Part Nine

919 41 1
                                    

"Tandaan mo! No boyfriend, okay! Hindi ka pa pwedeng magboyfriend! Study first! Wala ka na bang nakalimutan? Mag-aral ka ng mabuti! Nagpapakahirap ang daddy mo sa abroad para pag-aralin ka kaya pag-aaral muna atupagin mo..." Buong byahe yan lang ang naririnig ko. Kanina pa nagbibilin si mama sa dapat kong gawin. Nagi-guilty tuloy ako kasi walang alam si mama about kay Charles. Sigurado ako na kapag nalaman ni mama yun magagalit talaga siya ng sobra. Baka kunin pa niya yung phone ko na tanging way na lang namin ni Charles para magkausap.

Inihinto na ni mama ang sasakyan. Huminga ako ng malalim dahil kinakabahan ako. New school, new chapter! I will start a new life at hindi na ako lilingon pa sa nakaraan. Kaya ko to! Ngayon pa ba na may Charles na ako. Kahit walang kumausap sa akin, si Charles ang sasagip sa akin.

Mahigpit kong hinawakan ang pinto bago ito buksan.

"Shaira..." napahinto ako sa paglabas ng tawagin ako ni mama. "Lagi mong tatandaan, just be yourself." Ngumiti si mama at pakiramdam ko ay nabawasan na ng sobra ang kaba ko. Bakit nga ba ako matatakot kung may mga tao namang tanggap ako. Nginitian ko rin si mama para na rin ipakita sa kanya na ayos lang ako.

Lumabas na ako sa kotse at naglakad papasok ng school. Masaya ako dahil ito ang first choice ko. Akala ko hindi ako makakapasa sa entrance dahil prestige ang ECU. Lahat ng nag-aaral dito mukhang yayamanin. Sigurado akong may mga bitchees din dito pero I don't care at all.

"Sobrang laki naman nitong school na to. Paano ko ba hahanapin yung room ko?" Umupo ako sa isa sa mga bench at kinuha yung schedule ko para malaman kung saang building at room ba ako. Naramdaman kong nagva-vibrate yung phone ko kaya kinuha ko to. Si honey...

"Good morning hon! Nasa school ka na?" Owtomatikong napangiti ako pagkarinig ko sa boses niya.

"Oo hon nandito na ako sa school. Ikaw ba?" Inayos ko na ang gamit ko at nagsimula na ulit maglakad. Hinahanap ko pa rin ang room ko habang kinakausap si Charles.

"Nandito na rin ako kanina pa. Kailangan daw kasing maagang pumunta sa school para i-assist ang mga freshies." Ang cute talaga ng boses ng honey ko! Pakiramdam ko wala ng makakasira pa sa araw ko.

"Excuse me miss." Nagulat ako ng biglang may huminto sa harapan ko. Tinignan ko siya at nakasuot siya ng uniform, ang ibig sabihin lang niyan ay old student to. Ang freshmen kasi ay civillian since next week pa ang delivery ng uniforms.

"I'm Paul, student council member. I can help you sa paghahanap ng room mo. Can I see your schedule?" Inabot ko na lang sa kanya yung schedule ko. Nun ko lang naalala na nasa phone nga pala si Charles.

"Hello hon?"

"Sino yun hon?" Buti naman hindi niya binaba.

"SC hon, tinulungan lang akong hanapin yung room ko." Tinignan ko si kuyang SC at busy pa din siya sa pagbabasa ng schedule ko.

"Akala ko naghahanap ka na ng iba dyan e!" Ayan na naman siya. Ang boyfriend kong seloso!

"Nakuu, nagseselos ka na naman. Kung kasama lang kita ngayon baka pinipisil ko na yung ilong mo sa sobrang cute mo." Narinig kong tumawa siya, kaya natawa na rin ako.

"Hon. Tawagan na lang kita mamaya. Baka hinahanap na ko ng mga kasama ko. Bye, I love you!"

"I love you too hon!" Inilagay ko na sa bulsa ko yung phone ko.

"Miss wait lang, tawagin ko lang yung kasama ko para masamahan ka papunta sa room mo." Iniabot sa akin nung lalaki yung schedule ko at patakbong umalis. Naghintay ako hanggang sa bumalik siya.

"Kanina pa kita hinahanap." Wika ng lalaking Paul ang pangalan sa kasama niyang isa pang lalaki.

"E tumawag lang ako sandali." Narinig kong rason nito.

"Miss, siya yung magtuturo sayo kung saan yung room mo." Kinuha niya ulit yung schedule form ko at iniabot sa kasama niya. Nagthank you ako sa lalaking unang nag-approach sa akin. Naglakad na kami nung pangalawang lalaki papunta sa classroom ko.

Nauunang maglakad si kuyang SC sa akin. Ang ganda talaga ng school na to. Ang lalaki ng classrooms! Mukhang fully airconditioned pa ang buong building. Pati sa corridor malamig e.

"Nandito na tayo miss." Agad akong nagthank you at pumasok na sa loob. Marami ng tao sa loob at mukhang magkakakilala na sila. Umupo ako sa sulok at kinuha ko agad yung phone ko para itext si Charles.

"Hon nandito na ko sa room ko."
Sent.

Hinintay ko ang reply ni Charles pero mukhang busy ang honey ko.

"Baka malusaw yan." Napatingin ako sa nagsalita. Inayos niya yung bag niya sa upuan na katabi nung akin.

"Hi, Ayessa pala." Inabot niya ang kamay niya at naghand shake kami. "Shaira." Umupo siya. Tinignan ko na lang ulit yung phone ko at mukhang busy pa rin talaga si honey. Itinago ko na lang yung phone ko at baka hindi ko maiwasang tignan ito ng tignan.

Natahimik kaming lahat ng may kumatok sa pinto.

"May I excuse Ms. Shaira?" Ako? Shaira daw ba? Lumingon lingon lahat ng mga kaklase ko at mukhang hinahanap kung sino yung sinasabi nung lalaki.

"Shaira daw? Di ba ikaw yun?" Tanong sa akin ni Ayessa. Tumango ako at tumayo. Pagkalabas ko sa kwarto ay bumalik na ulit ang kaingayan nila.

"Nakalimutan ko palang ibalik yung schedule mo." Inabot sa akin ni kuyang SC yung schedule ko. Nagthank you ako at papasok na sana sa loob.

"Shaira?" Lumingon ulit ako. Mukhang may gusto siyang sabihin pero di niya maituloy.

"Wala wala, nice to meet you." Nginitian ko siya at tumalikod na. Ang weird niya, pero ang pogi niya, pero mas pogi pa din yung honey ko, syempre! Kahit di ko pa nakikita yun, siya pa rin ang pinakagwapo sa mga mata ko.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon