Part Thirty-Seven

760 29 1
                                    

Nag-excuse ako sandali dahil tumatawag si mama. Lumabas ako at sinagot ito.

"Hello ma?" Bungad ko kay mama. Narinig ko si Andrei sa kabilang linya.

"Mami! What time are you coming home?" Tanong niya sa akin. Otomatiko naman akong nangiti dahil sa tanong niya. Di pa man kami nakakatagal ay miss na miss niya na kami. Pinaliwanag kong maya maya din ay uuwi na kami.

"I want donuts mami. Please!" Natawa ako. Sabi na may gustong pabili ito. Lagi kasi namin siyang inuuwian sa tuwing umuuwi kami galing work kaya nasanay na rin siya sa amin.

"Okay baby... Bye, I love you!" Nagpaalam na ako at bumalik na sa pwesto ko kanina.

"Sino yun?" Tanong sa akin ni Vinz. Sinabi kong si Andrei ito. Nangiti din siya dahil alam na niya kung ano ang sadya ng anak niya.

"Guys, we have to go." Paalam ni Ashton. Medyo napahaba na rin ang kwentuhan at gumagabi na rin. Inalalayan ni Ashton si Coreen na tumayo. Siya kasi ang maghahatid dito pauwi. Si Ayi naman ay kasabay din nila kaya aalis na rin.

"Kami din uuwi na." Paalam ko. Kanina pa din kami hinihintay ni Andrei kaya kailangan na din naming umuwi. Lumapit na kami sa isa't isa para magbeso beso at magyakapan.

"Bye." Simpleng paalam sa akin ni Charles. Nagalangan pa ako kung makikipagbeso beso ako kay Charles pero nauna na niyang hawakan ang bewang ko para ilapit sa kanya. Saglit niya akong niyakap at pinakawalan din ulit.

"Tara na Shaira." Hatak sa akin ni Vinz.

Tulala pa rin ako sa ginawa niya. Buti na lamang ay hinataka ako ni Vinz. Ano yung naramdaman ko? Shit!

---

"Mami let's go there." Patakbong pumasok si Andrei sa toy store. Nagdecide akong ipasyal si Andrei dahil wala ngayon si Vinz at busy din sila mama sa bukid. Nakangiti lang ako habang tinitignan si Andrei papasok sa store.

"Shaira?" Napalingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Charles na may dalang paper bags. Sandali akong natigilan pero ng lumapit siya ay bumalik na rin ako sa wisyo. He still have this effect on me.

"Uy Charles." Awkward pero na-manage niyang ngitian ako kaya ngumiti na rin ako. Lumingon siya sa paligid na parang may hinahanap.

"Are you with someone?" Doon ko lang naalala si Andrei. Tumango ako.

"Mami!" Saktong tawag sa akin ni Andrei. Niyakap niya ako habang nakatingin kay Charles.

"Is there something wrong mami? Is this guy bothering you?" I patted his head at umiling ako. Lumuhod ako sa harap niya para maging ka-level ko siya. Pinakilala ko si Charles bilang kaibigan ko at nakipaghand shake pa si Andrei.

"May pupuntahan pa ba kayo? If you want I'll treat you sa ice cream parlor. Do you want ice cream Andrei?" Tanong ni Charles kay Andrei na halos nahypnotize na pagkarinig pa lang ng ice cream. Naunang maglakad si Andrei sa amin, habang naiwan naman kami ni Charles sa likuran nito. Masiglang humahakbang si Andrei papunta sa ice cream parlor na nais niyang kainan.

"Kamukhang kamukha ni Vinz si Andrei." Ngumiti ako ng sinabi niya ito.

"Madami ngang nagsasabi." Pagkatapos nito ay natahimik na muli kami. Hindi na ako kumibo pa dahil wala na naman akong gustong itanong.

"We're here!" Hinatak na ako ni Andrei papasok sa Ice Cream Parlor. Agad kaming nakahanap ng pwesto. Hinintay namin ni Charles na maka-order si Andrei.

"Tito Charles, I haven't seen you before that's why I thought you're a bad guy." Tumawa si Charles. Mukhang nasa kanya ang buong atensyon ni Andrei.

"I thought I've met all of mami's friends like Tito Ashton, Tito Paul, Tito Wax and Tito Jack. I'm wrong po pala." Gusto ko na sana outulin ang usapan dahil hindi na naman kailangan tanungin pa ni Andrei yun. Baka maungkat pa ang nakaraan. Sa sobrang curious ni Andrei hindi talaga siya kumibo hanggat hindi sumasagot si Charles.

"Tito Charles is busy kasi." Simpleng sagot niya habang nakatingin kay Andrei na nakaupo sa high chair.

"Why are you busy?" Tanong na naman ni Andrei.

"Andrei, you're asking too much. Tito might get tired answering all your queries." Sumimangot si Andrei. Dumukdok siya sa high chair niya at umastang parang tulog. Makulit talaga ito pero sobrang irresistable!

Dumating na ang order namin. Agad na tinikman ni Andrei ang kanyang order habang ako naman ay tila nabubusog na sa panunuod kay Andrei. Mamimiss ko talaga tong batang to pag nalayo sa akin.

"Tito sorry cause I thought you're a bad guy. You're good po pala. I just don't want my mami get hurt." Biglang nag iba ang expression ni Charles.

"I don't wanna see her cry because I love her. Di ba if you love someone you'll not let them get hurt and cry." Pagpapatuloy pa ni Andrei habang nakatingin sa ice cream niya. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig. Hindi ko alam kung dapat ko bang patahimikin na si Andrei. Sa sobrang talini ng batang to pati ako naaapektuhan sa sinasabi niya.

Totoo naman yun e. Kung mahal mo bakit mo sasaktan. So ibig sabihin pala nun...

"What if I hurt the person I love? Does that means I don't love her?" Napaangat ako ng tingin. Ano'ng pinagsasasabi nitong lalaking to? Sa bata niya pa talaga tinanong?

"Hmm, I think tito our world is too ironic. We tend to love the ones that hurt us, and hurt the ones who love us. Maybe it's all part of our lives." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Andrei.

"Seriously? Am I talking to a kid?" Tumawa ng malakas si Charles at ginulo ang buhok ni Andrei. Si Andrei naman ay tuwang tuwa sa ginagawa ni Charles.

"Andrei paano mo nalaman yung mga ganung bagay?" Tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka naman talaga. Napapailing na lang ako.

"Just a wild guess mami. I love you that's why I don't want you to get hurt but I now at some point I may become one of the reason why you're hurting. But as much as possible I'll do my best not to hurt you." Tumawa si Andrei habang nilalasap ang ice cream niya. Ako naman ay naiwan sa ere. Love? Hurt? Saan napupulot ni Andrei yun?

"Pagkatapos naming kumain ay sinamahan pa kami ni Charles na mamili at nag offer siya na ihatid kami. Sakto namang wala kaming dalang sasakyan kaya pumayag na rin kami. Si Andrei din ay hindj na mahiwalay kay Charles.

Nang makarating kami sa bahay ay agad siyang bumaba sa sasakyabg at tinulungan kami ni Andrei. Saglit na nagpaalam si Andrei kay Charles at patakbong pumasok na sa bahay.

"Thanks." Simpleng pasasalamat ko. Tumango lang siya at nakangiting umalis.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon