang sarili ko dahil hindi pa ito ang tamang oras para malaman niya na nabuko ko na siya.

"Sorry, wala kasi ako sa mood ngayon." I act na parang walang nangyari sa amin. Pinilit kong maging casual. Ayokong mahalata niya sa boses ko na alam ko na.

"Why aren't you on the mood?" From sa mga estudyante sa field ay nilingon ko siya. Nakita ko siyang nakatayo sa may front door ng classroom namin habang nakasandal sa dingding. Nakahalukipkip pa na parang hinihintay niya talaga ang isasagot ko.

"You don't have to know." I saw his jaw clenched. Sige lang Miguel, fall from your own bait! I'm tired of being hurt, I've experienced enough. Ayoko ng maulit iyon ulit kaya this time I'll make sure that no one will ever hurt me again.

"I want to. Sabihin mo na." Naglakad ako at umupo sa isang chair na malapit ng bahagya sa kanya. Pinilig ko ang ulo ko dahil gusto kong makita ng malinaw ang magiging reaction niya.

"Okay." Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa desk at pinagsalukip ang mga daliri ko. "My ex fooled me. He's a jerk!" I saw him stiffened. From his cool guy aura ay tumuwid siya ng tayo at walang emosyong tumingin sa akin habang nakapamulsa.

"What about him?" Tanging tanong niya. I guess he's feeling awkward dahil siya ang topic namin. Without him knowing na alam kong siya yun and I opened this topic for a reason.

"I broke up with him 'cause he's an asshole! Pinagbibintangan niya akong may ibang lalaki pero actually siya naman tong meron." Hinampas ko pa yung desk ko para lang mas effective ang ginagawa ko.

"Maybe--" I didn't let him interupt me dahil alam kong ipagtatanggol niya lang ang sarili niya. I don't wanna here his lame excuses! I'm so fed up!

"Maybe what? Maybe he just brought that thing up para makipagbreak ako sa kanya? Well, if that's the case I guess he won. I broke up with him and the fucking blame was on me!" Pinipigilan ko ang sarili kong maging emotional dahil ayoko ng bumalik pa yung lahat ng sakit. Ayokong makita niya na iniiyakan ko siya. He's not worth my tears anymore.

Naglakad siya at umupo. Isang upuan lang ang pumapagitna sa amin. I can't look at him, kailangan ko pang humugot ng lakas ng loob. Ayoko pang makita ng malapitan ang mukha niya, baka mas lalo lang akong manggalaiti sa galit.

"Wala naman akong iba. Kung alam lang niya kung gaano ko siya kamahal noon. Kung gaano ako ka-willing na maghintay, magkasama lang kami. Ilang araw siyang hindi nagparamdam sa akin tapos noong araw na nagtext siya galit pa siya. He's accusing me na may lalaki ako! Why would I look for another if all I ever wanted was him?!" I just realized na lahat ng lumalabas sa bibig ko ay totoo. It was all true. Sinubukan kong kurutin ang kamay ko pero hindi ito tumalab. Sa tingi ko ay namanhid ito dahil sa nangyayari. Parang ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay ang sakit na dinulot ng lalaking to sa akin.

"I love him to the point na nagawa ko siyang hintayin nung mga araw na yun. Pero nun ko na-realize na, sa isang relasyon may isa dapat na marunong magparaya. Hindi sa pagbubuhat ng bangko, but I guess sa aming dalawa ako yun." Tinignan ko siya saglit at nakita kong nakakunot ang noo niya. Is he objecting my statement?

"Ako lagi ang nagpaparaya. Nung mga panahong yun, ako na ang nakipaghiwalay dahil alam kong naduduwag siya na gawin yun. Alam kong ayaw niya kasing mabuhay na dala yung guilt. Kaya gumawa siya ng rason para ako na mismo ang bumitaw." Sarkastiko akong tumawa.

"What a smart but coward move." Umiling ako. Guess he's getting uncomfortable. Panay ang punas niya sa noo niya. Ayaw mong naririnig ang kagaguhan mo? Well deal with it!

"Wala ka ba talagang iba?" Tanong nito.

"What?! Are you serious?!" He cleared his throat bago muling nagsalita. "Maybe he have some reasons kung bakit niya nasabi yun, maybe may pinanghuhugutan talaga siya, or maybe your getting too close to some of the boys here in school kaya siya naghihinala?" See. He's now defending himself! I don't care! Wala na akong pakialam sa gusto mong sabihin! All I wanted to do now is to make you realize what you've lost.

"What reasons? Okay, listen! Me and my boyfriend were far from each other! Nandoon siya at nandito ako. Lets just assume that I'm having an affair, how would he know na nangangaliwa nga ako kung nasa malayo siya? Are you getting my point here?" Bahagya siyang nabulunan sa sarili niyang laway.

"Imposibleng malaman niya yun. But my point here is that I'm not having an affair. Siya lang ang mahal ko." I looked at him straight through his eyes. Alam kong mahirap para sa akin ang gawin ito pero kailangan para malaman niya na sincere ako. Na totoo lahat ng sinasabi ko.

"Maybe may iba pa siyang rason." Napairap ako sa sinabi niya. He's defending his self again. Of course he will! Pride and ego niya ang pinaguusapan namin.

"What reason?!" Hindi na siya nagsalita. Nagkibit balikat lamang siya.

"Since, na-open ko na naman ang private life ko sayo. Can I ask you something?"

"What is it?" Tanong niya.

"Are you mad at me? Napansin ko kasing parang lagi kang galit sa akin." Tipid siyang tumawa. Halata ang pagkabigla niya sa tanong ko. Hindi ako nagpatinag kaya tahimik kong hinintay ang sagot niya.

"No I'm not." Siryoso niyang sagot.

"Bakit ramdam ko na parang ilag ka?" Deretsahan kong tanong.

"Ganun lang talaga ako." Pag rarason niya. Tumawa ako ng sarkastiko. Ang hina niyang magpalusot. Halatang halata mo na gumagawa lang siya ng maisasagot.

"No you're not! Alam mo nga minsan naiisip ko na baka ikaw yung ex ko. Mukha kasing may galit ka sa akin." Tumawa ako para hindi niya maramdaman na totoo yung sinasabi ko. Mukhang hindi siya mapanatag sa pwesto niya dahil tila nasasakal siya sa nangyayari. Binuksan pa nga niya ang butones malapit sa kanyang leeg. Tinignan ko siya at ni hindi man lang siya makatingin sa akin.

"I'm not your ex. I will never be your ex." Siryoso niyang sinabi sa akin. Mas lalo lang akong nagalit dahil sa huli niyang sinabi. He's a liar! I can't believe this person. Kaya niyang sabihin yun ng wala man lang guilt sa boses niya. Parang ilang araw na niya yun pinag-aralan kaya ni isang nginig ay wala akong narinig.

"Lier." Bulong ko. Hindi niya itk narinig. Mas umusbong lang ang galit sa puso ko dahil sa kasinungalingan niya!

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon